Chapter 9: Bestfriends

19 1 0
                                    

"Czyreen." tawag niya sakin. 

"Bakit MJ?" sagot ko sakanya pero hindi ako tumitingin sa kanya. Nakatingin lang ako ng diretso at pinagmamasdan ko ang mga taong dumadaan sa harap namin.

"Uhmmm. Sorry. Sorry kasi di ako nagiisip at nasaktan tuloy kita ng di ko naman sinasadya. Sorry kung napaasa kita." mahinang sabi niya.

Sorry?? Sabi niya sorry?? Diba dapat matuwa ako kasi nagsorry siya sakin pero bakit parang mas nasasaktan ako ngayon?? Nagsosorry ba siya talaga dahil nasaktan niya ko?? Bakit feeling ko ang ibig sabihin ng sorry niya ay "Sorry ah kung tanga ka at umasa ka pero hindi naman kita gusto." 

Huminga muna ko ng malalim bago ako magsalita.

"Alam mo MJ wala ka naman talagang kasalanan eh. Tama ka naman sa sinabi mo na wala kang kasalanan kung umasa ko. Gutso mo lang talagang maprotektahan ako nung araw na yon. Ako lang naman tong nagassume. Wala naman talagang babaeng masasaktan kung hindi kami masydong assumera na baka may gusto kayong mga lalaki samin dahil lang sa mga sweet gestures na pinapakita niyo." 

"Pero wala ding mga babaeng magaassume kung di rin namin kayo pinaasa."

"Huh? Eh di mo naman sinasadya na paasahin ako diba? Kaya wala ka naman talagang kasalanan. Ang OA ko lang tlaga magreact." tumingin ako sa kanya at sabay ngumiti. Ayoko na madagdagan pa kung anuman ung pinoproblema niya ngayon kaya ayos na sakin yung nangyari nung monday. Nasaktan lang siguro ako.

"Hindi Czyreen. Sorry. Kasalanan ko talaga."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Uhhhmmmm. Basta. Sorry talaga Czyreen."

"Ok na yun. Hayaan mo na. :)"

Wala na ni isang nagsalita samin. Nakaupo lang kaming dalawa. Gusto kong itanong sakanya kung bakit siya umiiyak pero nahihiya ako, Hindi naman kasi kami close na dalawa. SImula elementary na magkaklase kami hanggang highschool ngayon ko lang siya nakausap. OO tama kayo ng basa! Since elem magkaklase na kmi pero never kaming naging close sa isat- isa. Tumingin tingin na lang ako sa paligid, Nagdidilim na. Tinignan ko ang relo ko. 6:00 pm na pala, ang tagal na pala naming nakaupo dito di ko man lang namamalayan. Kailangan ko ng umuwi baka mapagalitan na ko neto ni Mommy.

"Uhhmm. MJ?? Hindi ka pa ba uuwi?? Maggagabi na oh." tanong ko sakanya.

"Ah. Oo nga noh. Madilim na. Sorry di ko namalayan yung oras. Gusto mo na ba umuwi??"

"Uhhm. Hindi pa naman pero kailangan na eh baka kasi hinahanap na ko ni Mommy."

"Sige. Umuwi na tayo. Hahatid nalang kita sainyo." tumayo na siya sa upuan at tumingin sakin. 

Teka?!! Anong sabi niya??!! Hahatid niya ko???! Pero bakit?!! Anong gagawin ko papayag ba ko?? Haay nakuh naman.

HOY! BABAE! ayan ka na naman sa kahibangan mo. Nagaassume ka na naman.. sabi ko sa sarili ko. 

"Ay nakuh wag na. Kaya ko naman umuwi magisa. :)"

"No. I insist. Dahil sakin kaya ka ginabi umuwi kaya hayaan mo na ko. :) Tara na kung ayaw mong gabuhun pa lalo sa paguwi."

"Sige na nga. Mapilit ka eh."

Naglakad na kami papuntang sakayan ng jeep at sumakay na kami. Bumaba kami sa tinitirhan naming subdivision. Naglalakad kami papunta sa bahay ng bigla siyang magsalita.

"Czyreen salamat sa pagsama mo sakin ngayon ah kung hindi mo ko sinamahan baka nagmumukmok pa din ako ngayon." sabi niya sakin habang nakangiti. Kahit medyo madilim na ung daan sapat na ung ilaw ng mga poste para makita ko yung mukha niya.

"Ah, Wala yun, pero pwede ko bang malaman bakit ka nga pala naiyak kanina??"ayan di ko na napigilan sarili kong magtanong.

"Ah. yun ba, Si Janella kasi. Nagaway kami." biglang nalungkot yung boses niya,

"Pwede ko bang malaman bakit kayo nagaway?'nakuh yang babaeng yan! Di na nagbago. tsk

"Maliit lang na bagay, Ayaw ko kasing sundin yung gusto niya kaya yun nagalit at nakipagbreak na naman, pero sanay na naman ako sa ugali niya, magbabalikan din naman kami." sagot niya sakin na may kasama pang ngiti na halata namang pilit.

"Kung sanay ka na naman pala bakit nasasaktan ka pa? tsk. Yang girlfriend mo parang may sapak sa utak eh! di na siya nagbago. Palagi ka na lang niyang sinasaktan." 

"Ganun talaga Czyreen pag mahal mo kaya mong tiisin ugali niya kahit na masaktan ka pa. Oh siya andito na tayo. Pumasok ka na."

Andito na pala kami sa tapat ng bahay namin. Di ko man lang namalayan.

"O sige. Salamat sa paghatid. Ingat ka paguwi. Kaya niyo yan MJ. Sana maliwanagan na yang GF mo na hindi na maganda yung ginagawa niya sayo. Bye. Kita nalang sa school, Ingat :)" 

Papasok na sana ko ng gate ng bigla niya kong tinawag.

"Czyreen! Salamat, :)" 

"Sus wala yun! sige na uwi ka na. :)"

"Uhmmm Czyreen pwede bang magtanong??"

"Sure, Anu yun??"

"Uhmmmm, Eh pwede ba tayong maging magbestfriends??" nahihiya niyang sabi sakin.

Nagulat ako sa tinanong niya at hindi ako kaagad nakasagot. Nahalata naman niya na nagulat ako kaya nagsalita siya ulit.

"Kung ayaw mo ok lang, pero gusto talaga kitang maging bestriend. Alam ko madami ka ng kaibigan pero pwede mo ba ko idagdag sa kanila? Ang gaan kasi ng loob ko sayo kaya nagawa kong magopen up ng problema. Yun ay kung ok lang sayo. :) pero kung ayaw mo maiintindihan ko din naman kasi alam ko grabe din yung nagawa ko sayo. nasaktan kita kaya maiintindihan ko kung tatanggihan mo ko."

"Ah. eh. uhmmmm, Ok lang naman, No problem. :)" pumayag ako sa gusto niya para di na din niya isipin na galit pa din ako sa kanya. 

"tALAGA???!! SALAMAT CZYREEN!!" tuwang tuwang sabi niya.

Tuwang tuwa siya na pumayag ako at nagulat nalang ako sa sunod niyang ginawa.

<hug> <hug> <hug>

Bakit niya ko niyayakap ngayon?? sheeetttttt. tama ba na pumayag akong maging magbestfriend kami?? baka lalo akong magkagusto sakanya neto?!! gosh!! pero dapat umpisahan ko ng kalimutan feelings ko para sakanya kasi alam ko kung gaano niya kamahal si Janella, ayokong masaktan na naman ako, siguro hanggang magkaibigan lang talaga kami. 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

Ooooppps. Na FRIENDZONE si Czyreen. Wala na nga ba talagang pagasa ang feelings niya para sa bagong Bestfriend niya??

Tuluyan na nga niya kayang makakalimutan ang feelings niya para kay MJ?? 

Hmmmm. Abangan sa mga susunod na update!! 

Thanks for READING. :)

Perfect TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon