Chapter 15: Broken Hearts

9 2 0
                                    

KARL'S POV

"Czy." mahinang tawag ko kay Czyreen. Napag isip isip kong iopen up yung tungkol sa kiss. Dahil dun sa kiss na yun may narealize akong isang bagay. At yun ang gusto kong aminin sakanya.

" Uhmm Karl. Is it about the kiss?? Can we just pretend it didn't happen?? Di naman natin parehong ginusto yung nangyari diba?? Ayoko lang magkailangan tayo." sunod sunod na sabi ni Czyreen.

Di ko alam kung pano ko magrereact. Gumuho ang mundo ko sa sobrang sakit ng narinig ko mula sakanya. Sa puntong ito mas lalo kong narealize na sobrang GUSTO ko na talaga siya. Simula nung unang araw na makita ko palang siya nagustuhan ko na siya. At lalong nahulog ang loob ko sakanya ng makasama ko siya araw araw. Pero parang ang panandaliang kasiyahan at mapapalitan ng kalungkutan dahil sa mga sinabi niya. Hindi niya ginusto ang nangyari dahil ibig sabihin lang nun hindi niya ako gusto. Akala ko kahit papano, sa pamamagitan ng pagaalaga at pagaalalay ko sakanya magugustuhan niya din ako. Pero mali ako  :'(

"Uhmmm Karl?? Ok ka lang ba??" tanong ni Czyreen sakin.

Ok nga lang ba talaga ko? Sa tingin ko hindi dahil sobrang sakit netong puso ko. </3

"Hin----"

"Karl! Czy! Sorry late kami." naputol ang sasabihin ko ng biglang dumating sila Jeanne at Kayla.

Siguro mas mabuti pang itago ko nalang tong nararamdaman ko.. :'(

"Tara na sa loob..Mag umpisa na tayo." pagyaya ni Czyreen.

MJ'S POV

"Hey Babe! Please stop being immature!" halos pasigaw kong sabi kay Janella dahil ang bilis bilis niyang maglakad at ayaw niya huminto para makapagusap kami ng maayos. Bigla naman siyang huminto at hinarap niya ko na galit na galit.

"At ako pa ang Immature!? huh??! wow MJ kakahiya naman ah!!" pasigaw niyang sabi.

"Oo. Napakaimmature mo Janella. Hindi tama yung ginawa mo kanina! Alam mo sa simula palang alam mo na gagawa kami ng project pero pinilit mo pa din ang date natin diba? Ang sabi mo ok lang sayo na sasama ka muna sakin pag gumawa kami ng project para after namin ay dederetso na tayo sa date natin. So tell me why you're acting like this?!" sunod sunod kong sabi kay Janella. Ewan ko ba pero lately naiinis na ko sa ugali niya. at hindi ko na mapapalampas ang ginawa niya kanina.

"Eh nakakainis yang kagrupo mo! Ang tagal nilang dumating!" inis niyang sabi.

Huminga muna ko ng malalim para kalmahin ang sarili ko.

"Look Janella. Hindi sila late. Maaga lang tayong dumating." mahinahong paliwanag ko kay Janella

"Eh bakit kasi ang aga nating pumunta ha?!" tanong niya.

"Nakakahiya kay Czyreen kung malalate ako" sagot ko sakanya.

"Yun eh! Dahil kay Czyreen na naman!!" naluluhang sabi niya

"Walang kasalanan si Czyreen dito kaya wag mo siyang idadamay." pagdedepensa ko.

"Tapos ngayon pinagtatanggol mo pa yang babaeng yan! At anong akala mo di ko napansin yung tingin mo sakanila kanina ni Karl nung naabutan natin silang magkahalikan?! Parang gusto mong manapak!! At ano!? sa twing magkasama tayo!!!? Palagi nalang pangalan ni Czyreen ang bukambibig mo!! At hinding hindi ko makakalimutan yung ginawa mo sakin nung araw na naaksidente yang si Czyreen!!" sunod sunod niyang sabi. Guilty ako sa mga binibintang niya sakin. Lalo na sa part nung sinasabi niyang naaksidente si Czyreen.

Flashback

Paglabas namin ng clinic agad kong pinuntahan si Janella sa garden ng school. Alam kong dito lang siya pumupunta sa twing nagkakatampuhan kam. At hindi nga ko nagkakamali dahil nakita ko siyang nakaupo sa isang bench at may nakasalpak na earphones sa tenga niya. Nang makalapit ako sakanya tinggal ko ang earphones sa tenga niya na ikinagulat niya.

"Ano ba??!!" pasigaw niyang sabi

"Babe let's talk." mahinahong sabi ko sakanya dahil alam kong wala patutunguhan kung sasabayan ko siya.

"Ngayon pababe babe ka pa diyan?!! kanina pinahiya mo ko sa mga kaibigan mo lalo na sa harap ng Czyreen na yan!!" naluluhang sabi niya

"Sa tingin mo ba tama yang ginawa mo huh? Naaksidente na nga yung tao tapos nagawa mo pang magbiro kahit di naman nakakatawa yung biro mo!" di ko na napigilan ang sarili ko at nasigawan ko na siya.

"Wow MJ!! ako ang girlfriend mo!! pero parang mas concern ka pa dyan sa Czyreen na yan!!! Ano bang meron dyan sa babaeng yan?! Eh malandi yan!!! Muntik ka na nga niyang agawin sakin tapos ganyan mo pa siya ipagtanggol!! Gustong gusto ko ng sampalin at sabunutan yang babaeng yan! At Oras na ipagtanggol mo pa yang babaeng yan sa harap ko mismo makikipagbreak na ko sayo!!"

"Edi makipagbreak ka! Mas mabuti pa nga kung maghiwalay tayo! Ayokong mastuck sa isang relasyon lalo na kung ikaw lang din ang makakasama ko! Hindi ko akalain na ganyan na kasama yang ugali mo Janella!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at dirediretso kong binitawan ang mga salitang ito.

"what?!!! at nagkakaganyan ka dahil lang sa malanding Czyreen na yan!!!! Osige kung masama ugali ko dont tell me yang Czyreen na yan ang mabait?!"

"Oo!"

Flasback ends

Bumalik ulit ako sa kasalukuyan ng biglang magsalita si Janella.

"Oh ano hindi ka makaimik MJ!!?" pasigaw na sabi niya sakin

Hindi ko na alam kung anong nangyayari sakin. Dahil lately unti unti kong nakikilala ang tunay na ugali ni Janella. at ang sobrang pagmamahal na nararamdaman ko sakanya noon ay napapalitan na ng pagkayamot, At sa puntong to isa lang ang gusto kong mangyari.........

"Maghiwalay na tayo Janella." diretsong sabi ko sakanya na halatang ikinabigla niya. Tumalikod siya sakin at nagumpisa siyang maglakad palayo ng dahan dahan. Nakakalimang hakbang palang siya ng bigla siyang magsalita.

"Bago ko tanggapin na wala na talaga tayo gusto ko lang malaman. May gusto ka ba kay Czyreen?" nanginginig ang boses niya.

May gusto nga ba talaga ko kay Czyreen? hindi ako makasagot sa tanong niya.

"I guess I already know what's your answer. Alam ko kahit nung nagkabalikan tayo, gusto mo na siya. Haha. Kakatawa noh. Haaay. Mas ok na siguro na maghiwalay na lang tayo. Mas maganda pa din naman ako dyan sa Czyreen na yan! Magsama kayo!!" sabi ni Janella sakin naglakad muli palayo. Pero bago pa siya tuluyang makalayo.......

"By the way!! Wag mo naman sanang planuhing ligawang si Czyreen! Ex ng bestfriend mo papatusin mo pa?!! tsk. Bye!" at tuluyan na siyang umalis

Sh*t!! bwisit!!!

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
A/N:

Ano na kayang susunod na mangyayari?? Ang haba ng hair ni czyreen!! daladalawa pa ang nagkakagusto sakanya ngayon. hmmm. sinong gusto niyo for Czyreen??

Comments and votes please. :) thankie. ^^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Perfect TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon