Chapter 13: Closer

15 1 0
                                    

Sunday.

Ilang araw na din ang nakalipas mula ng aksidenteng nadulas ako at nagpagulong gulong sa hagdan. At ilang araw na din na palagi kaming magkasama netong si Karl. Pero dahil dun mas naging close kami sa isat isa. Ngayon ay may usapan kaming magkakagrupo na gumawa ng requirement namin dito sa bahay.

"Czyreen anak!! Andito na si Karl! bumaba ka na dyan!" sigaw ni Mommy sakin mula sa baba.

"Sige po mommy! Bababa na po ako!!"

Bakit ang aga ni Karl? 10 pa ang usapan namin ngayon ah.

Nagaayos muna ko ng sarili at lumabas na ko ng room. Medyo masakit pa din kasi ang paa ko kaya dahan dahan akong naglakad palabas ng room ko pero bago pa ko makarating sa may hagdanan isang pamilyar na lalaki ang tumambad mula sa hagdan na tila kakaakyat lang.

"Oh Karl! Bakit umakyat ka pa sana inantay mo nalang ako sa baba." nakangiting sabi ko sakanya habang naglalakad ng paika ika.

"Psh. Ikaw talaga. di mo nalang ako tinext para sinundo kita dito sa taas. Mukhang sa bagal mo maglakad magaantay ako ng matagal dun sa baba. haha. Alalayan na kita." masayang sabi niya.

"Ano ka ba. Nakakahiya naman. Halos araw araw mo na kong inaalalayan at tinutulungan noh! Kaya ko na naman kahit papano." sagot ko naman sakanya habang papalapit na siya sakin.

"Kaya nga SLAVE mo ko diba?" sabi niya habang hawak niya ang braso ko at inaalalayan na kong lumakad.

"Haaaay. Ayan ka na naman sa Slave, slave mo eh! Ok na yun noh kaya di mo na kailangang magpakaslave pa dyan. Bumaba na nga tayo."

Naglakad na kami pababa ng hagdan. Pagdating namin sa sala bumungad ang mukha ng magaling kong ate.

"Oh Czy nawiwili ka na kay KARL ah. hahah. Masakit pa din ba??" nakakalokong tanong sakin ng ate ko.. Oo nga pala di ko pa siya napapakilala sainyo. Siya si Katherine Cruz. 4th year college na siya. Accountancy ang course niya at sa kabilang university siya nagaaral. Kung nagtataka kayo kung bakit kilala niya si Karl, well araw araw ba naman siyang andito sa bahay eh. inakala pa nilang manliligaw ko tong lalaking to.

"Medyo masakit pa Ate Kath eh." sagot ko sa ate ko habang inaalalayan ako ni karl na umupo.

"Buti nalang andyan si Karl para alalayan ka." nakangiting sabi ni Ate.

"Ui Karl! Pare! aga natin ah!!" biglang dumating si Kuya Patrick na pawis na pawis. Siya ang panganay saming tatlo. 24 years old na siya at nagtatrabaho siya sa university na pinapasukan ni ate Kath bilang professor. Pero di niya estudyante si Ate.

"Wow ah. close na kayo ni Kuya Pat. Kelan pa?" pabulong kong tanong kay Karl na nakaupo sa tabi ko. Pero imbes n sagutin ang tanong ko......

Wink. ^__~

kinindatan lang ako ng loko.

"Goodmorning po Tito." biglang bati ni Karl sa daddy ko na biglang pumasok kasunod ni Kuya. Mukhang nagjogging sila ni Kuya.

"Goodmorning din Karl." bati din ni Daddy sakanya.

Masasabing di lang sakin naging close tong si Karl pero pati na din sa pamilya ko. Gustong gusto nila si Karl dahil mabait daw ito. Maya maya ay dunating si mommy sa sala na naka-Apron pa.

"Oh andyan na pala kayong mag-ama. Buti naman at ng sabay sabay na tayong magalmusal. Breakfast is ready." Masiglang sabi ni Mommy.

Inalalayan ako ni Karl pumunta sa kusina at tumabi sakin. sanay na kaming pamilya na kasabay si Karl sa breakfast maging sa dinner. Dahil simula nung nadulas ako sa hagdan araw araw na niya kong hinahatid at sinusundo sa bahay. Pinanindigan niya talagang maging slave ko daw siya kahit di naman ako pumayag. Ok lang daw sakanya na alalayan ako sa paglalakad o utus utusan ko siya. Kakaiba talaga tong lalaking to.

Perfect TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon