Chapter 12: Let me be your slave

18 1 0
                                    

"Aaaccckkk!!" kung sinuswerte ka nga naman oh.

Nakaupo ako sa sahig. Napapikit ako sa sobrang sakit ng pagkakabagsak ko. >.<

"Uyyyy. Czy!! Ok ka lang ba??" halos patakbong binaba ni Karl ung hagdan at halata sa boses niya ang pagaalala.

"OO OK LANG AKO ANG SAYA NGANG MALAGLAG DITO SA HAGDAN EH! TSK! TABI NGA!!" pagsusungit ko sakanya. psh!!

"Czy naman eh! Sorry na! Bakit ba kasi tumatakbo ka?! Halika nga dito. Tumayo ka na. Kaya mo ba?" nagaalalang tanong niya sakin.

"Ewan ko sayo! Kasalanan ko pa ah! Psh. Kaya kong tumayo! umalis ka nga dyan!!" tinabig ko ang kamay niya at tatayo na sana ko pero napangiwi ako sa sakit ng paa ko. "Shiiiit!"

"Tulungan na kita. Wag na matigas ulo mo di mo kaya! Tara sa clinic."

Hindi na ako pumalag pa. Inalalayan akong tumayo ni Karl at dinala niya ko sa clinic. Nasprain daw ang paa ko pero d naman daw malala. Wag ko daw muna masyadong gamitin ang paa ko. Pinagpahinga muna ko ng nurse sa kama at etong si Karl andito pa din. Mukhang alalang alala sakin.

Nakahiga lang ako sa isa sa mga kama dito sa clinic. habang si Karl naman nakaupo sa upuan malapit sa kama at nakatingin sakin. Umiwas ako ng.tingin. bakit ba kasi ganyan siya makatingin sakin. Walang may gustong magsalita saming dalawa. Pero maya maya binasag na niya ang katahimikan na namamagitan saming dalawa.

"Czy ok ka na ba?? Sorry talaga ah. Papunta na dito sila Jeanne. tinawagan ko na sila. Pahinga ka na dyan."

Naguilty ako kasi siya sinisi ko kanina nung nadulas ako sa hagdan. Totoo niyang di naman niya talaga kasalanan. Tumakbo ba naman ako sa hagdan. sinong tanga? sympre ako. Hindi siya.

"Ok na ko Karl. Medyo masakit lang paa ko. Wag ka na magsorry wala ka namang kasalanan eh." sabi ko sakanya sabay ngumiti ako.

"Hindi czy. Kasalanan ko talaga. Kung di kita kinukulit kanina at inaasar di ka sana tumakbo. Sorry Czy. :(" biglang nalungkot ang boses niya.

"Ano ka ba Karl para kang ewan. hayaan mo na yun ok? Di mo kasalanan. ung hagdan yung may kasalanan" paninigurado ko sakanya.

"Hindi Czy. dahil pa sakin di ka makakapaglakad ng maayos. Gusto kong bumawi sayo."

"Ok lang talaga Karl. Wag ka na ngang magalala dyan. Sprain lang naman to."

Panandalian kaming natahimik. Maya maya nagdatingan na sila Jeanne at Kayla. Kasunod nila si MJ at si..... Janella??

Anong ginagawa netong babaeng to dito? The last time I check, di kami okay neto. Hmmmp. sabi ko sa isip ko.

"OW EM GEEEE!! Czy!! okay ka lang ba?? Bakit ba kasi tumakbo takbo ka sa hagdan??" nagaalalang tanong ni Kayla habang patakbong lumapit samin ni Karl.

"Ok na ko Kayla. Sprain lang naman to." sabi ko sakanya with matching smile pa kahit gusto kong sumimangot dahil sa nakita kong papalapit na si janella.

"Ano bang nangyari Czy? Bakit ka ba kasi tumatakbo sa hagdan?" pagtatanong ni Jeanne.

"Uhmmmmm...." nagkatinginan kami ni Karl..di ko kasi alam kung anong sasabihin ko bakit ako tumatakbo. baka sisihin nila si Karl. >.<

"Uhmm. eh kasi--" naputol ang pagsasalita ko ng biglang nagsalita si Karl.

"Kasalanan ko guys. sorry, Hinabol ko kasi siya kanina." nakayukong sabi ni Karl.

"What?! My ghaaadddd Karl! Bakit mo kasi siya hinabol!!?? Ano ba yan Karl. tsk!" inis na sabi ni Jeanne.

"Uhmm. Jeanne ok lang talaga ko. Dont worry. ako lang talaga may gustong tumakbo. Feeling ko.kasi ako si Cinderella na hinahabol ng prince charming niya. :)" nakangiti kong.sabi. pero.teka?? sinabi ko bang prince.charming??? shiiiiit!!! edi ibig sabihin si Karl ung prince charming ko??? anu ba yan!! baka isipin pa.nila na may something kami netong lalaking to. >.<

Natahimik silang lahat sa sinabi ko at nagpapakiramdaman kung ano bang magiging reaksyon nila.. Nabasag lang ang katahimikan na yun ng biglang......

"Hahahahahahahhaahhaahaha!! You're so funny talaga Czyreen! You're so childish talaga, you know that! So where's your glass shoes Cinderella??" eh sympre sino pa ba ang kontra bida?? edi ang epal na si Janella.

Nagtinginan kami kay Janella. Sinamaan naman siya ng tingin nila Jeanne, Kayla at Karl. Si MJ poker face lang. Tss. sympre girlfriend niya yan. Alanganamang awayin niya!! Akala ko walang gagawin si MJ pero natulala ako ng biglang.....

"Seriously Janella?? May gana ka pang tumawa???" inis na sabi sakanya ni MJ..

"Why??! What's wrong with you guys??! Im trying to lighten up the mood here. Ako pa tong masama. Tss." pairap niyang sabi.

"Ow really huh??!! Thanks Janella pero hindi ka nakakatulong ok?! So shuttttt uppppp!!!" mataray na sabi ni Kayla.

Natulala ako sa sinabi niya. ang hard niya kay Janella. hindi ko akalain na may pagkamaldita pala tong friend ko..Go girl!! buti nga sayong Janella ka!!

"Whatever!" yun lang ang tanging nasabi niya sabay walk out..pero di man lang siya sinundan ni MJ. Woaaaah!! Isa itong himala!!

"tsss! talaga yang gf mo ah MJ! napaka niya!! kainis! namumuro na siya sakin!!" inis na sabi ni Kayla. hmmm..namumuro??? bakit kaya namumuro??

"Pasensya na kayo kay Janella ah." pagsosorry ni MJ.

"Uhmmm. Ok lang MJ. dont worry. Sanay na ko sa ugali ni Janella"

"Ok ka na ba talaga Czy??" paninigurado ni Jeanne.

"Ok na talaga ko, Thank you. Sorry pinagalala ko kayo."

"Ok lang girl ano ka ba. 1 pa daw next class natin. saan niyo balak pumunta??" excited na tanong ni Kayla.

"ehem... baka nakakalimutan mong may sprain si Czyreen??" sabi ni Jeanne.

"Ay oo nga pala. Sorry. hahaha." sabi naman ni Kayla.

"Ok lang ako guys. Kung gusto niyong gumala muna aantayin ko nalang kayo dito sa clinic..Papahinga nalang muna ko."

"Are you sure?" tanong ni MJ. hmmm. mukhang may pupuntahan din siya ah.

"Yep. :) sige na..Go na kayo. Ingat kayo :)"

"Babalik kami before 1:00 Czy. Puntahan ka nalang namin dito sa Clinic ha." sabi ni Jeanne.

"Sige. Enjoy kayo. :)"

"Bye Czy! See you later!" isa isa silang lumabas pero etong si Karl di pa din tumatayo sa kinauupuan niya. anong problema neto.

"Huy Karl. Nakaalis na.sila. Di ka ba sasama??" tanong ko.

"Hindi..Dito na lang ako. samahan nalang kita." sabi ni Karl

"Sure ka ba??? baka mabored ka dito ah."

"Hindi. tska para naman makabawi ako sayo :)"

"Ay nakuh. yan ka na namn Karl. Di mo kailangan bumawi kasi wala kang kasalanan ok??"

"No. Just let me Czy. Hayaan mo na tulungan kita. Please? Let me be your slave hanggang sa gumaling na yang paa mo." seryoso niyang sabi sabay hinawakan niya ang kamay ko.

O___________________O

Nastun ako sa sinabi niya lalo na nung hawakan niya ang kamay ko. Parang nakuryente ang buo kong katawan.

Ang lambot ng kamay niya. Gusto kong hilahin yung kamay ko sakanya pero bakit parang ayaw sumunod ng kamay ko. My gosssshhhh. Naiilang ako. Titig na titig pa siya sakin. >.<

"baliw ka talaga Karl!! hindi mo na kailangan magpakaslave noh!" sabi ko sakanya sabay pasimpleng inalis ko ang kamay ko mula sa kanya.

"please czy?? eto lang magpapagaan ng loob ko. Please pumayag ka na huh?? Let me be your slave."

- - - - - - - - - - - - - - -

A/N:

Hi guys!! ngayon lang nakapagupdate ulit. busy sa review eh. pero sana makapagupdate na ko ng mas madalas dahil hindi na ko busy ngayon. :)

sana nagustuhan niyo tong update! want more updates? comment plssss. :)

Perfect TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon