"Goodmorning maam" nakayukong sabi ng lalaking bagong dating.
"And you are Mr?" mataray na tanong ng professor,
"I am Karl Kevin De Guzman Maam. Im sorry Im late."
"Ok. Dont be late next time. You may sit now
Ngumiti naman si karl ba yun sa prof namin at nagtingin tingin ng pwedeng maupuan. Binalik ko nalang ang atensyon ko sa pagsusulat ko sa notebook ko pero nagulat ako ng biglang may umupo sa tabi ko. Napatingin ako sakanya.
"Hi. Wala naman nakaupo dito diba Miss??"
Tumango nalang ako imbes na magsaluta. Tinatamad akong sumagot eh. Maya maya napansin kong naglalabas na siya ng notebook niya. Magsusulat na sana ulit ako pero nagsalita siya ulit.
"Marami na ba kayong naisulat??"
"Uhmm. Medyo. eto oh." pinakita ko nalang sakanya ang notebook ko para makita niya kung ganu karami na ang naisusulat namin.
"Ang dami na nga. Pwede ko bang hiramin yang notebook mo mamaya para kopyahin yung ibang notes?"
"Sure" ngumiti lang ako sakanya at nagsulat na lang ulit.
"Thanks."
Tumango nalang ulit ako. Nang matapos kami sa pinakopya ni maam di naman na siya nagdiscuss. Dinismiss na niya kami pero bago siya magflysung sinabi pa niya samin na may quiz daw kami about sa sinulat namin ngayon kaya magadvance reading daw kami. wow lang ah. tsk.
Nagsipaglabasan na ang mga kaklase ko.
"Czyreen antayin ka nalang namin sa CR ah. Iihi lang muna kami ni Kayla" paalam sakin ni Jeanne. Silang dalawa ang katabi ko din sa upuan. si jeanne ang katabi ko sa kaliwa tapos katabi niya naman sa kaliwa niya si Kayla. At ako naman si Karl ang katabi ko sa kanan. By 5 lang kasi ang upuan tapos 7 yung row. wala pa yung katabi ni karl sa right side niya. kaya siguro ako lang kinakausap neto.
Inaayos ko na ang gamit ko ng mapansin kong nakatingin lang sakin tong katabi ko.
"Why are you looking at me?? May dumi ba ko sa mukha?" tanong ko sakanya.
"Wala. Napaisip lang ako. Kanina pa kita kinakausap, at magkatabi pa tayo pero di ko man lang alam ang pangalan mo."
"Ah. Im Czyreen. you can just call Czy kung gusto mo." nakangiti kong sabi sakanya.
"Ok. uhmm. maglulunch na ba kayo?? pwede ba kong makisabay sainyo??"
"Sure..sige. Papakilala din kita sa kasma ko. The more the merrier. :) Pero ok lang ba sayo puro kami babae?"
"Yup. Ok lang sakin. No worry. Choosy pa ba ko?? hehe."
Lumabas na kami ng room at nagkita kita kami nila Jeanne at Kayla sa tapat ng CR. Pinakilala ko naman sila sa isat isa para walang ilangan. Pababa na kami ng hagdan. Hindi na kami nagelevator. Madaming students na nakaabang eh. Pagkababa namin ng building napagpasyahan namin na dumiretso na.sa canteen para makapaglunch.
"Anong kakain mo Czyreen?" tanong sakin ni Jeanne
"Chicken barbecue nalang sakin. Ikaw Karl??" tanong ko naman kay Karl na.kanina pa nakatingin sa cellphone niya. Nagtetext ata.
"Kung ano nalang sayo, yun nalang din sakin." sagot ni Karl pero di pa din siya tumingin samin.
Sinabi ko na.ang order namin ni Karl kila Jeanne. Sila na ang umorder at kami nalang ni Karl ang naghanap ng mauupuan. actually ako lang talaga ang naghahanap panu ba naman kasi tong kasama ko text lang text. Nasa likod ko siya Tigin ako ng tingin sa paligid para makahanap ng pwesto..Nagkakandahaba na ang leeg ko malagiraffe makahanap lang ng upuan. Dahil sa pagkabusy ko maghanap ng pwesto di ko namalayan na.......
BINABASA MO ANG
Perfect Time
Teen FictionThis is a story of a girl named Czyreen Jayra Cruz who falls in love many times with the wrong guy but never gets tired of hurting again. Paano kung yung hinahanap niyang pefect person na mamamahalin niya eh nasa tabi tabi lang pala niya pero nagha...