"Czyreen, iha! Bumangon ka na dyan. may pasok ka ngayon diba?! baka malate ka nyan!".
"Czyreen!!"
"Bumangon ka na!!"
"Malalate ka na!!"
Kanina pa tawag ng tawag sakin si Mommy. Oo naririnig ko yung pagtawag tawag niya sakin pero di ko ito pinapansin. eto ako nakahiga. nakatingin sa kisame na parang tanga. Gising na gising ang kaluluwa ko. at dilat na.dilat ang mata ko.
Tok tok tok tok
"Czyreen tawag ka ni Mommy!" tawag sakin ni ate mula sa labas ng kwarto ko.
Bumangon na ako at mukhang papasok ako ng walang tulog. Oo!! Wala akong tulog!! Dahil sa bwisit na caller na yun kagabi!
Flashback
Unknown number........... calling
Hmmmm. Sino naman kaya to?? SInagot ko ang tawag at bumilis ang tibok ng puso ko ng makilala ko ang mayari ng boses ng tumawag.
"Hello?"
dug dug dug dug dug dug dug
sheeeeeet!! anong gagawin ko?? at teka baka di naman siya to? baka feeling lang ako. baka kaboses niya lang??!! haayssss. bahala na nga.
Huminga muna ko ng malalim bago nagsalita
"Uhhmm. yes hello. sino po sila??" kalmadong tanong ko sa taong nasa kabilang linya.
"Czy, si Joshua to."
parang nanigas ang buo kong katawan ng malaman ko kung sino ang kausap ko ngayon. ilang taon din kaming hindi nagusap at heto siya ngayon kausap ko sa cellphone. di ko alam ang gagawin ko. di ko alm ang sasabihin ko sakanya. siguro kasi hanggang ngayon andito pa din yung sakit at pagmamahal ko para sakanya. pero hindi ko dapat ipahalata saknya na hanggang ngayon di pa din ako nakakamove on sakanya. huminga ulit ako ng malalim bago nagsalita.
"Joshua??" pagkukunwaring tanong ko kahit naman alam na alam kong siya si joshua! si joshua na ex ko!
"Joshua Lee."
"Ah. ikaw pala." bored kong sabi sakanya. wala naman kasi akong sasabhin sakanya. at lalong ayoko ng makausap pa siya.
"Oo. Di kita masisisi kung nakalimutan mo na ko Ang tanga ko naman kasi talaga para saktan ka. Alam ko wala kapata......."
"Yan lang ba sasabihin mo?" putol ko saknya. ayoko ng marinig ang kahit anong paliwanag niya pa dahil alam kong masasaktan lang ulit ako ng sobra. baka lalo ko lang siyang hindi makalimutan.
"Pwede ba tayong magkita?" tanong niya.
Aba't ang kapal ng mukha niya para yayain akong makipagkita sakanya??!!
"Bakit? Para saan?" cold kong tanong sakanya
"Uhmm. Gusto.ko lang sanang magpaliwanag tungkol sa break up natin."
"Paliwanag? At may lakas ka pa talaga ng loob na magpaliwanag ah. After 2 years?? Nagpapatawa ka ba???" sarkastikong tanong ko sakanya.
"Please Czy. Gusto ko lang maging ok na tayo. Ayoko na makaramdam ng kahit anong awkwardness pag nagkita tayo"
"Hahahaha." hindi ko napigilan ang sarili kong matawa kahit deep inside bwisit na bwisit ako sa mga pinagsasabi niya. "Nakakahiya naman sayo. Ako pa tong dahilan kung bakit ka naaawkward. But no need to explain." mataray kong sabi saknya.
BINABASA MO ANG
Perfect Time
Teen FictionThis is a story of a girl named Czyreen Jayra Cruz who falls in love many times with the wrong guy but never gets tired of hurting again. Paano kung yung hinahanap niyang pefect person na mamamahalin niya eh nasa tabi tabi lang pala niya pero nagha...