MDS 3- SURPRISE 2

1.4K 61 4
                                    

Kararating ko lang sa bahay. Agad akong nag isip ng paraan para makapasok ako sa loob ng hindi nakikita ni Rhian. Kaya agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan si mommy, ilang ring lang at sinagot na agad nito ang tawag ko.

"Hello, where are you?"-bungad nito ng masagot ang tawag.

"Outside our house mom, dipa ako nakabihis mom. I need you to look after Rhian, para makapasok ako sa loob ng bahay ng hindi niya nalalaman." I explained.

"Okay dear. I'll go to her room. Then take that chance to go inside." She said.

"Thanks mom." I said as i ended the call

That time, agad akong kumilos, kinuha ko lahat ng kailangan ko. Nang masigurong wala na akong naiwan sa sasakyan, agad nakong bumaba at pumasok sa loob.

Nang makapasok ako, marami na ring tao. Ang ganda ng paligid, talagang pinaghandaan 'to.

Nakapasok ako sa bahay ng walang nakakapansin sakin. Hanggang sa narating ko ang aking kwarto. Agad akong nagbihis at nag ayos ng sarili ko. Ilang minuto pa ay nagbigay na sakin ng hudyat si Daddy na magsisimula na ang party. Agad akong lumabas upang hindi ako maunahan ni Rhian. Nang tuluyang makababa, nakisiksik ako sa mga taong naghihintay sa pagbaba ng prinsesa.

Komportable akong hindi ako makikita o mamumukhaan ni Rhian dahil sa kapogian ko ngayon. Ewan ko ba kay Mom, kung anong nakain at pinagsuot ako ng tuxedo. Pero okay na rin, dagdag pogi points na rin to no, dami pa namang chix.

(Imagine niyo nalang si G. Wearing tuxedo) 😅

*Rhian's POV*

10 mins nalang ang hinihintay at magsisimula na ang party ko. Pero ako, hindi ko alam kung pano to uumpisahan. Knowing na wala si Glaiza, at ni hindi ko man lang alam kung sinong pumalit sa kanya bilang escort ko.

Ughh!! I hate you Glaiza! I hate you!

"Baby, are you ready?" Tanong ni mom as she entered my room.

Binigyan ko siya ng pilit na ngiti at bahagyang tumango.

"Baby, wag kang malungkot. It's your night. You should be happy. Tsaka okay naman yung magiging escort mo, pogi pogi. Tsaka higit pa siya sa okay, baka nga mainlab ka run e. So wag ng malungkot ha?" Pangungumbinsi ni Mom.

Magsasalita pa sana si Mom ng marinig naming nagsalita na ang emcee.

"So, let's go? Please, do wear your beautiful smile." She said and went straight to the door.

Mag isa ko nga lang pala na bababa ng hagdan. Mas lalo akong kinabahan sa kaisipang iyon.

Isang malalim na paghinga ang binitawan ko bago tuluyang lumabas ng kwarto, na sakto namang pagtawag ng emcee sa pangalan ko.

"Please welcome, the birthday celebrant... Rhian Denise Howell!" Narinig kong sabi nito kasabay ng pagpalakpak ng mga tao.

Walang ganang nagtungo ako sa hagdan, at bago tuluyang bumaba ay pinilit kong ngumiti.

*Glaiza's POV*

Lahat kami ay nakatingala sa isang prinsesang maingat na bumababa sa hagdan.

Wow! Napakaganda ng kapatid ko. She's so damn beautiful. Even though her smiles are fake. Makikita mo talagang malungkot ito, ngunit pinipilit niyang ngumiti at magmukhang masaya.

Nang makababa na si Rhian ay maayos na nagpatuloy ang party, maraming sinabi ang emcee, matapos ay tinawag nito si mommy and daddy para magbigay ng message sa birthday celebrant. Matapos silang magbigay ng message ay narinig ko ang pagtawag sakin ng emcee.

My Dearest SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon