MDS 14. BUNUTAN

760 43 0
                                    

(December 20)
@ Glaiza's Condo, 10 am

"Ano nanamang pag uusapan at pinatawag mo kaming lahat dito?"-April

"Gusto ko lang sabihin na para hindi boring ang magiging christmas natin sa Tagaytay ay magkakaroon tayo ng exchange gift... At ngayon ang bunutan."-deretsa kong sabi

"Oy! Maganda yan!"-Bianca

"At dahil handa na ang bunutan, hindi na kayo makakatanggi pa."-ako, sabay labas ng box.

"Ayoooon. Pinaghandaan."-Mike

"Naman, girlscout e."-sagot ko sabay ngiti

"Okay, simulan na natin."-Alex

"Game!"-sagot ko

At dahil ganito ang ayos ng upo namin, Gabby, Francis, Mike,Ketchup, April, Ange, Alex, Bianca, Rhian at ako... Nakapacircle kami.

"Gabskie! Ikaw maunang bubunot."-i said

"Okay game!"- Gabby sabay bunot

"Hep... Wala munang titingin sa nabunot ha? Sabay sabay tayo. Wag niyo rin sasabihin kung sino nabunot niyo. Dapat walang clue."-Pahabol ko, tumango naman sila.

Sunod sunod na bumunot gaya ng pagkakaayos ng upo namin...

Sabay sabay naming tiningnan yung piece of paper na binunot namin.

"Anak ng!"-reaksyon ni April... "Kung minamalas ka nga naman."-Dugtong neto

"Leche naman oh!"-Mike

Natawa naman kami sa mga reaksyon nila. Sorry guys, pero bawal sabihin e.
"Okay! We're done here. Magsilayas na kayo, para makabili na ng regalo..."-kunwaring taboy ko sa kanila. Pero parang hirap na hirap silang mag isip ng ireregalo

"Wait lang! Wala pa kaming naiisip e."-April

"Wala ka namang isip e. Wala ka talagang maiisip niyan."-Alex

"Hep!! Walang magbabangayan dito!"-agad na awat ko bago pa makasagot si April

"Guys! May idea ako."-Rhian

Lahat ng tingin namin ay nabaling sa kanya. Alam kong solve na ang problema namin dahil kahit diko pa alam yung idea na sinasabi ni Rhian ay alam kong maganda ito. Magaling kasi siyang mag isip ng paraan, madiskarte

"Ano?"-kami

"Ahm eto!"-Rhian sabay taas ng hawak na ballpen at papel. Napakunot noo naman kami

"Ano yan?"-April

"Ay boba talaga! Dimo ba nakikita? Papel at ballpen yan!"-Alex

"Bat ba sabat ka ng sabat jan butiki!?"-April

"Ano ba! Manahimik nga kayo!"-Francis

"Ano namang gagawin natin jan bes?"-Bianca

*Rhian's POV*

Dahil alam kong lahat kami ay nahihirapan sa pag iisip ng bibilihin regalo para sa mga nabunot namin kaya nag isip ako ng way para mapadali...

"Ano namang gagawin natin jan bes?"-Bianca

"Madali lang, alam kung nahihirapan tayong mag isip ng regalo. Diba?"-Sabi ko at lahat sila ay tumango. "Well, naisip ko lang, bakit hindi natin isulat yung gift na gusto nating marecieve. Sa isang tao, isang papel okay? Isusulat mo sa papel na yun yung gift na gusto mong matanggap. Then papangalanan mo sa baba. Pag naisulat niyo na , itutupi niyo yun gaya ng pagkakatupi sa names kanina. After, ilalagay sa box. Pag nailagay na ron, lalapit tayo isa isa sa box... Yung iba dapat bawal tumingin.at yung person na bubunot, free siyang buksan lahat yung papers hanggang sa mahanap niya yung name nung nabunot niya... Basta siguraduhing ibabalik din yung names sa pagkakatupi. Pag nahanap niyo na yung name nung nabunot niyo itago niyo na yun... Basta yung name lang ng nabunot niyo yung dapat niyong kunin. Bawal niyo kunin yung ibang name... "Paliwanag ko sa kanila pero tahimik parin silang nakatingin sakin, "nakuha niyo ba?"-tanong ko

"Ah... O-oo kuha namin!"-Alex

"Ako, hindi e."- April

'What?? Sa haba ng explanation ko tapos tagalog pa... Di niya parin gets?'-sa isip ko

"Biro lang guys!"-bawi ni April ng tingnan namin siya ng masama.

"So pano? Umpisahan na natin?"-i asked

"Gamee!"-Gabby

Isa isa kaming nagpunta sa dining table at dun nagsulat. Isa isa na rin naming iniwan yung mga sinulat namin... After ko itong ishuffle, isa isa ulit kaming naghanap nung name na nabunot namin

"Successed!"-April

"Buti nalang naisip mo yun, wala na tayong problema."-Chup

"Oo nga e."-Alex

"O pano? Una na kami ni Chup, bili na kami ng gift."-Paalam ni Gabby

"Ah sige, ingat mga Par."-Glaiza

"Kami rin ni Mahal... Bibili na rin kami."-Ange

"Kami rin."-Francis and Mike

"Ay... Ako rin Cha. Mamimili na rin ako, sige Rhian. Una nako."-April

"Sabay na rin ako kay April bes... Bye Cha."-Bianca

Nang makaalis sila ay kami nalang ni Glaiza ang naiwan.

"I-ikaw? Dika pa ba bibili?"-Glaiza

"Hindi na muna, pwede bang dito muna ko?"-I asked

"Yeah sure. Pahinga muna ko ha? Pag inantok ka, pasok ka nalang sa room ko."-Glaiza

"S-sige."-sagot ko at tuluyan na siyang pumasok sa kwarto niya.

------
N/A: Wazzup Readers? 😅

Don't forget to vote. 😉
Enjoy reading.
Love lots 💕

My Dearest SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon