MDS 31.

762 38 6
                                    

*Glaiza's POV*

(Same Day. New York. 7 am.)

Apat na taon nako rito sa New York...  At Tatlong taon nakong walang paramdam sa Squad.

3 years na rin since Rhian said na wag ko na siyang hintayin... Ayoko naman talaga sanang huminto non e. Pero she gave me a reason. At sakanya na mismo nanggaling na wala nakong mahihintay... After that pinutol ko lahat ng communication na meron kami.  Including yung gc ng squad..  Umalis ako run and then dineactivate ko lahat ng accounts ko.

Sa loob ng tatlong taon ay masyado ng maraming nangyare, marami ng nagbago... Lahat ginawa ko para lang di ako maboring masyado rito...

Nag start akong mag gym... Para kahit papano may exercise ako. Nag aral din akong magluto. Yeah,  as in nag enroll ako sa Culinary para mas matuto pakong magluto... And syempre nadagdagan yung mga kantang sinulat ko. Tinulungan din kasi ako nung bespren ko rito sa New York e. Kaya ayun, sa ngayon meron nakong naisulat na limang kanta..  Icluding yung dalawang nauna non.

Nakahiga parin ako sa bed ko,  tinatamad pakong bumangon... Nang bigla akong may maalala

'Birthday ni Gabby ngayon...'-sa isip ko

Panigurado magkakasama sila ngayon,  how I wish na andun din ako. Sana kumpleto kami ngayon. Diko naman talaga gustong pati sa kanila ay hindi ako magparamdam, pero kinakailangan kasi.
Alam ko naman kasing hindi ako makakalimot kapag nag stay akong may communication sa kanila. Lagi lang nilang babanggitin lahat lahat..  And ayoko yun,  dahil mas mahihirapan ako.

Ayoko namang ipagsiksikan yung sarili ko sa taong hindi ako kayang panindigan. And salamat sa kanya dahil natuto akong maging matatag...

Busy ako sa pag iisip ng biglang may nagdoorbell

Dali dali akong bumangon para tingnan kung sino yung istorbo ...

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sakin ang isang babaeng nakangiti...

"Goodmorning! Breakfast? "-Bati niya at dere deretsong pumasok sa condo ko

Abay kakapal ng mukha...

"Pasok nako ha.?"-Paalam niya ng nakapasok na siya sa loob

"Nagpaalam kapa"-ako

"Sus,  wag na masungit.."-sabi niya sabay yakap sakin ng pa-side,  "lika na,  kain na tayo."-paglalambing niya

Naks,  napakalambing talaga ng babaeng to... Kaya mahal na mahal ko to e kahit abnormal din

"O'sya..  Sige tara na."-sagot ko

Hinain niya ang mga pagkain tsaka kami kumain.

"Bai, Kelan mo balak umuwi ng Pinas?"-tanong niya

"Diko pa alam... Depende kapag nagmessage na sakin yung sa company namin."-Sagot ko

Nagtaka naman ako ng tumawa ito bigla

"May natanggap ka naman bang mail from them? "-tumatawa niyang tanong

"Wala pa nga e. "-sagot ko na mas ikinatawa niya

"Teka nga.. Bat ka ba tumatawa??  Ano bang nakakatawa?"-tanong ko

Pero panay parin ang tawa niya...

"Ano ngaaaa?!"-inis na tanong ko

"Wahahaha ang sakit ng tiyan ko..  Teka.."-tawang tawa niyang sabi habang nakahawak sa tiyan niya

Hinayaan ko lang siyang tumawa ng tumawa hanggang sa kusa siyang matapos.

Ilang saglit pa ay natapos din siya at uminom ng tubig...

My Dearest SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon