MDS 34. THE RETURN.

1.3K 44 14
                                    

(New York, Friday 8pm)

Magkahalong saya, kaba, takot at excitement ang nararamdaman ko sa mga oras na to...

Saya na sa wakas, after 4 years ay makakasama at makikita ko na ulit ang pamilya ko.

Kaba dahil hindi ko alam kung anong pwedeng mangyare sa muling pagkikita namin ni Rhian sa Pinas.

Excitement dahil magkakasama sama na ulit kami, pwede na kaming magbonding ulit... Dahil sobra ko silang namin, at yung Jam namin...

Takot... Ewan, diko rin mawari kung bakit ako nakakaramdam ng takot... Siguro takot na dahil baka maging mahina ako pagdating kay Rhian. Takot na baka kapag naging marupok ako ay masaktan nanaman ako sa pangatlong pagkakataon...

Ayoko sanang isipin yung mga bagay na negatibo, pero diko maiwasan... Lalo pa't alam ko sa sarili kong mahal ko parin siya. Na ni minsan ay hindi siya nawala sa puso't isipan ko.

Alam ko e... Una palang, alam kong siya na. Pero siguro, that time hindi pa yun yung right time... And sana kung hindi pa din ngayon, ay hindi na ako gaanong masaktan. Dahil ang hirap bumangon... Inaamin kong mahal ko pa siya, pero ayos nako. Tanggap ko na.

Kaya papa God,kl kayo napo ang bahala samin.. Ipapaubaya ko na po sa inyo lahat lahat. Sana rin ay gabayan niyo ko sa mga desisyon magagawa ko.

------
Katatapos ko lang nag empake ng mga gamit ko... Para bukas rest day ko. Ayoko naman kasing magflight ng pagod no... Sasakit na nga pwet ko sa kakaupo tas pagod pako...

After ko mag empake ay kumain ako ng dinner at nagtake ng shower

Paglabas ko ay agad akong nagbihis at nagcheck sa cellphone ko ng may makita akong message from Angge

------
From: Baiii 😘

'Done packing my things. 😊 Ready to go. See yah tomorrow bai.😅 Goodnight 😘

------

Grabe talaga yung excitement ng babae na to... How I wish na sana ganon lang din nararamdaman ko, pero wala e. Mixed emotions talaga this time..

Sana lang talaga walang maging problema pagbalik ko. Ayoko naman kasi ng uuwi ako ng may kagalit. Di ako makakampante if ever.
Kasi sa totoo lang, hanggat maaari ayoko ng may nakakaaway ako.

Hays, iniisip ko parin talaga kung pano ko pakikisamahan si Rhian pag uwi ko... Pano kaya magiging set up namin.

Ano kaya kung magpaka sister nalang ako sa kanya pagbalik ko...

Tama!! I'll act as her sister nalang. Mas mabuti na yon, kesa yung nvm.

After kong magbihis ay hinanda ko na ang plano ko para sa pag uwi namin sa Sunday... Kung ano yon? Malalaman niyo soon... 😅

Nang magawa ko na lahat ng rituals ko ay agad nakong humiga para matulog...

--------
Philippines, Friday 10 am.

*Rhian's POV*

Abala kami ng mga co-racers ko sa pag eensayo, dito sa Clark, Pampanga. Magkakaroon kasi kami ng Laban sa darating na Linggo ng gabi... 6pm.

Kasalukuyan kong pinapacheck yung racing car ko, mahirap na kasi baka masiraan ako... Ayokong madisgrasya no. Gusto ko pang makasama si Glaiza...

Glaiza... Glaiza... Glaiza...

Hay Glaiza, halos lahat ng pangarap ko onti onti ng natutupad... Ikaw nalang ang kulang...

"Ma'am, ayos napo sasakyan niyo."-sabi sakin nung taga check ng car ko... Tinanguan naman siya at saka siya umalis...

My Dearest SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon