MDS 43.

884 38 5
                                    

*Glaiza's POV*

Nagising akong masakit ang braso ko. Pakiramdam ko parang ngalay na ngalay ito. Dahan dahan akong nagmulat nang maramdaman kong may nakayakap saken. At bumungad sakin ang napaka among mukha ng taong mahal ko... Maingat akong gumalaw upang titigan siya.

"Good morning love."-mahina kong sabi habang nakatitig sa maamo niyang mukha... Nang bigla siyang ngumiti... Pero nanatiling nakapikit

Naghintay ako ng sagot ngunit wala akong narinig... Marahan kong hinaplos ang mukha niya "iloveyou."- i said at naghintay ulit kung sasagot ba siya...

And sumagot siya....

Kaya lang, hilik yung sinagot. Okay tulog pa siya. Ngingiti ngiti kasi, kala ko tuloy gising na 😇

Mabilis ko siyang hinalikan sa labi upang gisingin sana siya pero ang babae 'hmm' lang ang sinagot sakin, sabay talikod at nagpatuloy sa pagtulog.

Sa halip na makipag harutan sa tulog ay nagpasya nakong bumangon at maghanda ng sarili ko para sa pagpasok. Balak ko kasing pumasok ng maaga ngayon, marami akong dapat asikasuhin at isipin.

Mabilis akong pumasok sa banyo at ginawa ang lahat ng dapat kong gawin doon...

Nang matapos akong maligo ay nagtungo ako sa walk-in closet ko, pagbukas ko nito ay bumungad sakin ang pang office attire na isusuot ko, napangiti ako ng lumingon ako sa babaeng mahimbing pang natutulog sa kama ko.

'Pano niya nagawang ihanda to?'-I asked myself at napailing iling nalang

"You're being a wife material now."-Mahina kong sabi sa babaeng natutulog kasabay ng mahinang pagtawa...

Muli akong naglakad at humarap sa malaking salamin tsaka kinuha ang blower upang patuyuin ang basa kong buhok...

Nang mapatuyo ito ay mabilis rin akong natapos sa paglalagay ng beri beri layt na make up with dark red lipstick.

After putting make up ay sinuot ko na ang dapat kong isuot at humarap sa salamin upang maicheck kung maayos na ba ako.

After checking ay nag-spray ako ng perfume sa sarili ko. Alangan namang sprayan ko yung isa, e tulog nga.

Matapos kong maghanda ng sarili ko ay mabilis akong umikot sa kama upang umupo sa gilid ng taong mahal ko

Sandali ko pa siyang tinitigan nang may maalala ako bigla.

Mabilis akong nanguha ng Sticky note at ballpen tsaka nagsulat... After ay muli kong tinitigan yung babae na nakahiga sa harapan ko... Dahan dahan akong lumuhod sa floor upang mapantayan ko siya

"Iloveyou love.."-I said habang hawak ang mukha niya, "see you later"-dugtong ko sabay halik sa noo niya. Ilang minuto pa bago ako tuluyang tumayo at lumakad palabas ng kwarto...

"Good morning ma'am Glaiza, ang aga niyo naman po?"-bati sakin ni manang nang makababa ako ng hagdanan

"Good morning po manang, marami po kasing dapat asikasuhin e, kaya maaga po akong papasok ngayon. Ang mom at dad po ba, dipa gising?"-Sagot na tanong ko kay manang sabay lapag ng bag ko sa center table ng living room

Sasagot na sana si Manang ng biglang may nagsalita

"Oh anak, ang aga mo naman? Si Rhian ba gising na rin?"-Daddy asked habang pababa ng hagdan at nakabihis na rin pang office

"Good morning dad."-bati ko sakanya sabay kiss sa cheeks niya ng makababa siya...

"Good morning too."-sagot niya

"Ah, si Rhian po tulog pa e. Diko na ginising, ang himbing po kasi ng tulog kaya hinayaan ko muna, alam ko rin po kasing pagod siya sa practice nila kahapon sa field."-mahabang sagot ko

My Dearest SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon