MDS 55. Event 2.

226 13 5
                                    

June 23, 2018.
( 1 am)

*Glaiza's POV*

1 am na ng madaling araw ng June 23 kami nakarating dito sa Vancouver Canada. Saktong sakto lang sa schedule na ginawa namin.

Sobrang pagod nanaman kami dahil sa haba ng byahe. Dumagdag pa si Rhian na biglang nawala sa mood... although aminado naman akong kasalanan ko, so kahit pagod na, gumawa parin ako ng way para maging okay kami. Buong flight ba naman niya ako hindi pinansin, kaya ganon nalang din ginawa ko, kami ni Seth. Except nalang nung lumipat siya ng seat para makatabi ako, after ng pag uusap na 'yon Hindi na kami nagpansinan ulit. Pero pagdating na pagdating naman namin dito ay bumawi ako agad sakanya. 😅 And good thing, gumana naman yung panunuyo ko. Buti nalang din we have the whole day para makapag pahinga... Sapat na siguro yon para makabawi kami sa pagod namin.

Pagkatapos naming magdinner ni Rhian ay nagshower na ako agad, Kaya nauna akong natapos habang siya nagsashower palang.

Abala ako sa pag aayos ng mga gamit sa luggage namin ng biglang tumunog phone ko

"Hello mom." Sagot ko rito

"Oh hello anak, so nakarating na ba kayo?" Tanong niya mula sa kabilang linya

"Ahm, yes po. About an hour ago. Nag aayos nalang ako ng mga gamit namin sa luggage, while Rhian's taking a shower." I answered habang nakaipit ang telepono ko sa pagitan ng Tenga at balikat ko.

"Oh I see, I just called to asked if nakarating na kayo, and I just wanna update you na paalis na kami ng house... 3 am ang flight namin papuntang Canada. So basically 23 ng around 7pm ng gabi ang dating namin ng daddy niyo jan. Yun lang anak, now magpahinga muna kayo dahil alam naming pagod kayo sa byahe, okay? See you there, love you both!" Mahabang salita ni mom habang ako patango tango lang as if nakikita niya ako

"Okay mom, copy that. Ingat kayo ni Daddy, See you... love you too both. Bye!" Sagot ko bago tuluyang naputol ang tawag

"who are you talking to love?" Rhian asked na kalalabas lang ng bathroom

"Oh, it's mom. Tinanong niya lang kung nakarating na ba tayo, and sinabi niya na paalis na sila ng house ngayon and 3 am ang flight nila, so around 7pm andito na sila ni Dad." Explain ko

"Oh okay." Rhian, sabay lakad palapit sa closet. "You finish with that?" Tanong niya ulit

"Almost, get dress na and let's sleep. My head hurts. I need... oh, WE need to rest. Come'on! Hurry up baby." Aya ko sakanya at agad ng humiga sa kama pagkatapos kong ayusin yung mga gamit namin.

"Coming love." Rhian habang naglalakad palapit saken, "let's sleep then, goodnight love. Iloveyou." Malambing na sabi niya ng makahiga sa tabi ko at yumakap na saken.

"I love you more my Queen. Goodnight." I said and kissed her head.

----------

(12 pm)

Alas dose na ng tanghali at kagigising ko lang. Sobrang sarap nang tulog ko dahil sa pagod. Ilang minuto pa akong nagmuni muni bago tuluyang bumangon... dumeretso ako agad sa bathroom para makapag ayos ng sarili ko, habang si Rhian tulog parin.

Hayaan ko muna siyang matulog, pagtapos kong mag ayos saka ko nalang siya gigisingin para makapag lunch na kami.

Paglipas ng halos kalahating oras ay natapos na rin akong maligo at mag ayos... Saglit pa akong tumingin sa salamin para tingnan ang ayos ko, bago ako tuluyang lumapit sa higaan para gisingin yung prinsesa

"Baby, Wakey wakey! It's already 12 pm!" Medyo malakas na sabi ko sakanya habang niyuyugyog ang balikat niya para magising na siya agad

"hmm... Lovee." Ungol niya kasabay ng pagdapa niya

My Dearest SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon