MDS. 56

287 16 6
                                    

*Rhian's POV*

It's been a week simula ng makabalik kami rito sa Pilipinas pagtapos ng competition ko abroad. After din ng flight nagpalipas lang kami ng Isang gabi then pinick up na namin yung wedding invitations namin sa Shop na pinagpagawan namin.

Pero hanggang ngayon di parin namin naididistribute gawa ng biglaang nagka aberya sa company ni Glaiza kaya kinailangan siya run for atleast 4 days.

'kung minamalas ka nga naman.'

Kaya naman napagdesisyunan kong unahin ko ng bigyan ng invitation ang mga co-racers ko, saktong pupunta ako sa field ngayon and since busy si Glaiza, ako nalang magbibigay sa kanila mag isa. Though napag usapan naman na namin ni Glaiza yung tungkol dito, and pumayag naman na siya. Para na rin less hassle kung dadaan pa kami ng Pampanga para lang ibigay to, mas okay ng isabay ko ngayon.

-----

10 am ang sinabi kong usapan namin ng co-racers ko na pagkikita kita Dito sa field. And lahat naman sila ay pumayag. No, hindi pala lahat. Kasi, hindi ko naman tinawag si Jason. Hindi naman kasi siya invited sa kasal ko. Tsaka ayoko ring magka issue pa kami ni Glaiza... I can't afford to lose her lalo pa't ikakasal na kami next next week.

9:30 am palang ay nakarating nako sa pupuntahan ko, at dahil maaga ang dating ko, naisipan kong tumambay muna sa garahe since wala pa naman yung mga taong imi-meet ko.

"Hi baby G! It's been a week already na hindi kita nagagamit, pero miss na kita agad. Sana okay ka lang." Parang sirang Sabi ko sa sasakyan kong nakaparada sa garahe

"Ofcourse she's okay Rhi."

Muntik nakong mapatalon dahil sa gulat nang may marinig akong nagsalita mula sa likod ko...

"What are you doing here?" Takang tanong ko pero nginitian lang niya ako.

----------

*Glaiza's POV*

It's been a week na simula nung makabalik kami from abroad. And I can say na okay naman lahat. After a day kasi nang pagpapahinga namin ay nakuha na rin namin lahat ng invitations for our wedding. Distribution nalang ang di pa namin nagagawa and after that, hayahay na. But unfortunately, biglang nagkaproblema sa company and kinailangan nila ako rito. So yung Plano namin ni Rhian na pagdidistribute ng invitations ay naudlot. Kaya nang sinabi ni Rhian na uunahin niya ng bigyan ng invitation yung co-racers niya ay pumayag na rin ako. Para less hassle. Atleast pag nabigyan niya na sila, di na namin kailangan magtravel ng mas malayo layo para lang makapag bigay ng invitation sa dapat naming bigyan. And last day ko naman na rin dito sa Company for now, naayos na rin kasi yung gusot so balik nako sa talagang plano.

5 pm ng hapon ay pauwi nako sa bahay. Kung minamalas ka nga naman, ay naabutan pako ng traffic. Since imposibleng makaalis ako rito ng mabilis ay agad ko nang tinawagan si Bai para bilinin.

after a few rings ay sumagot na rin naman siya.

Angge : Hallo! (sagot niya sa tawag ko)

Ako: Hello Bai, Favor naman.

Angge: Ano yon Bai?

Ako: naipit kasi ako sa traffic, at hindi ako makakauwi on time.

Angge: oh, tapos?

Ako: Pwede bang Ikaw muna magluto Ng dinner ngayon?

Angge: Sus, yun lang ba? Sure. Basic

Ako: yes, thank you Bai.

Angge: no worries.

Ako: Oh, and may I ask kung dumating na ba si Rhian? Di kasi nagrereply sa mga text ko, di rin nasagot sa call.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Dearest SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon