MDS 8. PLAN B. (OUTING)

1K 51 0
                                    

Hapon na ng magising ako... Pagkatapos kong mag ayos ay nagpasya akong bumaba upang magluto ng makakain namin nung babae paasa.

Pababa ako ng hagdan ng may marinig akong nagtatawanan.

"Hi Rhian"-sabay sabay na bati ng mga ito sakin ng makababa ako, pero si Glaiza nakatingin lang ito sakin.

"Hello, anong meron?"-tanong ko sa mga ito.

"Ah wala naman.. Nagpaplano lang kasi kami..."-sagot ni Mike pero di nito naituloy dahil tinakpan ni Gabby ang bibig nito.

"Nagpplano?"-takang tanong ko.

"Ah.. Eh... Ano kasi..."-April

"Ahm... Nagpplano kaming mag outing!"-Biglang sagot ni Alex, at nakita kong nilakihan niya ng mga mata ang mga kasama niya... "Diba guys?"-dugtong neto

"Ah... O-oo! Tama! Yun nga... Outing nga yung pinagpplanuhan namin."-April.

"S-sama ka?"-Francis

"San ba? At kailan?"-tanong ko sa kanila.

Nakita ko namang bigla silang napaisip at natahimik...at ng magawi ang mata ko kay Glaiza ay tahimik lang itong tumatawa... Ano bang tinatawanan ng paasang to?

"Guys, kelan?"-tanong ko ulit

This time nahuli ko naman si Alex na pasimple niyang siniko si April, Siniko rin ni April si Francis at napakamot nalang yung isa... Lalo namang natawa si Glaiza pero todo pigil ito..

"Ah, pinagpaplanuhan palang kasi namin e. Kaya wala pang place at exact date."-Glaiza

"Okay."- tipid na sagot ko, "i'll just go to the kitchen ... Guys, dito na kayo magdinner, i'll cook."-paalam ko sa kanila.

"Dito rin kami matutulog!"-sabay sabay na sagot nila, tumango lang ako at pumunta na ng kitchen para magluto.

'Weird nila'- sa isip ko

*Glaiza's POV*

"Buti nalang sinagot mo yung tanong niya Cha. Kundi paktay!"-Ketchup said pagkaalis na pagkaalis ni Rhian.

"Oo nga par! Kinabahan ako run, kala ko tatawanan mo nalang kami e."- Alex

Natawa naman ako lalo sa mga sinabi nila...

"Kayo e, ang hihina niyo mag isip ng palusot."-Ako

"So pano yan? Sinabi natin kay Rhian na mag aouting tayo kahit hindi naman dapat... So tototohanin ba natin yung outing?"-Gabby Asked

Dahil sa tanong ni Gabby, nabaling lahat ang tingin nila sakin. Kaya napangisi ako, dahil alam ko na... Kapag ganito, it means nasa akin ang desisyon. Kaya napaisip ako kung itutuloy ba, habang nag iisip diko talaga maiwasang matawa dahil sa itsura ng mga kaibigan kong napakaseryosong naghihintay ng sagot ko.

At dahil hindi naman ako busy...

"Edi ituloy natin."-sagot ko

Parang mga batang tuwang tuwa ang mga kaibigan ko ng sumagot ako. Yung iba ay tumalon talon pa.. Parang bata diba?

"Yeeeey!!"- sabay sabay nilang sigaw

Nailing nalang ako.

"So san tayo mag aouting?"-Gabby

Lahat kami ay tila napaisip sa tanong ni Gabby.

"Palawan!"

"Tagaytay!!"-

"Baler!"

Sabay sabay na sigaw ng tatlo

"Che! Baler tayo!"-April

My Dearest SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon