MDS 6. STOLEN KISS

1.3K 51 2
                                    


*Rhian's POV*

Maaga akong nagising pero pinili kong manatili sa higaan dahil tinatamad pa akong bumangon. Napangiti naman ako ng maalala ko yung nangyare kagabi.

'Hay Glaiza. Pinalala mo lang e. Pinalala mo yung nararamdaman ko sayo.'-sa isip ko

"Teka nga, gising naba yun?"- tanong ko sa sarili ko at tiningnan yung time.

6:30 am palang, tulog pa yun panigurado. Dali dali akong bumangon at nagpunta sa banyo para sa morning rituals ko

Nang matapos ako ay agad akong lumabas sa kwarto at nagtungo sa kwarto ni Glaiza. Buti nalang hindi ito nakalocked.

Pagpasok ko ay bumungad sakin ang isang anghel na mahimbing na natutulog. Ilang minuto ko ring pinagmasdan ang maamo nitong mukha.

"Hay, ano bang ginagawa mo sakin? Bakit ganito? Mahal na mahal kita. Diko na alam. Dahil hindi to pwede. Hindi ko dapat nararamdaman to. Diko na alam kung anong pwede kong gawin, Para mawala tong nararamdaman ko." Mahinang sabi ko sa mukha nito

Napadako ang tingin ko sa mapupulang labi nito. At para bang tinatawag ako nito at sinasabing halikan ko siya.

'Hindi naman siguro masama kung ikiss ko'to diba? Magkapatid naman kami e, so walang malisya. Tsaka hindi niya naman malalaman.' Sabi ko sa sarili ko

'Weh? Walang malisya? Sure ka?'- kontra ng isang bahagi ng isip ko.

'Che! Wag kana ngang kumontra!'- sabad pa ng isang bahagi ng isip ko

Muli kong tinitigan ang mukha ng babae sa harap ko. Dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya. At dahil medyo nainip ako, mabilis kong idinampi ang labi ko sa labi niya.

Dahil sa kalokohan, mahina akong tumawa at humiga sa tabi niya.. At ginawa kong unang ang braso niya at muling natulog ng may ngiti sa mga labi.

*Glaiza's POV*

Nagising ako na medyo inaantok pa. Babangon na sana ako ng maramdaman kong may kung anong nakapatong sa braso ko. Napaisip ako habang nakapikit parin ang mga mata ko.

'Wala akong katabi kagabi a. Mas lalong wala rin akong inuwing chix.'-sabi ko sa sarili ko.

Minulat ko ang mata ko upang tingnan kung sino yung taong nakayakap at nakaunan sa braso ko.

Napangiti ako ng makita ko ang taong nakayakap sakin ngayon na parang baby na natutulog.

Pinagmasdan ko ang maamong mukha ng taong katabi ko. Walang kahit anong pwedeng ipintas sa napakagandang mukha nito.

Matapos ang ilang minutong pagtitig ko rito ay dahan dahan kong inalis ang kamay niti ba nakayakap sakin, pero sa halip na matanggal ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sakin.

"Hmm. Dito ka lang"- Rhian habang nakapikit

"Bangon na tayo, anong oras na o?"- sagot ko

"Mamaya na, maaga pa"- muli nitong sabi at isiniksik ang mukha sa leeg ko.

Bahagya akong napangiti sa ginawa niya kaya niyakap ko nalang din siya at muling pumikit.

*Author's POV*

Muling nakatulog ang dalawa at nanatiling magkayakap. Kung titingnan mo ang mga ito ay mapagkakamalan mong may relasyon sila.

Wala e, para paraan si Rhian

*Time Runs*

Nagising si Glaiza ng maramdaman niyang may nakatitig sa kanya

"Goodmorning" nakangiting bungad ng kapatid sa kanya.

My Dearest SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon