MDS 42.

957 36 4
                                    

3 YEARS LATER

Its been 3 years mula nung ako na tuluyang nagmanage sa company namin... I can say na super hirap talaga, lalo sa umpisa. Stressful, sobra. Pero keri naman.. lalo na ngayon, na tatlong taon ko na siyang minamanage. But unlike before, naimamanage ko na siya ng husto... I can say na marami na ring nag improve at nagbago. At first talagang hirap na hirap ako, pero nakasanayan ko na rin naman to. Nakakabusy rin siya masyado. Pero kahit ganon nagagawa ko paring makahanap ng time para magkaroon kami ng squad ng bondings kahit papano...

Squad? Ayun, ganon parin... Marami ring nabago. Lalo sa lovelife. Umpisahan natin kay Chup at April... Sila parin, hahaha tbh they're already married. Yes! Kasal na sila almost 3 years na. May anak na rin silang isa, si baby Paolo, 1 year old na. And siya ang first inaanak ko. 😅
And, kasal na rin si Mike at Francis 1 year ago. But, wala pa silang anak. Ineenjoy palang daw nila yung life as a married couple... Saka na raw yung anak anak.
Si Alex at Angeline naman... Nakakalungkot mang isipin, pero naghiwalay na sila. Sobrang panghihinayang namin kasi super strong sila..  pero biglang nagbago si Angeline e. Nakahanap ng iba, kaya ayun iniwan bespren namin. Niweys, it happened few months after April's wedding. Sobrang apektadong apektado si Alex, kaya pati squad affected din. Halos gabi gabi siyang nagpapakalasing, sinisisi niya sarili niya dahil sa nangyare. Pero alam naman naming hindi dapat niya sinisisi sarili niya sa nangyare, kasi hindi niya naman kasalanan. Imagine, almost 9 years sila pero ganto nauwi. Hayss... Before sobrang galit kami kay Angeline dahil sa ginawa niya sa bespren namin pero wala rin namang magagawa yung galit namin... Pero ngayon, okay na si Alex, not totally pero sapat lang para di na siya magluksa pa. Siguro onti onti niya nang natatanggap.. and I'm happy na ganon na siya ngayon.
About Gabby naman, ayon... Single parin. Wala e, nagpapaka-workaholic. Ayaw niya raw ng lovelife kasi sapat na raw kaming squad para sakanya. And hindi pa raw eto yung time para magjowa jowa siya.
Si Bianca naman, nakahanap siya ng boyfriend niya 2 years ago... And sila parin naman hanggang ngayon, half pinoy half British yung jowa niya, si Seth..
While si Angelica naman, may mga suitor siya, pero di pa rin kasi siya ready, kaya single pa rin. Natatakot pa raw siyang pumasok sa relasyon ulit. And sa ngayon nasa New York siya, pabalik balik lang siya dito... Free naman kasi siyang lumabas pasok sa bansa kaya ganon...

While me and Rhian, syempre we're still together. 😅 Almost 4 years na kaming maggirlfriend. And still counting. 😊

Sa relationship namin, syempre hindi maiiwasan ang tampuhan, away, selos at mis understanding... Pero I'm happy na kahit ganon, walang bumibitaw saming dalawa... Marami mang nagtangkang tumibag sa amin, pero hindi sila nagwagi  😅 eka nga nila 'ang tumibag, giba.' 😂 so yeah, we're doing great naman with our relationship.

Nagpatuloy si Rhian sa racing, at mas lalong kumalat ang pangalan niya dahil sa kagalingan niya rito. Nakikipag compete na rin siya sa iba't ibang bansa and I'm so proud of her...

Ako, yun nga. Ako na yung nagmamanage ng company. And I'm proud to say na yung pangarap naming banda ay natupad na. So yeah, multitasking ang lola niyo ngayon... At nung mga nakaraang taon. After kasi ng gig namin sa bar ni Andrea before ay may kumausap samin... Pwede raw namin siyang maging manager... So tinaggap namin. And then boom! Eto na nga. Tbh, next month marerelease na yung pangalawang album ng banda namin.

"Ms.Glaiza.. are you okay?"-Putol ng sekretarya ko sa aking malalim na pag iisip

"Y-yah... I-I'm okay."-sagot ko

Ganon na ba kalalim ang iniisip ko at hindi ko namalayang nakapasok na siya sa opisina ko...

"Niweys, can you check my schedule today?"-I said as I open my laptop

"Yes ma'am, ahm... You have an appointment with Mr. Alves at---"

Napatigil ako ng marinig ko ang sinabi ng secretary ko

My Dearest SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon