Chapter Eight

2.4K 85 2
                                    


ISINALPAK ni Lorene sa cell phone nito ang memory card umano ng kapatid nitong namatay. Naroon sila sa kuwarto ni Lessy. Ni-review nila lahat ng picture na naka-save sa memory card. Puro litrato lahat ni Lessy ang naroon. Mayroon ding kuha si Lessy noong gabing debut nito. Nakasuot ito ng puting night gown. Ang pinakahuling litrato ay kuha sa loob ng kuwarto ni Lessy. Nag-selfie pa ang dalaga habang nakaupo sa kama. Ang isang litrato ay nakatayo ito at nakatalikod sa pinto. Ang pinakahuling kuha ng litrato ay sa ganoong ayos pa rin pero nahagip ng kamera nito ang lalaking pumasok sa pinto at palapit sa dalaga. Nakasuot ng itim na jacket ang lalaki, may itim na gloves sa mga kamay at may suot na ball cap at itim na face mask. Ang kaliwang kamay nito na nakuha sa picture ay may hawak na kutsilyo.

Nai-zoom nila ang litrato. Nakita nila na suot ng lalaki ang kuwintas na nakita ni Lorene. Unti-unting nabubuo ang senaryo sa isip ni Sandy. Iginala niya ang paningin sa paligid. Tumigil ang paningin niya sa pinto. Bigla niyang nakita sa kanyang isip ang senaryo.

MARAHAS na lumingon si Lessy sa likuran nito ngunit bigla siyang ginapos ng lalaki at tinakpan ng isang palad sa bibig. Nagpumiglas ang dalaga ngunit tinutukan siya ng kutsilyo sa leeg. Malikot pa rin si Lessy kaya nakalagkad nito ang lalaki palapit sa kama. Dahil sa paglilikot ng dalaga ay nahiklas niya ang kuwintas na suot ng lalaki. Nang lumuwag ang pagkakagapos ng lalaki sa kanya ay siniko niya ito sa tagiliran. Nabitawan siya nito. Tumakbo siya sa labas ng kuwarto.

"Tulong!" sigaw niya ngunit dahil sa lakas ng tugtog sa labas ng bahay ay imposibleng may makarinig sa kanya.

Pababa na siya ng hagdan nang biglang hilahin ng lalaki ang ga-baywang niyang buhok. Nagpumiglas siya ngunit bigla siya nitong itinulak nang malakas. Tumilapon siya pababa ng hagdan. Napalakas ang bagok ng ulo niya sa sementadong sahig sanhi ng biglang pagdilim ng paligid niya.

KUMISLOT si Sandy nang may kamay na sumampa sa balikat niya. Paglingon niya sa likuran ay nakatayo roon si Lorene. Natagpaun niya ang sarili na nakatayo sa unang baitang ng hagdan pababa.

"Bakit?" 'takang tanong ni Lorene.

"Nakita ko na ang nangyari. Totoong may pumatay kay Lessy. Posible ring ang lalaking may gawa niyon kay Lessy ang pumatay sa mama mo, Lorene," sabi niya.

"Totoo ba 'yan? Paano mo nalaman?" hindi makapaniwalang sabi nito.

"Hindi ko maintindihan pero nakita ko ang pangyayari sa isip ko. At naalala ko, nakita ko rin ang ilang senaryo sa kusina. Ipinaranas sa akin ng mama mo kung paano siya namatay sa kusina. May sumakal sa kanya at iniuntog ang ulo niya sa lababo. Maniwala ka sa akin, Lorene, hindi ako nagsisinungalin," kuwento niya.

Nababasa niya sa mukha ni Lorene na naniniwala ito sa kanya. "Kung gano'n sino ang lalaking 'yon? At kung iyan ang isasalaysay mo sa mga pulis, hindi ka nila paniniwalaan," anito.

"Iyon na nga. Wala tayong magagawa kundi mag-self investigate. Sa palagay ko, narito lang sa paligid ng lupain ninyo ang suspect."

"Wala akong maisip. Ayaw kong magbintang, Sandy. Natatakot ako," balisang sabi nito.

Ang unang taong pumasok sa isip niya ay si Luis. "May naaalala ka ba kay Luis na posibleng nagawa niya noon sa inyo? Paano ba nakikitungo sa inyo si Luis," usig niya.

"Pumunta si Luis noon sa party ni Lessy pero hindi siya nakatagal dahil pinaalis siya ni kuya Ruel. Nagwawala kasi siya noon dahil sa kalasingan. Kamuntik pa niyang masaksak ng tinidor noon si kuya. Hinatid pa siya ni kuya sa bahay nila," kuwento nito.

"Ano'ng oras ninyo nalamang nahulog sa hagdan si Lessy?"

"Mga mag-a-alas-onse na ng gabi. Patapos na rin ang party noon."

The Hidden Senses (Complete)Where stories live. Discover now