Chapter Nine

2.4K 84 2
                                    


ALAS-TRES na ng madaling araw pero hindi pa rin makatulog si Sandy. Nakatulog na sa tabi niya si Lorene. Balisang-balisa pa rin siya. Pakiramdam niya'y inaapuyan ang buong katawan niya.

Hindi siya nakatiis. Dahandahan siyang bumangon at lumabas ng kuwarto suot ang ternong pantulog na bulaklakin. Paglabas niya ay nakakabingi ang katahimikan. Bumaba siya ng hagdan. Pagdating niya sa sala ay may narinig siyang ingay na nagmumula sa kusina. Wala naman siyang nararamdamang kilabot. Humakbang siya patungong kusina. Bahagyang nakabukas ang pinto. Itiulak niya iyon. Namataan niya si Ruel na naghahasa ng itak.

Natigilan ito nang naramdaman ang presensiya niya. Habang pinagmamasdan niya ito ay dumapo na naman ang senaryong nakita niya kanina na mayroong papatay sa kanila.

"Bakit hindi ka pa natutulog? Mag-uumaga na," sabi ni Ruel

Naitutok niya ang paningin sa mukha nito. Nakatitig ito sa kanya habang patuloy na hinahasa ang itak sa gilid ng lababo.

"Uhm, hindi kasi ako makatulog. Ikaw, bakit gising ka pa?" aniya.

"Hinahasa ko lang itong itak na gagamitin ko sa pagkatay ng kambing mamaya," sagot nito.

"Akala ko ba si Mang Leo ang kakatay ng kambing."

"Hindi siya makakapunta rito mamaya dahil hinahanap niya si Luis."

"Bakit? Anong nangyari kay Luis?" kinakabahang tanong niya.

"Tumakas siya. Ikinulong kasi siya ni Mang Leo sa bahay nila pagkatapos noong nag-away kami."

"Palagi bang ganun si Luis? Dapat dinadala na siya sa mental," aniya.

"Dinala na siya ni Mang Leo noon sa mental pero nakakasakit lang ng ibang tao roon si Luis. Lalong lumalala ang sakit niya. Okay naman siya rito basta wala lang nakikialam sa kanya."

"Pero mukhang galit na galit siya sa 'yo."

"Matagal na siyang may galit sa akin noon dahil pinagbabawalan ko siyang makalapit kay Lessy."

"Ganun ba?" Napatingin si Sandy sa katawan ni Ruel. Bakat na bakat ang maskulado nitong katawan sa suot nitong puting T-shirt.

Naggagalawan ang mga muscle nito sa braso sa tuwing hinahasa nito ang patalim. Nang matapos ito sa ginagawa ay naghugas ito ng kamay.

"Matulog ka na," sabi nito.

"Ikaw, hindi ka na ba matutulog?" balik niya.

"Alas-singko ko kakatayin ang kambing, wala nang oras para matulog."

"Wala ka bang katuwang?"

"Wala. Kaya ko naman."

"Sige. Aakyat na ako." Tumalikod na siya at humakbang palabas ng kusina.

Pagdating niya sa sala ay bigla siyang huminto nang...

"Sandy," tawag sa kanya ni Ruel.

Bigla siyang pumihit rito paharap. Nagulat siya nang bigla siya nitong sinugod at siniil ng halik ang kanyang mga labi habang yapos siya ng mga kamay nito.

Nagulat siya sa hakbang nitong iyon. Biglang dumalantay ang bayolenteng init sa kanyang kaibuturan. Tumututol ang isip niya ngunit bumibigay naman ang kanyang puso. Bumuka ang kanyang bibig at tinugon ang halik ng binata.

Naglakbay na rin ang mga kamay niya sa katawan nito. Doon ito naging marahas. Humalughog ang mga kamay nito sa kanyang katawan. Nang dumapo ang bibig nito sa kanyang leeg ay bigla siyang dumilat ng mga mata. Na-distract siya nang biglang nagpakita sa kanya si Lessy sa likuran ni Ruel. Galit na galit ito.

The Hidden Senses (Complete)Where stories live. Discover now