Blue rose 33

13 2 0
                                    

"HINDI ko akalain aabot kayo dito Black Demons" sabi nung dark kasama yung ibang reapers.

Kaninong reapers kaya sila? Ang sarap patayin eh.

"So? Magaling kami eh!" Sabi ko sa kanila. Naka upo parin ako, ang tamad kasing tumayo eh.

Tumingin yung dark sa akin.

"Alam mo babae, nagpapahalatan ka na. Sumama ka lang ba upang makapasok sila? Sayang pa naman yang ganda mo kung sa kanila kalang bumagsak. Sumama ka sa akin, hindi kita isasali kung paano ko sila saktan"

"Oh? Sorry ha, tinamad lang naman ako kaya hindi ako sumasali, kaya wag kanang assuming dyan ok? Chaka boy sorry hindi ako pumapatol sa isang crocodile" sabi ko.

"Abat! Pag sisihan mong hindi mo inaccept ang offer ko"

"Nah! Hindi yan mangyayari" sabi ko

Nagalit ko yata ang bakulaw kaya sumugod sya bigla sa pwesto ko, ngunit humarang si cloud, gino at king. Except kay myco nakatulala lang sa gilid. Weak talaga nang unggoy na ito.

"Galawin mo sya at makikita mo ang gagawin ko" gino

"Bakit gino? Tinamaan ka dito? Psh! Hindi na ako nagulat, isa kasi syang bitch. Nagpapadala kayo sa ka innocente nya? Tsk kawawa naman kayo"

"Tinawag mo ba akong bitch?" Tanong ko

"Bakit hindi ba totoo? Baka gusto mo malandi, isang bayarang babae" ngiting sabi nito

OMG! Sinabi nya yan sa akin? Nakakaluko mukha syang bakla mag salita eh.

"Bitch pala ha" bulong ko

Sinugod ko sya at ginamit ang katana ko na hindi ko pa binubuksan.

Sinangga nya ito gamit ang espada nito. Magaling pala ito eh. Nakita ko na may papalapit, kaya sinipa ko ito gamit ang kaliwang paa ko.

Nakita ko ang ilan na papalapit kina king kaya ginawa ko ay tumakbo ako at pinukpuk ang sandatang hawak sa tatlong lalaki na lumapit.

Kita ko ang paglalaki ng mata ng apat.

"Mag pahinga muna kayo ok? Ako muna ang bahala dito"

Aangal pa sana sila ngunit sinamaan ko sila ng tingin.

"Bitch papatayin kita" sigaw nung bakla. Kaluka ah!

Sumugod silang lima sa akin, sinangga ko gamit ang hindi pa na bubuksan na katana ko sa kanilang atake.

Ngunit nagulat ako ng may biglang sumipa sa tyan ko, kaya natumba ako. Sunod sunod ang pagsugod sa kanila kaya hindi ako nakatayo agad. Damn! Nasipa ulit ako ngunit sa mukha na tumama. Lintik lang ohh! Yung mukha ko.

Bago pa may paang sumipa ay nilabas ko ang katana ko, at hiniwa ang lalaking papasipa ulit.

"Ahhhh!" Sigaw nito habang hinahawakan ang paang nasugatan.

Umatras ang apat.

"Ouch! A-ang sakit ahhh!" Sigaw parin ng tao na nasa lupa parin ngayon.

Tinaas ko ang katana ko bago sinaksak sa tyan nito.

Napanganga ang lahat ng nakakakita, ngumiti ako at nagsalita.

"Ang ingay kasi nya eh, ayan tuloy. Pero hindi ko mapapatawad ang may gawa sa mukha ko" seryoso kung sabi.

Kita ko ang takot sa kanilang mukha, ngayon makikita nyo ang kaya kung gawin.

Sumugod ako at pinaghihiwa sila. Nakakasangga yung bakla, kaso yung ibang kasama nya napatay ko agad na walang kahirap hirap.

Kita ko ang pagod sa kanyang mga mata.

"Poor you, ito na yata ang huling libingan mo" ako

"Hindi ako magpapatalo" sabi nito

"Edi wag! Para naman exciting no?" Sabi ko

Magsasalita pa sana sya ngunit tinapon ko sa kanya ang katana ko na kinagulat nito kaya ang resulta? Ayon natusok sa kanyang lalamunan, patay tuloy sya. Ginagalit kasi ako eh.

Kinuha ko sa leeg ng bakla ang katana ko at tumingin sa paligid na subrang tahimik.

"Saan na ang susunod?" Ngiting demonyo kung sabi. Pagkasabi kung yun ay may nakita akong isang grupo na tumakbo papalayo sa ginanapang laro.

Kruuu kruuu

Ang tahimik ng paligid.

"Sabi ko na nga ba ikaw yan blue rose" basag nito sa katahimikan.

"phoenix" cold kung sabi.

Napansin ko ang singhap ng mga tao sa paligid.

"Kanina pa kita tinitignan, kapansin pansin kasi yang hawak mong katana. Yan ang laging dala ng mapapangasawa ko" sumama yung timpla ng mukha ko sa sinabi nito.

"Manahimik kang baliw ka" galit kung sabi

"Ikaw nga yan" masayang sabi nito.

Ewwwww!!! Diring diri ko syang tinignan.

"Yan pala ang totoo mong mukha blue rose"

"Shut up" sabi ko sabay tutuk ng katana sa kanya.

"Tapos na ang laro blue, kayo na ang panalo. Sila na ang bagong hari, at ikaw ang reyna. Kahit ilang taong kitang pagsisilbihan, ok lang" sabi nito

Napanga nga ako sa sinabi nya.

Adik talaga ng lalaking ito.

Tinignan ko silang king na kanina pa naglalaki ang mga mata.

"Since ako ang reyna nang bwesit na mundo nyo, isa lang ang hiling ko. Wala sanang makaka alam sa mukhang ito at ang pangalang blue na sumali sa larong ito. Kung maysusuway? Lahat kayo dito papatayin ko kasama na pamilya nyo, maliwanang?" Sigaw ko

Hindi naman dapat malaman nila sino ako, kaso lintik naman ohh. Wala akong magagawa.

Ngumiting tumango si phoenix.

"Wag kang mag alala, ako ang bahala dito" sabi ni phoenix

Papunta sa pwesto ko ilang mga master sa laro, ngunit hindi ko na sila hinintay pa. Kaylangan ko na ring umuwi. Tumakbo ako paalis sa island na iyun. Tama na ang ginawa ko, sila na ang bahala duon.

Misyon accomplish!

Grim Rose: BLUE ROSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon