"ARAY KO PO!" Himas ko sa ulo ko, binatukan kasi ako ni red.
"Gaga mo! Anong ginagawa mo? Alam na tuloy ng mga bwesit na mga master na iyun ang pagkatao mo. Bat hindi mo pinatay ha?"
"Eh kasi naman eh, di ko kaya"
"Anong hindi mo kaya? Bwesit sinabi ko pa kanina na 'triplets dont get caught' tapos ito pala nalaman ng underground na iyun ang pagkatao mo, sino na naman ang susunod ha?."
"Ehh kasi naman red eh, kunti lang naman ang may alam eh. Yung master sa gangster, assassin at sa mafia na si phoenix at yung ka grupo ko"
"ANO??? Alam ni phoenix kung sino ka? Grrrhhh!" Gigil na sabi ni red.
Sinabunutan naman nya ako sa galit nya.
"Aray ko red, masakit ah" ang sakit ng ulo ko
"Ayan naman kasi eh" purple.
"Saan si quin?" Tipid na sabi ni black.
"Namasyal sila ni pink" sabi ko
"Tsk. Blue tandaan mong mali yung ginawa mo sa laro." Sabi ni red.
"Sorry na mga sista, hindi ko naman sinasadya eh. Pero may na isip naman ako, gagamitin ko na lamang sila sa paghihigante natin" Nakapout kung sabi.
"Kapag nagtraydor, alam mo na ang gagawin" sabi ni black sabay alis sa bahay.
"Hehehe narinig mo yun red?" Sabi ko dito.
"What ever. Responsibilidad mo na ang mga taong yun blue, kapag nagsalita." Sabi ni red, sabay in action na patay.
"Ok ok. Ako bahala" sabi ko.
Umirap na man si red bago umalis.
"Good luck sis." Sabi ni purple.
Ngumiti lang ako sa kanya, bago naglakad na paalis. Pupuntahan ko muna ang grupong iyun.
——————————-
"Hey" sabi ko sa kanila nang makita ko sila sa loob ng tambayan nila.
Nakatingin sila sa akin na parang sinusuri ako.
"Ok na ba kayo?" Tanong ko habang nakatingin sa kanila, shempre nanggaling sila sa hospital. Marami rami rin ang mga galos nila noh!
"Bat hindi mo sinabi sa amin?" Tanong ni king
"Ang alin ba?" Inosente kung sabi.
"Na isa ka sa tinatawag nilang Grim Rose" sabi ni myco
"Kapag sinabi ko, isa lang ang gagawin ko papatayin" ngiti kung sabi.
Napansin ko naman ang gulat sa kanilang mukha.
"Kung ganun bakit hindi mo kami pinatay ngayon? Alam na namin kung sino ka" sabi naman ni gino
"Simple lang naman, gagamitin ko kayo, mga master, at yung mga underlings. Kaya wag nyong ipagsabi ha? Para walang mawala sa inyo. Pero wag kayong mag alala ok? Yung promise kung kukunin ko ang babaeng iyun." Sabi ko nalang.
"Kami ang nanalo" tipid na sabi ni king
"Hahaha tayo king. Tayo! Kaya may karapatan ako sa kanila, ako lang ang babae sa grupo ako ang queen. At kung kakalabanin nyo ako? Makikita mo kung sino ako, hindi mo ako kilala kaya makisama ka na lamang" sabi ko kay king sabay tingin ng mariin.
Tumahimik naman sila sa sinabi ko.
"Alis muna ako may babalikan lang" sabi ko sabay ngiti sa kanila.
"MICHEL MAE Smith" sabi ko sa babaeng nakayuko sa isang kulungan.
Umangat ang kanyang mata at kita ko ang pangingitim sa kanyang mukha.
"S-sino ka?" Utal na sabi nito.
"Andito ako upang kunin ka, malaya kana" sabi ko
Tinignan nya lamang ako ng mariin.
"Queen pa-patawarin nyo po sana ako" sabi ng isang gangster master. Suot ko ang disguise ko na nerd, si kham kasi yung queen hindi si blue.
"Ang ayoko sa lahat yung traydor" sabi ko nito nang nabaling sa kanyang atensyon ko.
"Hindi ko po sin-" bago pa nya tapusin ang sinabi nito ay pinatay ko na sya.
Kainis kasi ang gagong ito eh, nang malaman nyang nanalo ang grupong kinabibilangan ko, nagpunta ito sa ibang bansa at tinakas itong bilanggo nya upang gamitin na naman laban sa kanila.Well sinabihan ko na sya nakukunin ko ang babaeng yung kapag nanalo kami. Ayan tuloy napatay ko sya, kala naman nya makakatakas sya sa akin noh!
"Bakit mo sya pinatay?" Gulat na sabi michel
"Traydor kasi eh, sinabihan ko nang kukunin kita sa kanya kapag nanalo kami. Ito tinakas ka at dinala dito sa hongkong" sabi ko.
"Tutulungan mo ba ako"
"Oo kaya hali kana" sabi ko sakanya, tinulungan naman sya ng ibang gangster pa tayo, sila ang underlings ng lalaking iyun, kaya aangkinin ko na sila wala narin naman silang boss eh.
"Salamat" sabi nito.
Hindi ko nalang sya pinansin at lumakad na lamang papuntang labasan.
Wag sana silang magtraydor sa akin, kung hindi baka wala akong magawa at mapatay ko sila. Napalapit pa naman yung mga yun sa akin.
BINABASA MO ANG
Grim Rose: BLUE ROSE
ActionBlue is part of the Grim Rose that can kill millions of people. What if she will fall in love with the guy she hates? It is the time to change her life or to be more cruel?