Blue Rose 37

14 2 0
                                    

Kumakain ako sa canteen, shempre saan pa ba pwede? Oo nga pala may garden na pwede.

"Hey nerd! Long time no see" sabi ni polly ang princess sa school, well kilala nyo naman sino sya diba? Kasama rin nya ang ibang princesses.

"Its been a while nerd ha" sabi naman ni lyna or in short leitad.

"Magsalita ka naman nerd" sabi naman ni hanna

"Hala na istorbo yata natin si nerd" nova

Buti alam mo!

"Hindi yan twin, nagagalak iyan" naville

Ang mga ipis talaga, sadyang walang magawa sa buhay.

"Hoy ano ba! Kinakausap ka namin" galit na sabi ni leitad linta.

Hindi ko parin sila pinansin at patuloy lang sa pagkain.

Kinuha ni polly ang pagkain ko, at tinumba naman ni naville ang lamisa.

Tinignan ko ang lima at subrang sarap nilang patayin.

Tinapon bigla si polly ang plato sa mukha ko, at may pumatid naman sa akin kaya na modmod ako sa floor.

Wow! Ang sakit nun ha, sayang yung food ang mahal pa naman nun. Lintik talaga oh.

Rinig ko ang tawa ng mga tao at ng limang ipis sa harapan ko. Instant celeb lang no!

"Bagay sayo lampa" hanna

Baka gusto nya makita sino ang totoong lampa sa amin.

"Ano bang ginagawa nyo sa kanya" galit na sigaw ng kung sino.

"Oh! Ang isa pang bitch. Hi michel, ikaw lang yata mag isa, nasaan na yung mga princes na nakapaligid sa iyo?" Polly

"Anong paki mo kung nasan sila, hindi ka naman nila nanay"

Boo!!!

"Abat" polly

"Ano?"

"Abay ang tapang, hindi porket nasa side nya yung bagong prinsepe at king." Lyna

"Wag kang magmagaling bitch, your nothing but a nobody. Hindi ka kasama sa elite, kaya wag kang magmarunong" galit na sabi ni polly.

Nagsukatan ng masamang tingin si michel at polly.

"Pero kapag may mangyaring masama sa kanya, hindi ka nila sasantuhin. Kahit isang elite kapa" sabi ko kay polly.

Na tahimik ito, at parang batang nag dabog paalis.

"Hindi pa tayo tapos nerd" sabi ni lyna bago sumabay paalis ng ilan.

"Ok kalang?" Sabi ni michel sabay tulong sa akin.

Tinanggal ko ang mga kamay nyang sumuporta sa akin. Hindi ko sya kailangan.

"Hindi mo na dapat yun ginawa"

"Pe-"

"Kaya ko ang sarili ko" sabi ko sabay alis sa harapan nya.

"Kham!" Sigaw ni michel.

Isa lang syang underling, hindi kami magkaibigan.

Paglabas ko, nakita ko si king kasama nung tatlo sa labas ng canteen. Bakit hindi kaya sila pumasok?

"Kham, ka-kamusta?" Utal na sabi ni gino.

Ayun kham na kasi may michel na sya. Ok fine, I dont care.

"Magkakilala ba tayo prince gino?" Sabi ko sa kanya.

Kita ko naman ang gulat sa kanilang mga mata.

"A-ahm" hindi makagsalitang gino.

"Ito ang gusto nyo diba? Ang mawala ako sa buhay nyo. Wala na akong paki alam sa pinagmumunuan nyo ngayon, at wala na akong paki alam sa inyo."

"Ano ang ibig mong sabihin?" King

"Hindi na muli akong makisama sa inyo, hindi na ako ang queen sa isla dahil ibibigay ko na iyun kay michel. About sa secret ko, kapag lumabas ang balita na makilala ako, kayo ang uunahin kung papatayin. Kaya simula ngayon, hindi muli tayo mag kakilala." Diretsang sabi ko, sabay alis sa kanilang harapan.

Mas mabuti iyun, para hindi na lumalim ang pagmamahal na nabuo, sa hindi ko inaasahang pangyayari.

Grim Rose: BLUE ROSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon