Blue Rose 38

22 2 0
                                    

"My queen!" Sabi nung katabi ko.

Tinaasan ko sya ng kilay

"Bumalik kana" sabi nito.

Napabuntong hininga ako.

"Hindi ako bagay sa lugar na iyun" sabi ko sa kanya.

"Tsk!" Phoenix

Tinignan ko yung phone ko nung bigla itong tumunog. Tumayo agad ako pagkabasa ko ng txt.

"Mahal saan ka pupunta?"

"Sa lugar kung saan wala ka" sabi ko sabay alis.

"My q-"

Kahit kailan talaga itong si Phoenix nakakasira ng araw. Hahayss.

Mabilis akong nakarating sa lugar kung saan naruon ang kakambal ko. Shempre saan ko ba lage nababalitaan yung dalawa? Diba sa bar?

"Sista ang tagal mo naman" sabi ni pink.

Tinignan ko silang dalawa at naka nerd style lang sila.

"Hindi yata kayo nagbihis?" Sabi ko

"Katamad sista" pink

"Ang sarap ng uminom" sabi naman ni purple.

"Inom tayo, alam ko naman gusto mong makalimot. Hehehe!"

"Nakakainis talaga yang tawa mo" sabi naman ni purple.

"Wag kang ano dyan oi, atleast wala yung binabantayan ko mag saya tayo"

Napailing ako, at uminom na lamang sa bigay ni purple. Pero lintik naman ohhh! Hindi pala ako katulad nitong dalawa.

"Hoy ok kalang?" Pink

"Mu-mukha ba akooong ok?" Sabi ko sabay ub-ub

"Hahahaha sis ikatatlong baso ka palang, tumba kana agad? Ang weak mo naman pala eh" sabi ni purple.

Lahat napatingin sa pwesto namin. Tsk! Ngayon lang ba sila nakakakita ng mga nerd na nakatambay sa bar?

"Gusto kung sumayaw!" Pink

"Gusto ko pang uminom" purple

"Gusto ko nang matulog" ako

Nakita ko ang paglayo ni pink para sumayaw sa gitna. Well! Talagang dancer itong si pink nuon palang. Habang ito namang si purple ang hilig uminom katulad ni daddy, pinapaiinom kasi ni dad si purple kapang gustong sumama nito. Habang ako naman laro lang inaatupag ko nun, kaya ang sarap rin maglaro sa mga kalaban kapang nasa mission. Napangiti ako, sayang walang mission.

Antok na antok kung kinuha ang isa pang alak, shempre gusto ko rin naman makalimot. Yung pawang hindi inaalala kung sino ako, yung buhay na ano kami ngayon, yung mga panahon na takot na takot ako, at shempre ang pagmamahal ko sa kanya na hindi ko alam kung paano nabuo. Gusto ko lahat makalimutan ko, na parang isang bagong silang na bata na walang kamuwang muwang sa mundo. Bakit kasi kami paeh, bakit kasi ako pa. Ang sakit lang isipin na parang ang malas ko lang eh, lahat nalang nagyayari sa buhay ko, lahat iyun masasakit. Mabait naman ako ah! Diba mabait naman ako?

Hindi ko na napansin ang mga luha kung patuloy na dumadaloy sa mukha ko. Pagod na pagod na rin ako, pwede bang magpahinga? Pwede bang kahit isang bises maging masaya naman ako?

"Tumigil kana" isang boses ang narinig ko.

Kinuha nya ang basong iniinom ko.

"Akin yan" lasing na sabi ko.

"Lasing kana" sabi ulit nito

"Alam ko gago. Wag mo kung pa-pakialaman" sabi ko sabay sapak sa taong kausap ko.

"Tsk!"

Gulat akong napahawak sa leeg nito nung bigla nya akong kinarga na parang isang prinsesa.

"Bitawan mo ako" sabi ko.

"Wag kang malikot" sabi nito.

Ang bango naman ng taong to. Tika!

"Sino ka?" Tanong ko.

"Tsk! Wag kana magtanong" galit na sabi nito.

Ang suplado naman taong to, sino bato? Ang fc ha! Friends ba kami? Kakilala? Baka naman secret admirer ko ito?

"Gusto mo ba ako?" Tanong ko

Napa-ubo naman ito sa sinabi ko. Ang sama lang ah!

"Wag ka ngang magbiro ng ganyan"

Abay ako pa nag bibiro. Sa ganda kung to, shempre daming makagusto sa akin no. Sa unang listahan pa si Phoenix.

"Tae ka! Lintik ka! Ibaba mo ako fc ka, hayop ka" sigaw ko sa kanya.

Talagang sinunod nya ang sinabi ko, binaba nya nga ako, nang walang pasabi. Lintik naman oh ang sakit!

"Huhu! Ikaw na nga itong fc sinasaktan mo p-"

Natahimik ako, nang bigla nya akong hinalikan. Omygash! Ang sarap naman.

"Hmm" napaungol ako bigla.

"Tsk!" Rinig ko sa kanya nung humiwalay sya sa halik,

"Gusto ko pa! Ang sarap" sabi ko sabay pout.

Sinunod naman nya ako, at hinalikan ulit.

Hindi ko alam kung anong nangyari, pero pina uubaya ko ang sarili ko sakanya, sa taong familiar sa akin.

Grim Rose: BLUE ROSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon