Pinapasok na kami ng isang gangster master sa arena. At masasabi ko lang 'wow! Ganda lang.'Kulay blue yung mga chair sa luob, tapos sa gitna may parang stage na malaki para sa laban. ( imagine nyo nalang yung sa dragon ball, yung contest na laban. Ganun yung itsura.
Ps. Ang hirap mag explain ng maayos kaya pasensya na po. Hehehe)
Pina upo na muna nila ang mga ibang grupong hindi pa sasalang. "1 and 2. Humanda na kayo at pumunta na sa itaas." Tumango kami at naglakad na papunta duon.
"Sila pala nasa malapit." Tao nasa paligid.
"Yung Black Demons mauuna."
"Sila pala yun"
"Diba malakas sila?"
"Sino yang kasama nila?"
"May bago silang kasama? Diba pangit na nerd yun naglalaro? Bat nag iba?"
"Wew! Chicks" nagulat ako ng hapitin ni gino ang bewang ko. "Kagulat ka naman"
"Maraming lalaki" gino
"Eh! Ano ngayon?"
"Aysh! Basta" sabi nito. Hindi ko nalang siya pinansin at pinakikialaman sa ginagawa nito. Tumingin na lamang ako sa harap ng makita kung nasa taas narin pala ang kaaway namin, kung titignan mo para silang tuta na takot na takot sa amin. Kawawa naman sila, kaya promise ko hindi na lamang ako gagalaw para hindi ko sila mapatay. May awa rin naman ako eh.
Sumigaw yung parang referee ng game, kaya kanyang kanyang labas ng sandata ang kasamahan ko at kalaban. Well pwede naman kasing magdala kahit ano basta ikaw talaga yung may ari.
Nakatayo lang ako habang sumugod na sila, shempre kaya naman nila yung lima na yun noh hindi na ako kailangan.
Maya maya ay umupo na lamang ako ng mapansin kung nanakit na ang mga paa ko kakatayo, at rinig ko rin yung ingay ng mga tao. Kung bakit hindi ako gumagalaw, ganda lang ipagmamalaki ko at kung ano pa. Dahhh! Insecure lang ang peg.
Pinahinto na sila ng referee nang makitang tulog na yung kalaban namin, at infernes walang namatay sa lima na yun. Mabuti naman mabuti.
"Anong trip mo rose? Gumalaw ka naman" myco
"Katamad!"
"Tsk!" Cloud
"Wala kang kwenta" king
"Ito naman kaya nyo naman yan eh. No need na ako" iling lang ang binigay ni gino sakin.
Nagready naman sila ng nasa taas na ang susunod, hanggang sa natalo ito at naka limang grupo silang natalo. Bali dalawang grupo na lamang. Kitang kita ko ang pawis sa mukha nilang king, kaya malamang pagod na pagod na sila. Kawawa naman. Well alam ko yata sinong pasimuno ng game na ito. Hayysss! Tumingin ako sa taong yun, at kung tutuusin hindi sa mga kasamahan ko ito nakatingin kung hindi sa akin. Kanina pa yan, kainis. Kung hindi lang ito nakatingin hindi sana ako naka upo lang. Bakit ayaw kong kumilos? Dahil alam kung mapapansin ng phoenix na yun ang mga galaw ko, especially sakin pa ito nakatutuk. At chaka sa dala kung katana. Yung fav ko na alam kung mapapansin niya yun pagnakita, dahil yun ang lagi kung dala kapag may laban kami ng mga sista ko. Hayyyyssssss ang malas lang.
"Hanggang kaylan ka uupo dyan?" King
"Kapag hindi nyo na kaya" tipid kung sabi.
"Tss!" King.
"Hindi ko akalain aabot kayo dito Black Demons" napatingin kami sa nagsalita.
BINABASA MO ANG
Grim Rose: BLUE ROSE
ActionBlue is part of the Grim Rose that can kill millions of people. What if she will fall in love with the guy she hates? It is the time to change her life or to be more cruel?