Nakatingin ako sa taong katabi ko sa kama.
Nakakainis ang tanga tanga ko.
Wala naman nangyari eh, muntikan lang.
Napaface palm ako dahil sa ginawa ko kagabi. Ang kati-kati mo rin blue ano? May gash ang pagkababae ko.
Tumayo ako at nagbihis ng mabilis, baka magising pa itong kasama ko.
May gash waley nangyari sa amin mga readers ha. E talagang muntikan lang hehehe, alams nyo na, Kiss-kiss kami hehehe. Pero walang hiya rin eh, tinulugan ko ba naman. Sayang pre! Sayang talaga.
Lakad takbo akong umalis sa unit ng bwesit nayun.
———————————-
Nag pasya akong pumasok kahit late na ako. Shempre mabait ito mga pre!
Nakatingin ng masama yung prof dahil late ako, pero hindi naman nya ako sinita. Hehehe! Ang cute ko talaga.
"Psh!" Sabi ni annie sabay sundot sa akin.
"Ano?" Tanong ko sa kanya.
"Bat late ka?"
"Hehehe! Masakit kasi ulo ko" sabi ko
Tinignan nya ako ng husto. Nginitian ko lamang sya.
"Para ka kasing na rape" sabi nito
"ANO?" Sigaw ko bigla.
Napatingin lahat ng kaklase at teacher ko sa akin.
My gash! Kalorke!
"MISS BATES! Hanggang kaylan kaba magtitino ha? LABAS!" Sigaw nitong draguna naming prof.
Napailing naman ako. Edi lalabas.
Tumayo ako at sinundot ang tagiliran ni annie bago umalis. Nakita ko pa ang pag igking nito, sabay tawa nung nakakita.
Ngiting nakakademonyo ang tingin ko sa teacher ko bago lumabas na talaga ng tuluyan.
Talagang makakaisa kang teacher ka.
Nagpasya akong humiga sa taas ng puno, dahil una gusto ko lang, pangalawa kasi trip ko? Panghuli wala kayong paki alam saan ako hihiga. The end! Bow
**pak**
Nagulat naman ako ng may isang tunog akong narinig sa ibaba ng puno.
"Alam mo bitch, matagal na talaga kitang gustong masampal!" Sabi ni polly.
Naparoll eyes naman ako, annoying talaga ng grupo nila pero wala yung kambal na kasama nila.
"The more envy you show, the worse you look. If you stoop so low that you can't help but envy another, at least try to act like you're not" mahulugan na sabi ni michele.
"How dare you!" Lyna
"Malandi ka kasi" hanna
Annoying talaga!
"Hindi ako malandi, talagang naiinggit lang kayo sa akin"
"Abat!" Galit na sabi ni polly.
Nakatingin lang ako sa taas, habang pinagtutulungan nila tatlo si michel.
Kita ko ang pagsabunot nila kay michel, kita ko rin ang pag sipa nya kay lyna.
Napaupo si lyna sa sahig, sabay lusob na naman kay michel.
Sinuntok ni michel si polly, na dahilan ng pagkawala nito ng malay.
Pfff!!
"My gash!" Sigaw ni hanna, sabay punta sa walang malay na si polly.
BINABASA MO ANG
Grim Rose: BLUE ROSE
ActionBlue is part of the Grim Rose that can kill millions of people. What if she will fall in love with the guy she hates? It is the time to change her life or to be more cruel?