AGAD na sumikdo ang puso ni Anje nang makita niya si Ted na nakaupo sa dulong mesa sa restaurant na matatagpuan sa Trump Hotel kung saan daw ito nananatili habang nasa New York ito. Nang ihatid siya ng headwaiter sa mesa nila at tumingala sa kanya si Ted ay halos hindi na siya huminga.
Halos dalawang linggo lang silang hindi nagkita pero pakiramdam niya taon ang lumipas. And the yearning she felt for him now was greater than what she felt for him bago sila nagkita sa Pilipinas. Labis na pagpipigil ang kinailangan niya upang huwag itong takbuhin at yakapin.
Tumayo si Ted nang magtama ang mga mata nila. Nagliparan ang mga paruparo sa sikmura niya. Pagkatapos ay tila ba nababasa nito ang naiisip niya at nagsimula itong maglakad palapit sa kanya at ibinuka ang mga bisig.
Gumuhit ang ngiti sa mga labi nito na palaging nagbibigay ng init sa buong katawan niya. "Come here," bulong nito.
Hindi na nagdalawang-isip pa si Anje. Lumapit siya kay Ted at hinayaan niya itong ikulong siya sa mga bisig nito. Napapikit siya nang lumapat ang mukha niya sa dibdib nito. She hugged him back, absorbing his scent, his heat, his presence.
He's really here.
Nag-init ang sulok ng mga mata niya nang maramdaman ang masuyong halik nito sa tuktok ng ulo niya bago siya marahang pinakawalan.
Tiningala niya ito at nang makita ang masuyong ngiti sa mga labi nito ay napangiti na rin siya. "Welcome to New York."
Tumawa ito at inalalayan siyang umupo. Um-order sila sa waiter na hindi umalis malapit sa mesa nila. Nang makaalis na ang waiter ay saka lang uli siya tiningnan ni Ted at ngumiti.
"Pakiramdam ko, ang tagal na kitang hindi nakita. To think that we didn't even talk to each other for years while we were in the Philippines," pabirong sabi nito.
Natawa si Anje.
Tumaas ang mga kilay nito na para bang tinatanong kung ano ang nakakatawa sa sinabi nito.
Ngumisi siya. "Kasi 'yan mismo ang naisip ko kanina nang makita kita," pag-amin niya.
May emosyong dumaan sa mga mata ni Ted. Pagkatapos ay ngumiti rin ito at ilang sandaling tahimik lamang na nagtama ang mga mata nila. Kung hindi pa bumalik ang waiter nila na bitbit ang mga order nila ay hindi pa mapuputol ang eye contact nila.
"Kumusta sina Mama?" tanong niya rito nang kumakain na sila.
Ngumiwi ito. "Same as always. No, actually, they've grown more persistent. For the first time, naipagpasalamat ko na punong-puno ang schedule ko araw-araw. May dahilan ako para tanggihan ang lahat ng invitation niya na hindi ko kailangang magsinungaling," pagkukuwento nito.
Nakaramdam si Anje ng simpatya para dito. Alam niya kung gaano kakulit ang mama niya. Siya ngang nasa kabilang panig ng mundo ay kinukulit nito, si Ted pa kaya. At the same time, nagpapasalamat siya. Kung hindi dahil sa pangungulit ng mama niya, hindi siya magkakaroon ng pagkakataong makasama nang ganoon si Ted.
Kumportable silang nag-usap ni Ted na tila walang pakialam sa kahit na ano maliban sa isa't isa.
"By the way, I want to give you something," biglang sabi ni Ted. May dinukot ito sa loob ng suit nitong puting sobre at iniabot sa kanya. Kinuha niya iyon at tiningnan ang laman niyon.
"Oh. Tickets to your concert," usal niya nang makita iyon. Na-touch siyang makita na anim na VIP seats iyon. Tiningnan niya ito at nginitian. "Thank you. I believe para kay Rob ang pang-anim?"
Ngumisi ito. "Yes. Bribe. Para hindi ka niya hihigpitan na makasama ako," sagot nito.
Natawa si Anje. Naikuwento kasi niya rito ang ginawa ni Rob kina Stephanie at Ginny. Ang sabi pa nga nito, masuwerte raw ito dahil mukhang ito pa lang daw ang lalaking lumapit sa isa sa mga alaga ni Rob na hindi nakatikim ng galit ng manager nila.
BINABASA MO ANG
WILDFLOWERS series book 3: First Love's Touch
Romance"Hindi ko kayang magsulat ng kanta para masabi ko sa iyo ang nararamdaman ko. I cannot even sing a song for you. All I can do is ask you this... marry me?" Excited man si Anje na bumalik sa Pilipinas, hindi naman siya ganoon ka-excited bumalik sa ba...