Part 15

14.5K 367 12
                                    

"SI TED 'yon, ah! Nasa Pilipinas din pala siya," bulalas ni Ginny bago pa makapagsalita uli si Anje.

Napakurap siya nang tumayo si Ted at nagsimulang maglakad papunta sa direksiyon nila.

"Ted? Siya 'yong ampon ng parents mo, Anje?" tanong ni Carli.

Noon lang niya inalis ang tingin kay Ted at bumaling sa mga kabanda niya. "Oo, siya 'yon."

Kumunot ang noo ni Ginny. "Pero kailan pa kayo naging close para puntahan ka pa niya rito?" nagtatakang tanong nito.

Kahit ayaw ni Anje ay nag-init ang mukha niya. "Baka utos ni Mama," sabi na lamang niya.

Tumaas ang isang kilay ni Ginny at alam niyang may napansin ito sa mukha niya na ayaw niyang makita nito. Tila magsasalita pa si Ginny ngunit hindi itinuloy at sa halip ay lumampas ang tingin sa kanya. Napaderetso siya ng tayo nang maramdaman niya ang presensiya ni Ted sa likuran niya. Tumindig ang mga balahibo niya sa batok. Kinalma niya ang sarili bago humarap dito. Muling nagtama ang mga mata nila at nabale-wala ang pagkalma niya sa sarili niya.

"Hey," bati ni Ted sa kanya. Pagkatapos ay tumaas ang mga kilay nito. "You look... different today," puna nito.

Kumurap siya bago naalalang naka-makeup pa rin sila mula sa photo shoot. Hinila na kasi agad sila ni Rob paalis dahil sa dami ng media sa building ng kompanya ni Oliver.

"Galing kami sa photo shoot," paliwanag niya.

Tumikhim si Ginny sa tabi niya kaya bumaling siya sa mga kabanda niya na mukhang naghihintay na ipakilala si Ted sa mga ito.

Tumikhim din siya. "Ah, Ted, these are my bandmates. Yu is our band leader and drummer, Carli is our vocalist, Stephanie, our guitarist and of course kilala mo naman si Ginny, ang bassist. Girls, ito si Ted," pakilala niya sa mga ito.

Sumulyap siya kay Ted at bahagyang natulala nang bigla itong ngumiti sa mga kaibigan niya at isa-isang nakipagkamay sa mga ito. Kahit ang mga kaibigan niya ay halatang natulala rito. Kahit sina Stephanie at Ginny.

"Now, I know why your band is famous. Aside from your music, of course," komento nito.

Humagikgik ang mga kaibigan ni Anje. Napakurap siya. Then she rolled her eyes. "Na para namang pinapakinggan mo ang mga kanta namin, Mr. Pianist," hindi nakatiis na komento niya.

Bumaling sa kanya si Ted. He gave her a sheepish smile. "If you'd only bother to send me a copy, I will listen to it."

Pinagtaasan niya ito ng isang kilay. "Bakit kailangan kitang bigyan, afford mo naman bumili kung gusto mo talaga?"

Tumaas ang mga kilay nito at tuluyang humarap sa kanya. "Bakit, 'yong records ko ba, binibili mo?" tanong din nito.

Sasagot sana siya ng "oo" pero napigilan niya ang sarili. Ano ang iisipin nito kapag nalaman nitong sinusubaybayan niya ang records nito? Kaya humalukipkip na lamang siya at iba ang sinabi. "Ano ba'ng ginagawa mo rito?"

Sumeryoso ito sa tanong niya. "We need to talk."

Natigilan si Anje at sumulyap sa mga kabanda niya. Tumikhim si Yu. "Well, kung mag-uusap kayo, I suggest sa suite mo na lang, Anje. It will be bad if the media sees you with a man," sabi ni Yu.

Tumango siya at bumaling na kay Ted upang yayain itong sumama sa kanila nang marinig nila ang boses ni Rob. "What are all of you still doing at the lobby?"

Napakagat-labi siya. Ang mga kaibigan naman niya ay napangiwi. Bumakas ang pagtataka sa mukha ni Ted.

"What?" tanong nito sa kanya at akmang lilingon sa direksiyon ni Rob pero mabilis niya itong hinawakan sa braso.

WILDFLOWERS series book 3: First Love's TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon