HINDI alam ni Ted kung bakit ngunit nang nakatayo na sila ni Brad sa gilid na malapit sa stage ay bigla siyang natensiyon. Marahil ay dahil sa tagal ni Anje sa industriyang iyon ay noon lang niya ito mapapanood mag-perform sa stage. Habang nakatingin siya sa stage, pakiramdam niya ay siya ang magpe-perform.
Huminga siya nang malalim upang kalmahin ang sarili at inalis ang tingin sa stage. Natigilan siya nang makita kung sino ang naglalakad patungo sa direksiyon nila at mula sa backstage.
Ang mga magulang ni Anje.
Mukhang hindi siya napansin ng mga ito nang huminto ang mga ito at gaya nila ni Brad ay tumayo sa gilid at tumingin sa stage. Mukhang hindi natutuwa ang mga ito. Lalapitan sana niya ang mga ito nang magsalita si Brad.
"I suggest, huwag mo muna silang lalapitan. Hindi maganda kung dito kayo sa studio magkaharap. Baka masira ang set nina Anje. Huwag ka munang magpakita sa kanila."
Napahinto siya dahil may punto ito. Pagkatapos ay bigla ring nagkaingay ang mga tao sa studio at nang tumingin uli siya sa stage ay may mga bulto na ng mga tao at musical instrument doon. Napansin niya ang isang keyboard sa gitna ng stage at tila hinalukay ang sikmura niya. Sigurado siyang si Anje ang gagamit niyon.
Sumandal siya sa pader at itinuon ang buong atensiyon sa stage nang i-announce ng host ang Wildflowers. Pagkatapos ay sa gitna ng malakas na tilian ng mga manonood ay bumukas ang spotlight sa gitna ng stage, sa mismong kinauupuan ni Anje sa harap ng keyboards. Nagsimula itong tumeklado. Isang malungkot ngunit sensuwal na tunog. Agad na tumahimik ang mga tao roon.
Nahigit ni Ted ang hininga at napatitig kay Anje. And then she started to sing and he was entranced.
"The touch of your fingers against my flesh, reminds me of the first time we met, when all around us became blurry, and all I could see was you, but the world stopped not for me. For you were looking at her not me."
Napamaang si Ted. Nanikip ang dibdib niya sa sakit at lungkot sa tinig nito. Tumatagos iyon sa kalooban niya na para bang... siya ang kinakausap nito sa awiting iyon.
Unti-unti ay nagsimulang mag-blend sa boses nito at tunog ng keyboards ang iba pang instrumento ng mga kabanda nito. It harmonized into a soulful yet sensual sound that brought shivers through his body. Sigurado siyang hindi si Anje ang nag-compose niyon, pero napakaganda niyon.
"So I tried to fix a smile, as if nothing was wrong. Reminding myself that it was time to go on. To find someone else, to start anew. To forget the love that will never come true," patuloy na pag-awit nito.
"Naitanong mo na ba sa kanya kung bakit siya umiiyak noong nakita mo kami?" biglang tanong ni Brad.
Umiling si Ted nang hindi inaalis ang tingin kay Anje. Uminit ang sulok ng mga mata niya. Bakit ba pakiramdam niya ay namamasa ang mga mata niya? Why after so many years, did he feel like he wanted to cry?
"That day, she realized she was in love with you," wika ni Brad.
Napakurap si Ted at marahas na napalingon dito. Nakatutok ang tingin nito sa stage. Pakiramdam niya ay huminto sa pagtibok ang puso niya.
Tiningnan siya nito at ngumiti nang matipid. "Ikaw ang dahilan kung bakit siya umiyak noon. At siguro naman, alam mo ring ikaw ang inspirasyon niya nang isulat niya ang kantang ito. Hopefully ma-realize din iyon ng mga magulang niya. Maybe they could forgive her for loving her sister's ex-boyfriend."
Nanakit ang lalamunan ni Ted at kinailangan niyang alisin ang tingin kay Brad bago pa niya mapagmukhang katawa-tawa ang sarili niya sa harap nito. Pagkatapos ay napasulyap siya sa mga magulang ni Aje. Si Mama Olivia ay nanlalaki ang mga mata at nakatakip ang kamay sa bibig habang nakatingin sa stage. Ang papa ni Anje ay nakatitig din sa stage at sa kabila ng distansiya niya sa mga ito ay napansin niyang nakaawang ang mga labi ng mga ito. Bumaling uli siya kay Anje. At sa liwanag ng spotlight na nakatutok dito nakita niya ang kislap ng namumuong luha sa sulok ng mga mata nito. Pinigilan niya ang sarili na mapaluha.
"Ted if I kiss you, will I reach you? If I touch you, will it touch your heart, too? If I give myself to you, will it make you forget her? And maybe fall in love with me, too? Tell me, what am I supposed to do? For you to love me, too?"
Hindi na nakatiis si Ted. Pinahid niya ang mga luha at naglakad patungo sa backstage.
"Ted, hey!" tawag ni Brad pero hindi niya ito pinansin.
Gusto niyang malapitan si Anje pagbalik nito sa backstage. Sana lang ay papasukin siya ng staff. Huli na nang mapagtanto niyang madadaanan niya ang mga magulang nito.
Napatingin sa kanya sina Mama Olivia at nagulat nang makita siya.
Huminga siya nang malalim at lumunok bago huminto sa harap ng mga ito. "Mama, Papa... Forgive me for what happened. But I promise I will take responsibility. So please, huwag kayong magalit sa amin."
Natapos ang kanta sa stage at naghiyawan at palakpakan ang mga tao. Saglit siyang lumingon sa stage kung saan nalapitan na ng host sina Anje. Muli siyang kumilos papunta sa backstage. Katulad ng hinala niya ay hinarang siya ng staff.
"Let him in," narinig niyang sabi ni Rob mula sa loob.
Nakahinga siya nang maluwag. "Thank you."
Bumuntong-hininga ito saka ngumiti. "I don't want the girls to think I'm being hard on Anje again."
Napangiti siya at pumasok sa backstage. Si Rob naman ay lumabas. Hindi na niya inabalang itanong kung saan ito pupunta.
Nagpalakpakan uli ang mga tao. Pagkatapos ay umingay sa gilid ng backstage na tila pabalik na roon ang mga nasa stage.
He braced himself and waited for her.
BINABASA MO ANG
WILDFLOWERS series book 3: First Love's Touch
Romance"Hindi ko kayang magsulat ng kanta para masabi ko sa iyo ang nararamdaman ko. I cannot even sing a song for you. All I can do is ask you this... marry me?" Excited man si Anje na bumalik sa Pilipinas, hindi naman siya ganoon ka-excited bumalik sa ba...