ABOT-TAINGA ang ngiti ni Anje nang matapos ang tawag ni Ted sa kanya. Napagdesisyunan nilang magkita mamayang gabi. Iyon lang daw kasi ang gabing nagawa nitong ilibre para sa kanilang dalawa. Okay na iyon sa kanya. At least, makikita niya ito.
"Theodore?" untag ni Brad sa kanya.
Napakurap siya at nilingon ito. "Oo."
Tumaas ang mga kilay nito. "'Akala ko ba, walang nagbago sa inyong dalawa? Pero bakit parang may kakaiba sa tawagan ninyo?" nagdududang tanong nito.
Natigilan siya. May naiba ba? Wala naman siyang napansing kakaiba kay Ted. Ganoon pa rin ito. Nanlaki ang mga mata niya. Kung ganoon, sa kanya ang may naiba? "D-do you think it's obvious that I like him?" mahinang tanong niya kay Brad.
Kumunot ang noo nito. "If you ask me, well, yes. Hindi ba, kahit naman noong high school, sinabi ko na sa 'yo na napapansin ko kung sino ang gusto mo?"
Nakagat niya ang ibabang labi. "Do you think he noticed it? I mean, did I sound so... so... loving just now?" kabadong tanong niya.
Matagal siyang tinitigan ni Brad bago umiling. "Anje, kung ganoon man ang tono mo, ano naman? He's single, right? 'Tapos, tinawagan ka pa niya at makikipag-date siya sa 'yo mamayang gabi. Ano'ng problema?"
Umiling siya. "It's not what you think."
"Then what is it?"
Hindi siya nagsalita at napayuko na lang.
Bumuntong-hininga si Brad. "Kung ayaw mong sabihin, fine. But at least, open up to your friends. Hindi healthy na sarilinin ang lahat. At tandaan mo ito, Angelica, kahit mahabang panahon tayong hindi nagkita at nawalan ng komunikasyon, something that I really regret, I still care about you," malumanay na sabi nito.
Alam niya iyon. Noong high school sila, ang tingin ng lahat ng estudyante likas na flirt si Brad. Pero ang totoo ay palakaibigan lang talaga ito at mahina ang depensa pagdating sa babae. Kapag may nagtatapat dito ng pag-ibig, hindi nito matanggihan dahil ayaw nitong makasakit ng damdamin. And so began the story behind his infamous record of dating half of the female population of their school. Natigil lang iyon nang magsimula itong dumikit sa kanya. Ang akala ng mga estudyante ay may relasyon silang dalawa. Hindi nila iyon itinama dahil pareho silang nakikinabang doon. Hindi na ito kinukulit ng mga babae at hindi malalaman ni Ted ang nararamdaman niya para sa binata.
"Anje?" untag ni Brad.
Huminga siya nang malalim. Pagkatapos ay hindi rin nakatiis na sabihin dito ang tunay na dahilan kung bakit gustong makipag-date ni Ted sa kanya. Na magkukunwari lang silang nagkakamabutihan para tigilan na ng mga magulang niya ang kakareto sa kanila ng kung sino-sino. Na sa tingin niya, wala na talagang ibang mamahalin si Ted bukod sa ate niya. Na okay na sa kanya na kahit paano ay magkakaroon siya ng pagkakataong makasama ito. Kahit hindi siya nito mahal.
"I don't think you deserve that, Anje. You should not settle for that. Hindi ka lang basta-basta babae. Ikaw si Anje ng Wildflowers, hindi ba? You are a superstar. You are a lovely woman. You are great. You are kind. You are—"
"Brad," natatawang saway niya rito.
Ngumiti ito. "Ang point ko ay hindi ka dapat makontento sa ganyan. You deserve to get what you want. You love him, right?" Tumango siya. "So, do something about it. Sa tingin ko, mali ka sa iniisip mo na hindi pa siya nakaka-move on. It has been years, Anje."
"Pero ang sabi niya, hindi pa siya nai-in love sa isang babae na kasintindi ng naramdaman niya kay Ate. That maybe he will never love someone like that again," wika niya.
"That may be true but it doesn't mean he still could not let Eve go. In fact, naghahanap nga siya ng ibang mamahalin, hindi ba? Hindi pa nga lang niya nakikita ang magpapakontento sa kanya. Hihintayin mo ba na sa ibang babae uli niya maramdaman 'yon?"
Umiling si Anje. "Then make him fall in love with you."
Napakagat-labi siya at napapikit nang mariin. Pain combined with... guilt sliced through her heart. Dumilat siya. "I can't," bulong niya.
Mahabang sandali ang lumipas bago ito nagsalita. "Sa tingin ko, ikaw yata ang hindi pa nakaka-move on."
Bumuntong-hininga siya. "Alam ko."
Umiling si Brad. "Hindi 'yan ang tinutukoy ko. Ikaw ang hindi pa nakaka-move on sa pagkamatay ng ate mo."
Napamaang si Anje.
Sumeryoso ang mukha nito. "Ikaw ang palaging pumipigil sa nararamdaman mo na para bang buhay pa si Eve. It was unfortunate that she died. Alam ko kung gaano mo siya kamahal pero hindi na siya babalik. So, what's keeping you from getting the man you love?" tanong nito.
Napakurap si Anje. Pagkatapos ay huminga siya nang malalim at pilit na nginitian si Brad. "Ayoko lang na tuluyang mawala sa akin si Ted kapag nalaman niyang mahal ko siya. Baka iwasan niya ako kapag nalaman niya," sabi na lamang niya.
Tinitigan siya nito. Pagkatapos ay tila may sasabihin pa pero bigla na siyang tinawag ni Ginny na nakasilip mula sa pinto ng lounge.
"Anje, alam na ni Rob kung saan dinala si Carli! Sa Las Vegas!" Napahinto ito nang mapatingin kay Brad. "Oh. Hello, Brad," gulat na sabi nito.
Kinawayan ito ni Brad. Pagkatapos ay tumayo na si Brad at niyuko siya. "Saan kayo magkikita mamayang gabi?" nakangiting tanong nito.
Nagtaka man si Anje sa tanong nito ay sinabi niya ang pangalan ng restaurant kung saan sila magkikita ni Ted.
Tumango ito. "At kailan ang concert niya with the New York Philharmonic?"
Sinabi niya rito kung kailan. Tila nag-isip ito bago ngumiti.
"Well, I just hope okay ka na bago ang tour ninyo. Hindi maganda kung makukuha sa camera ang ekspresyon sa mukha mong 'yan. Malalaman ng buong mundo na may love problem ka." Pabiro ang pagkakasabi nito niyon pero alam niyang seryoso ito.
Thankful na nginitian niya ito.
"Then see you." Pagkasabi niyon ay umalis na ito.
Siya naman ay napilitan nang bumalik sa lounge. Ngunit sa likod ng isip niya ay parang may nag-e-echo na ring tinig na matagal na niyang hindi naririnig.
"Hindi mo siya puwedeng agawin sa akin, okay?"
BINABASA MO ANG
WILDFLOWERS series book 3: First Love's Touch
Romantizm"Hindi ko kayang magsulat ng kanta para masabi ko sa iyo ang nararamdaman ko. I cannot even sing a song for you. All I can do is ask you this... marry me?" Excited man si Anje na bumalik sa Pilipinas, hindi naman siya ganoon ka-excited bumalik sa ba...