Part 27

13.6K 347 15
                                    


Moving On and Loving Again

GABI-GABI, palaging iniisip ni Ted na iyon na ang huling beses na magluluksa siya. Gabi-gabi, palagi siyang umaasa na matutulungan siya ng piano na alisin ang lahat ng negatibong emosyong nararamdaman niya mula nang mawala si Eve. Hindi lang siya sigurado kung epektibo iyon. Pakiramdam kasi niya ay walang nagbabago. The pain still lingered in his chest, like a heavy weight he could not lift.

Kaya tulad ng mga nakaraang gabi na hindi siya makatulog ay nagpupunta siya sa music room at umuupo sa harap ng grand piano. Ilang sandaling tititigan lang niya iyon, umaasang maaalis niyon ang sakit na nararamdaman niya. Pagkatapos ay marahan siyang tumeklado. Hanggang sa simulan niyang tugtugin ang piano piece na gabi-gabi niyang tinutugtog.

Paminsan-minsan ay pumipikit siya, binabalikan ang mga alaala nila ni Eve, ang mga huling pag-uusap nila, ang pangakong hindi na niya matutupad. Even the way his feelings changed for a moment. The way he fought so hard to ignore it and to kill it para lang hindi niya ito masaktan.

And it made him feel guilty. Dumagdag sa bigat sa dibdib ni Ted. Lalo pa at alam niyang napansin nito iyon. Naramdaman nito. And knowing that he had failed to be the perfect boyfriend for her made his gut tighten. Paano niya magagawang magpatuloy sa buhay habang ang buhay nito ay natapos na? How can he be so cruel?

Kaya nagdesisyon si Ted na tuluyang patayin ang munting damdaming iyon. Nagdesisyon siyang kalimutan iyon at magtuon sa pagmamahal na naramdaman niya para kay Eve. He will go on with his life with only that in his life. Hindi niya kailangan ng iba pa. It will be unfair to Eve.

Matagal siyang tumugtog. Huminga siya nang malalim nang matapos ang piyesa. Isinara niya ang lid ng piano at ipinatong doon ang mga braso. Ngayong tumigil siya sa pagtugtog ay para siyang nabibingi sa katahimikan. Pumikit siya nang mariin saka dumukdok. Matagal siyang nanatiling ganoon hanggang sa maramdaman niyang iginugupo na siya ng antok.

Hindi niya alam kung gaano katagal siyang naroon. But in his slumber, he felt someone touch his hair softly. Halos gusto niyang mapabuntong-hininga. Hindi lang niya magawa. Maybe he was dreaming.

And then he heard a soft and soothing voice near him. Sa simula ay hindi niya gaanong maunawaan ang sinabi nito. Ngunit kahit ganoon ay tila haplos sa kanya ang boses nito. It calmed his senses. Hanggang sa marinig na niya ang mahinang tinig nito.

"Do you think she will be happy to see you this miserable? Hindi. Gusto niyang maging masaya ka. So, Ted, pick up the pieces of your broken heart and live again."

Tumagos sa puso niya ang sinabi nito. Gusto niyang dumilat. Gusto niyang kumilos upang tingnan ito. Upang masiguro kung tama ba siya sa katauhan ng nagsasalita. Dahil pamilyar sa kanya ang boses nito. Subalit hindi niya magawa.

Pagkatapos ay may ginawa itong tuluyang nagpagising sa kanya. Inilapit nito ang mukha sa kanya at marahan siyang hinalikan sa gilid ng mga labi. He caught her sweet and powdery scent. And in an instant he recognized her. Tila hinalukay ang sikmura niya. Saglit lamang ang halik na iyon ngunit sapat na iyon upang luminaw ang kamalayan niya.

"Move on. Love again. Be happy again, Ted. Please. I'm just here. I love you."

At tila walang kahirap-hirap na binura nito ang paghihirap sa puso niya. Para lang palitan ng panibagong pagdurusa. Dahil hindi niya kayang suklian ang pagmamahal nito. Hindi puwede.

Hindi siya kumilos hanggang sa maramdaman niyang naglakad na ito palayo. Nang marinig niya ang mahinang tunog ng sumarang pinto ay dumilat siya. Pagkatapos ay dumeretso siya ng upo saka huminga nang malalim. Ikinulong niya ang mukha sa mga palad niya at pumikit nang mariin upang kalmahin ang sarili. Damang-dama niya ang pag-iinit ng buong mukha niya, ang pagtahip ng puso niya sa dibdib niya, at ang mainit na sensasyong dumaloy sa bawat himaymay ng ugat niya.

Ayaw niyang aminin, ngunit sa kaibuturan ng puso niya he felt.... happy.

Hindi mo dapat nararamdaman 'yan, usig ng isang bahagi ng isip niya.

Huminga si Ted nang malalim. Nang kahit paano ay magawa na niyang kalmahin ang sarili ay tumayo na siya.

Hindi pa man siya nakakakilos ay bumukas na ang pinto ng music room. Nagkagulatan pa sila ni Mama Olivia nang mapatingin sila sa isa't isa.

Ito ang unang nakabawi. Ngumiti ito. "Ted, there you are. Narinig ko ang tunog ng piano at naisip kong sabihan kang bumalik na sa silid mo at matulog," wika nito.

ngumiti siya nang pilit. "Actually, I was just about to call it a night now, Mama."

Ngumiti rin ito pero tila pilit lang din iyon.

Nilapitan niya ito. "May problema ba, Mama?" tanong niya rito.

Umiling ito. "No. May sasabihin sana kami sa 'yo ng papa mo pero dapat ay bukas pa. Pero bigla kong gustong sabihin sa 'yo ngayon na."

Kumunot ang noo niya. "Ano po'iyon?"

"Ted, may kakilala kaming director ng magandang music conservatory sa Paris. Naisip namin ng papa mo na mas maganda kung doon ka mag-aral pagka-graduate mo. Ilang araw na lang graduation mo na, hindi ba? Makakatulong sa 'yo 'yon, hijo. It will make you... forget. And maybe in time, you will find someone to love again. In Europe. What do you think?" tanong nito.

Alam ni Ted na kapakanan niya ang iniisip ng mga ito, at na-appreciate niya iyon. Pagkatapos ay naalala niya ang kanina lamang ay nangyari sa silid na iyon. He remembered Anje's soft words and the touch of her lips against his skin.

Noon siya nakapagdesisyon. Kailangan nga niyang umalis sa bahay na iyon. Kailangan niyang ayusin uli ang buhay niya. Kailangan niyang mag-move on.

Huminga siya nang malalim at ngumiti. "Sure, Mama. I will go abroad."

Tila nakahinga ito nang maluwag at tinapik ang pisngi niya. "You are such a good boy."

May sumundot sa konsiyensiya niya. Kung alam lang nito ang tunay na nararamdaman niya, hindi nito iyon sasabihin.

But still he could not ignore the feeling any longer. Kahit isang beses lang, kahit ngayon lang ay nais niyang maging tapat sa sarili niya.

He had special feelings for Anje. He knew it was wrong. But it was there inside him. At natatakot siya na maaari niya iyong kalimutan pero hindi iyon mawawala kailanman.

WILDFLOWERS series book 3: First Love's TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon