PUMIKIT nang mariin si Anje at marahas na ibinagsak ang katawan sa kama. She did it again. Idinaan na naman niya sa pagsusungit at galit ang pakikipag-usap niya kay Ted. Naiinis siya sa sarili na parang hindi siya nag-mature. Dapat ay kaya na niya itong harapin na tila walang anuman. Kaya naman niyang makipag-usap sa ibang lalaki nang normal. Pero bakit pagdating kay Ted, pakiramdam niya ay hindi niya magawang umakto nang normal? Sa tuwina, upang itago ang pagkakagulo ng mga emosyon sa loob niya ay idinadaan niya sa pagsusungit ang usapan. Katulad kanina. Kahit pa iyon ang unang beses na nagkita uli sila.
But this time, it's his fault, bulong ng nagre-rebeldeng bahagi ng isip niya.
Tama. Because he was acting like her parents. Pati ito, sinasabihan siyang bumalik sa pagpi-piano. Pati ito, gustong iwan niya ang banda niya. Hindi ba naiintindihan ng mga ito na masaya siya sa career niya? Na ang musika nilang magkakaibigan ang buhay niya? That the Wildflowers made her happy?
Na kahit ano ang gawin ng mga ito, kahit pilitin pa siya ng mga ito na bumalik sa piano at mag-concentrate sa classical music ay hindi siya magiging gaya ng ate niya.
Kung nandoon lang ang ate niya, tiyak na pinagalitan na siya nito.
"Ako ay ako at ikaw ay ikaw. Stop letting them compare you to me because we are different. You are fine just the way you are."
Napangiti siya nang maalala ang palaging sinasabi nitong iyon. Naniniwala siya rito.
Kaso, hindi ang ibang tao, lalo na nang mawala ang ate niya. Bigla lahat ng tao sa paligid nila, kahit ang mga magulang niya, ay determinadong pasunurin siya sa yapak ng ate niya.
At masakit mang isipin, mukhang pati si Ted.
Huminga siya nang malalim. Pagkatapos ay dumapa siya sa kama at isinubsob ang mukha sa unan. Ano pa ba ang aasahan niya? Noon pa man ay ang ate niya ang priyoridad ni Ted. Matagal na niyang tanggap iyon.
She felt a pain in her heart that was so familiar to her and she did not even bother to pay attention to it. Lumaki na siyang nararamdaman ang sakit na iyon kaya nakasanayan na niya.
Natawa siya nang pagak. Ang pathetic isipin na nakakasanayan pala ang sakit na iyon.
Iyon pa rin ang iniisip niya hanggang sa makatulog siya.
KUNG hindi pa sa sunod-sunod na katok sa pinto ng silid ni Anje ay hindi pa niya mamamalayan na nakatulog pala siya.
"Anje, open up," malakas na sabi ni Ted mula sa labas ng pinto. Muli itong kumatok.
Nakakunot ang noong bumangon siya at marahas na binuksan ang pinto. "Bakit ba—"
Bumara sa lalamunan niya ang sasabihin niya nang manuot sa ilong niya ang bagong paligong amoy ni Ted. It teased her senses and nearly turned her mind into mush.
Nearly. Dahil nang mapatingin siya rito at makitang basa pa ang buhok nito at ang makapal na mga pilik-mata nito at ang suot nito ay simpleng puting T-shirt na humahakab sa katawan nito at shorts na hanggang mga tuhod ay tuluyan nang natunaw ang utak niya, pati na ang mga tuhod niya.
Why must he still look like the prince of her dreams after all these years? Bakit ba hindi na lang ito pumangit para mamatay na ang unrequited love niya rito? Bakit hindi na lang ito naging grumpy o kaya ay sumama ang ugali para hindi niya nakikita ang noon ay laging sinasabi ng ate niyang magagandang katangian ni Ted?
"Hindi mo siya puwedeng agawin sa akin."
Nagtagis ang mga bagang niya nang maalala ang sinabing iyon ng ate niya.
Alam ko, Ate, paghihimutok niya sa isip habang nakatitig pa rin sa mukha ni Ted. Gusto niya itong suntukin at sunggaban nang sabay.
Nagalit siya sa sarili sa isiping iyon.
BINABASA MO ANG
WILDFLOWERS series book 3: First Love's Touch
Romance"Hindi ko kayang magsulat ng kanta para masabi ko sa iyo ang nararamdaman ko. I cannot even sing a song for you. All I can do is ask you this... marry me?" Excited man si Anje na bumalik sa Pilipinas, hindi naman siya ganoon ka-excited bumalik sa ba...