LOVE • SEVENTY-NINE

170 42 4
                                    


Kaizer

"AGAIN Kaizer, you collapsed because of your stupid reason," sabi ni Vhan habang natawa. "At talagang mulat pa ah?"

Hindi ko na lamang pinansin si Vhan at sa halip ay inisip ko ang dahilan kung bakit ako nagkaganito. Yes, may balak si Zander na manligaw kay Ellaine kaya ako nagkaganito.

"Moron," sabi pa ni Zander.

I didn't expect this. Hindi ako makapaniwala na manliligaw siya sa kapatid ko. Although I knew in the first place that he is into my sister. This move kinda shocked me, I was not prepared.

"Are you sure about that dre?" tanong ni Vhan kay Zander.

Hindi tumugon si Zander at sa halip ay nagnod lamang siya.

"Hindi," sabi ko sabay tumayo. "Hindi mo pwedeng ligawan ang kapatid ko. Tsong, akala ko ba walang talo?" tanong ko. "I trust you for caring for my sister, pero kaya mo lang pala ginagawa iyon because you had feelings for her." I am indeed serious right now because of my sister's sake. "Kaya sa 'yo na 'yang drum set na regalo mo," sabi ko sabay naglakad ako palabas.

"Paano ang sayaw bukas, dre?" tanong ni Vhan.

Lumingon ako at tsaka sinabing, "Magsasayaw ako sa bukas, pero hindi ko pa rin tatanggapin na liligawan ni Zander ang kapatid ko."

Pagkatapos kong sabihin 'yon, naglakad na ako palayo at umuwi sa bahay namin.

Kahit na 'yung drum set na iyon ang kapalit, hindi ko pa rin magagawang ipagkatiwala kay Zander ang kapatid ko.

Hindi ba nag-iisip ang kapatid ko? Alam niya ba kung gaano kahirap kapag nagkarelasyon siya kay Zander. Madadamay siya sa lahat ng away, lalo pa't kaya ganito ako makapag-react kasi iyon ang mangyayari at sigurado ako roon.

Ayaw ko lang madamay si Ellaine kaya hindi ko pinayagan si Zander na manligaw. Alam ko noong una pa lang na may gusto na si Zander kay Ellaine, pero hindi ko alam agad-agad. I am not prepared.

At panigurado akong may mutual understanding ang dalawang 'yon.

Noong nakapasok na ako ng bahay, kaagad na nagtanong si Ellaine. "Anong nangyari Kuya?"

Umupo muna ako sa couch at saka isinandal ang likod ko. "Okay lang," sagot ko rito sabay tingin sa kanya ng seryoso. "Ako nga'y tapatin mo Ellaine, huwag kang tatanggi ah!"

Tiningnan niya ako ng seryoso at tinaasan ng kilay. "Ano naman iyon Kuya?" inis na tanong niya.

"Alam mo bang manliligaw sa 'yo si Zander? Tapatin mo ako."

Umiwas ng tingin si Ellaine. "Oo Kuya, pinayagan ko siyang manligaw sa akin."

"Ang t*nga mo talaga 'no?" Biglang napataas pa ang boses ko. "Paano kung mapahamak ka nang dahil sa kanya? Alam mo namang lapitin 'yon ng gulo, think twice Ellaine! Mag isip ka."

Napalaki ang mata ni Ellaine at tila ay naiiyak na hinarap ako. "Kuya naman, bakit hindi mo na lang kami suportahan? He proves you that he can able to protect me, many times," she said and almost burst her tears. "Kuya, nasasaktan ako sa ikinikilos mo. Akala ko suportahan mo ako."

"I'm just worried about your safety."

"Did you know about a guy who saved me from abduction?" she asked and cleared her throat. "That was Zander and Zy is Zander."

Let Me Love You Then [ISWAH PART 2] On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon