LOVE • EIGHTY THREE

96 29 0
                                    


Ellaine

"WELCOME! By the way, I'm Samantha."

Kinamayan ko naman siya at sinabi din ang pangalan ko. "I'm Ellaine."

Bumitaw naman ako at saka ngumiti ulit sa kanya.

Wait . . . may bigla akong natandaan. Isang tao at parang familiar siya sa akin.

"You look so familiar," sabi pa niya. "Wait, let me remind lang huh."

Ako rin, napapaisip parang familiar siya sa akin talaga. 'Di ko lang maalala.

"Shasha? Ikaw nga ba 'yan?" biglang tanong niya.

Napapungay ang mata ko saka inalala ang mukha niya. T-Teka, tama siya nga si . . . "Sam? Oh my gosh! Ikaw nga!"

Napayakap ako sa kanya at nakaramdam ako ng kagalakan nang dahil doon.

"It's been a long years since we met. Ngayon, nagkita na ulit tayo!" masaya pa niyang bati.

"Nakabalik ka na sa Pilipinas. Si Tj? Kumusta na? Ikaw rin kumusta ka?"

"Okay lang naman ako. Si Tj? Wala na akong masyadong balita tungkol sa kanya, pero sa pagkakaalam ko, he was already here in the Philippines."

Napangiti ako nang nalaman na si Tj ay narito na rin. Sana makita ko siya ulit. Nakita ko na si Zy, which is Zander, ganoon din si Sam at sana makita ko ulit si Tj.

"Samantha!" tawag nung babae kay Sam at sabay lapit niya.

May halong pagtataka ang babae at base sa kung paano siya magdala ng damit ay sobrang classy.

"Oh, by the way! She's Nikesha, my friend . . ." Sabay turo niya roon kay Nikesha. ". . and she's Ellaine. My childhood friend."

"Oh hi, Ellaine." Kumaway siya at buong giliw nitong bumati sa akin.

"Ellaine, sino sila?" bulong na tanong sa akin ni Jamie.

"Wait, nalimutan ko pala ipakilala sa iyo ang mga kaibigan ko."

Humarap ako sa mga kaibigan ko. "She's Jamie," turo ko kay Jamie at ngumiti. "Sharmaine," turo kay Sharmaine at ngumiti saka ko tinuro si Alexia. "And she's Alexia."

Emotionless na naman si Alexia.

"You look so familiar too, teka nga. Ikaw ba 'yung pinsan ni Zy?"

Nakaramdam ako ng pagkasaya ni Sam na para bang kumikinang ang mata nito.

"Yes, I am," Alexia answered.

Naging madiin ang pagkakabigkas ng mga salitang binigkas ni Alexia kay Sam at napansin ko pa na hindi siya masaya na nakilala niya si Sam. Nararamdaman ko lang pero sana hindi at mali ang kutob ko.

"O siya uuna na kami!" sabi ko. "Thank you sa time, Sam. Sana magkita muli tayo."

"Sure. Labas tayo minsan." Saka niya binigay ang calling card niya. "Here's my phone number."

Kinuha ko naman ito at ngumiti muli. "Thanks. Bye Sam."

"Bye Ellaine."

Saka na ako hinigit ng mga kasama ko palayo kay Sam at medyo sumulyap-sulyap pa ako sa kanya.

Tumingin naman ako sa tatlo. Tahimik nila kaya nagtaka na ako, lalo na si Alexia na kanina ang kulit na ngayon ay walang ka-emo-emosyon ang mukha.

Mayamaya sinundo na kami ng personal driver nina Alexia at sumakay na kami roon sa van.

Let Me Love You Then [ISWAH PART 2] On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon