EllaineHOW could Zander fall for me? Eh, he doesn't acknowledge me as his ideal type. He is such a bully to me as if I was a little girl who would he play with. But what if I confessed? What if, this would be the key to my prudent problems?
I couldn't concentrate on my studies because of him, this really sucks! Hindi ko rin siya nakikita, kanina pa, I'm sure, he's sleeping right now.
Pagkatapos ng klase, umuna na si Sharmaine na umuwi. Ako naman ay saglit na naiwan sa classroom dahil inaayos ko pa 'yung part ng mga respondents.
Napatingin ako sa scratch paper ko at ini-scan ko ang mga naging respondent. To my surprise, narito ang pangalan ni Zander.
In just a glimpse, nasa tabi ko na si MJ kaya napalingon ako sa kanya. He just entered the room without any permission.
"If you're still trying for me to get back to you, nagkakamali ka MJ," I said without hesitation.
"Just for the last time, hayaan mo akong mag-explain ng aking side," sabi nito at lumuhod pa sa harapan ko.
That's why I give him a chance by saying, "Okay, fine."
Huminga muna siya nang malalim bago magsalita. "Sorry dahil sinaktan ko ang damdamin mo ng ilang beses. You are really a lesson to me and I am tired of doing some favors to my friends just for fun. Dahil sa mga ginagawa ko, hindi ko na nare-realize na nakakasakit na pala kami ng tao."
"May sarili ka namang pag-iisip MJ, so why you need to obey their favors, puwede ka namang tumanggi and enlighten them na mali iyon," sabi ko nang mahinahon. Sa pagkakataong ito kinakailangan kong makinig sa kanyang side, kahit na may ginawa siyang hindi maganda.
"Noong una, I just grab the chance to make Katherine jealous before, pero mas pinili niya si Zander," sabi ni MJ kaya naman hindi na ako nagulat kung dati ay naghahabol pa rin talaga si MJ kay Katherine. "Kaya lagi akong nasama sa 'yo, and I was wrong, I think Zander really felt jealousy because I got near to you."
Para bang nagka-heart attack ako sa sandaling ni-reveal iyon ni MJ. How could Zander felt jealousy at that time? He is indeed cold. Wala siyang pakialam sa ibang tao.
"And he got mad at me because of you. The reason is that I hurt your feelings," sabi ni MJ kaya naman para bang nag-flashback ang nangyari sa akin noon. Nag-flashback din sa akin 'yung sinabi sa akin ni Kuya. "And for the second time, I intend to grab the prank for me to get back on you. Nagbabaka sakali akong maging tayo, pero ramdam ko na gusto mo si Zander, although you keep on denying."
"How did you say that? You have no assurance that I like Zander," sabi ko habang pinipigil ang luhang nagbabadyang pumatak.
"I know you did because of your actions." Ngumiti siya at tumingin sa akin. "Kaya nasaktan ako nang todo, kahit na ako naman ang lumikha ng problemang ito." Ramdam ko na pinipigilan niya ang kanyang luha dahil nagbabago ang tono ng kanyang boses. "I am really sorry Ellaine, kung nasaktan kita nang husto. Alam ko na kaya ka nawawalan ng faith sa love ay dahil isa ako sa naging dahilan niyon, kaya patawad talaga."
Unti-unting kumawala ang luha sa aking mata dahil ito lamang ang hinihintay kong sabihin niya, ang sinserong sorry na nagmula sa kaniyang puso.
"Don't cry," sabi pa ni MJ sabay pinunsan ang luha niya at gayon din sa akin. "You are indeed a lesson to me, na-realize ko ang lahat ng kagaguhan ko noong unt-unti ka ng nawawalan ng interes sa akin. Nakita ko 'yung totoong worth mo noong nasa ibang bisig ka na," sabi niya pa. "And for the very last moment, can I hug you tight?"
Hindi na ako nagdalawang isip pa't ako na ang yumakap sa kanya habang tinatapik-tapik ang kaniyang likuran. "I forgive you MJ, I really did."
Pagkasabing pagkasabi ko niyon, nakarinig ako ng buntong-hininga kaya naman mabilis akong napatingin sa pinanggalingan niyon. He's at the door .
Parang bigla na lang akong nasaktan no'ng nakita niya kaming dalawa na magkayakap.
"Za-Zan . . ."
Napabuga muna siya ng hangin sa kawalan at biglang umalis. Bumitaw ako kay MJ at sinabing, "I have to go."
Iniayos ko muna ang mga gamit ko at sinundan si Zander. Hinanap ko siya sa saanmang sulok ng university, kaya naman lumabas ako.
Nakita ko siya na naglalakad pauwi kaya naman hinabol ko siya. I have to confess. Ito lamang ang magiging sagot sa lahat ng aking agam-agam.
"Zander!" I called at him but he doesn't turned around. That's why I shouted again, "Zander!"
And this time, lumingon siya sa akin at sakto naman na naabutan ko siya. Hinihingal akong tumigil sa aking paghabol nang maabutan ko siya.
"Zander," I called at ini-compose ang aking sarili. "Zander."
"How many times you will call me, Ellaine?"
Kumuha muna ako ng lakas ng loob para aminin ang lahat ng aking gustong aminin. "Zander, nitong mga nakaraang araw, napag-isip-isip ko na . . ."
"That you like me? I'm not interested," he said that's why my tears burst out into my eyes.
Tumalikod siya sa akin at ako naman ay nagdududa na dahil marami signs na binigay siya sa akin. Pero mas pinili niyang tumalikod sa akin, habang ako ay unti-unting nasasaktan.
"Bakit ba palagi mo akong pinangungunahan sa aking nararamdaman?" tanong ko sa kanya kaya naman napatigil siya. "Bakit ba ganyan ka kalamig?" tanong ko habang tumutulo ang luha sa aking mga mata. "Nagkaroon na ako ng lakas ng loob para aminin sa 'yo ang lahat, pero kaagad mo akong pinangunahan, at tinanggihan."
Hindi ko mapagilang humagulhol ng iyak at sumigaw, "Bakit ba napakamanhid mo?"
Pagkatapos niyon, pumara ako ng tricycle at sumakay roon. Pagkatapos niyon, umiyak ako sa sobrang sama ng aking kalooban.
Akala ko may gusto siya sa akin? Pero bakit ganoon siya kalamig? Bakit ganoon niya lamang ako i-reject?
"Bakit Zander? Bakit?"
![](https://img.wattpad.com/cover/176747404-288-k79127.jpg)
BINABASA MO ANG
Let Me Love You Then [ISWAH PART 2] On Going
RomansaWARNING: This is an extraordinary romance novel that will be caught your heart and stay with you until you turned into a final page. - - 𝘐𝘧 𝘰𝘯 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘥𝘢𝘺 𝘦𝘷𝘦𝘳𝘺𝘵𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘸𝘢𝘴 𝘢𝘴 𝘶𝘴𝘶𝘢𝘭. 𝘐𝘧 𝘰𝘯𝘭𝘺 𝘺𝘰𝘶 𝘯𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘤𝘰𝘮𝘦...