LOVE • EIGHTY FOUR

122 30 0
                                    


Ellaine

NAGBASA-basa muna ako ng article sa forum. Tutal, nauna naman akong nagising at ready ng pumasok kaya, okay lang na magganito-ganito ako.

Bigla ko tuloy nabasa ang isang article tungkol sa pageant at darating din daw ang Chairman at President sa Zage University ngayon. Sa flag ceremony!

"Kuya! Kuya!" tawag ko kay Kuya.

Noong narinig ko ang kaluskos ng sapatos ni Kuya napalingon na ako. Nagutla ako noong nakita kong may facial mask siyang nakalagay.

"Akala ko ba, sa gabi 'yan nilalagay?"

"Eh, ano bang pake mo? Gusto ko eh."

Napangiwi na lang ako at bigla kong naalala ang sasabihin ko kay Kuya.

"Kuya, pupunta raw ang Chairman at President sa Zage ngayong flag ceremony."

"Alam ko." Saka siya lumayo sa akin. "Iyan lang naman pala ang sasabihin mo sa akin, tsk."

"May tatanong pa ako."

"Oh ano? Dalian mo at may gagawin pa ako."

"Kuya, sino nga ulit 'yung Chairman at President?"

Napa-face palm na lang siya. Sa hindi ko alam eh. Masama bang magtanong?

"Oo na at magdadrama ka pa riyan kapag 'di ko sinabi." Napangiti ako sa kanyang sinabi. "Ang chairman ng school ay ang Lolo ni Zander. Si Engr. Alejandro Cortez, 'yung President naman ay si Engr. Alezander Cortez, tatay ni Zander."

"Wow," usal ko.

"Ang ibig sabihin lang noon, si Zander na ang susunod na magmamay-ari ng Zage, since he is unico ijo. Kaya maiwan na kita riyan."

Nilayasan na ako ni Kuya samantalang ako naman ay ngiting ngiti. Expected na naman 'yon, siya kasi ang lalaki sa pamilya nila.

Gusto ko tuloy makita ang lolo at tatay ni Zander. Kaya aattend akong flag ceremony para makita ko sila.

Iniayos ko na lang ang aking gamit at saka ito isinakbit sa aking likod. Alam ko namang papaalis na kami. Pagkatapos ni Kuya sa kanyang skin care, kaya naman tumayo na ako at iniayos ang palda ko.

Isinalpak ko ang earphones ko sa aking dalawang tenga.

Jamie is calling . . .

Kaagad kong sinagot ang phone call ni Jamie and asked, "Bakit Jamie?"

"Ellaine! Samahan mo ako!"

"Saan naman?"

"Sa bookstore! May nilabas na bagong edition ng libro ng favorite kong author. Samahan mo ako!"

"Ala! Baka ma-late tayo?"

"Tinatanggihan mo ba ako? Ganyan ka na ah! Pati ba naman ako hindi mo ako sasamahan? Sina Alexia at Sharmaine nga hindi eh! Nayy! Ganyan na kayo ah."

"Oo na. Oo na. Naawa naman ako sa 'yo wala kang kasama. Eh, may jowa ka naman!"

"Ayieee sabi na eh. Hindi mo ako matitiis eh! Susunduin na lang kita riyan ah. Well, si Vhan kasi kailangan niyang nasa school kaagad since may flag ceremony at pupunta rin 'yung Lolo niya."

"Oo na!" I ended a call after that. "Kuya, gindi pala ako sasabay sa inyo!"

"At bakit?" tanong nito habang nakapamewang pa.

Bigla tuloy nabahag ang buntot ko. Nakakatakot kasi si Kuya. Lalo na't napalaki ang mata niya at kasabay niyon ang malaki niyang tenga.

"Nagpapasama kasi si Jamie sa akin. Sige, Kuya uuna na ako."

Let Me Love You Then [ISWAH PART 2] On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon