LOVE • EIGHTY-ONE

142 36 0
                                    

Ellaine

FLASHBACK . . .

"Bago ko sabihin ang mga kondisyon. Ellaine, iwanan mo muna kami at mag-uusap kami nang masinsinan ni Zander," sabi ni Kuya.

"How do I be sure about that Kuya?" I asked as I frowned my eyebrows.

Lumabas ako ng music room pero dumiretso ako sa secret garden. Maririnig ko naman ang usapan nilang dalawa don eh.

"Kapag si Ellaine sinaktan mo, bubugbugin kita hanggang sa ma-comatose ka. Malinaw? Walang aangal."

"Yes, Kuya."

"Ibibigay mo na sa akin ang niregalo mo. Malinaw ba? Sayang iyon."

Anong regalo na naman iyon? Siguro dinudugas na naman ni Kuya si Zander.

"Yes, Kuya."

"Wala munang hawak-kamay o kahit ano at lalo na ang kiss! Malinaw?"

"Noted Kuya."

"Ligawan mo muna siya ah."

"Yes."

"Mahalin mo ang kapatid ko, ipagtanggol mo, huwag mong iwanan, higit sa lahat . . ." Napabuga ng hangin si Kuya at sinabing, "Mahalin n'yo nang lubos ang Diyos dahil siya ang gagabay sa inyong dalawa sa inyong relasyon."

"Yes, of course, I do."

"Saka huwag mo nga akong tawaging Kuya!" sabi ni Kuya Kaizer dahilan para ako ay mapatawa nang palihim. "Natanda tuloy ang tingin ko sa sarili ko. Hindi naman kita kapatid eh," kontra ni Kuya dahilan para ako ay matawa.

"You're my future brother-in-law," Zander assured.

"Hindi pa. Baka mag-break pa kayo ng kapatid ko at baka maging MJ, o si Andy pa ang maging bayaw ko o kaya si Thunder."

"I deserve more to your sister than those morons," sabi ni Zander.

Napa-pout ako sa sinabi ni Master, siguro ay dahil nakakaramdam ako ng kilig.

Wait . . . Thunder? Parang pamilyar.

"Tumigil ka riyan Zander. Tawagin mo na si Ellaine at mag-practice kayong dalawa. Huwag na huwag mong susuwayin ang mga kondisyon ko."

"Yes, Kuya."

"Sinabing huwag mo akong tawaging Kuya. Makakatikim ka talaga sa akin."

End of Flashback . . .

Ngayon nga sinusunod na talaga ni Zander ang mga kondisyon ni Kuya. Ang pagkakaalam ko dati-rati'y 'di takot si Zander kay Kuya pero ng dahil sa akin, bahag na ngayon ang buntot niya.

Natutuwa ako dahil ginagawa niya 'yon para sa akin.

"First of all I would like to thank all of you dahil sa pagpunta rito sa event ng aming department. This event has a purpose ito ay ang para sa lahat ng dumalo na nagbigay ng kanilang donasyon ay agarang mapupunta sa mga nangangailangan ng tulong. Hope y'all enjoy it. Thank you," sabi ni Ma'am Janine sabay umalis sa stage.

Let Me Love You Then [ISWAH PART 2] On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon