Love - is a form of amnesia when you forget that there are 1.2 billion other boys in the world.
**
SELENA's POV
Nagdrive lang ako ng nagdrive. Hind ko alam kung san ako pupunta. Ayoko namang umuwi sa bahay dahil baka mabaliw lang ako dun sa kaiisip sa mga bagay bagay. May nakita kong convenient store sa daan.
Inihinto ko ang sasakyan sa harap nun at pumasok sa loob. Bumili ako ng anim na boteng beer. Hindi pa nga nawawala yung HO ko sa ininom ko knina pero eto nanaman ako. Sa totoo lang sobrang sakit pa din ng ulo ko. Sa sobrang sakit parang gusto ko na lang na sumabog ito para matapos na lahat ngpaghihirap ko. Inihinto ko ang sasakyan sa isang park.
Umupo ako sa isang bench at binuksan ang isang bote ng beer. Naalala ko nanaman sya. Sya kasi ang nagturo sakin na mgbukas ng beer na hindi gumagamit ng bottle opener. Kailangan ba sa lahat ng gagawin ko maaalala ko sya? Diba anfair yun?
Ininom ko ng tuloy tuloy ang laman ng bote hanggang mapangalahati ko ito. Tumulo nanaman ang mga luha ko. Shit kailan ba kayo titigil? Hindi ba kayo napapagod sa kakatulo? Kelan ba'to matatapos? Ininom ko ang natitirang laman ng bote at binuksan ang pangalawa. Bottom's up. Bubuksan ko na sana yung pangatlo kaya lang bigla akong nakaramdam ng matinding hilo. Napapikit ako at napahawak sa ulo ko..
And then everything went black.
ACE' POV
Bakit kaya sa mga ganitong pagkakataon lagi nlang ako ang lumalabas na masama? Bahala na nga sya. Kung ayaw nya edi wag!
Pinaandar ko na ang kotse ko at iniliko opposite kung san sya pumunta. Pero on second thought, hindi ko sya pwedeng pabayaan nlang. Una, babae sya. Pangalawa, lasing sya. Pangatlo, ayokong lamunin ako ng konsensya ko habangbuhay. At pang-apat kasi.. Basta! Kailangan ko syang sundan. Kasi naman! Napakapasaway talaga.
Nakita kong nakapark yung sasakyan nya sa harap ng isang convenient store. Ano naman kayang ginagawa nya dito?
Ipinark ko yung sasakyan ko sa kabilang side nung kalsada. Mahirap na baka makita pa nya ko. Isipin pa nya sinusundan ko sya. Nakita ko syang lumabas na may bitbit na plastic bag. Ano naman yun?
Pinaandar na nya ung kotse nya kaya sinundan ko sya. Huminto sya sa isang park. Ano ba naman 'to. Patambay tambay pa! Hindi na lang umuwi.
Naupo sya sa isang bench, malapit sa ilaw kaya kitang kita ko sya.
Bumaba ako sa sasakyan at umupo din sa isang bench. May isang bench sa pagitan namin. Siguradong hindi nya ko napapansin kasi malayo ako sa ilaw and besides, mukhang malalim ang iniisip nya. Napabuntong hininga ko. Nilabas nya yung laman nung plastic bag.
Teka. Beer ba yun? Gano ba kalaki ang atay nito? Isang truck? Ibang klase talaga 'tong babae na 'to. Teka umiiyak ba sya? Anak ng! Bakit sya umiiyak? Ayoko pa naman ng mga ganitong eksena. Napakadramatic! Romance and humor to! Hindi drama! Tsk.
Nung bubuksan na nya yung pangatlong bote, napagdesisyunan kong lapitan na sya. Pero nagulat ako ng bigla na lang sya nag-passed out.
Shit!
SELENA's POV
"How much do you love me?" tanong ko sa kanya.
"Four." sagot nya.
"Four?" nagtatakang tanong ko.
"Four-ever." Sabi nya na may malapad na ngiti sa labi.
"Weh, ang corny!" sabi ko sabay hampas sa braso nya. Pero ang totoo kinikilig ako. "Sana ganito na lang tayo four-ever." sabi ko pero hindi sya sumagot.
BINABASA MO ANG
Who's My Destiny?
RomanceYou'll never know who's meant for you until your heart speaks for itself. ** ForbiddenApple21xx