If you love something, set it free. If it comes back, it's for you. But if it doesn't, then it's never meant to be~
**
I took a glance on him as he silently drove our way to Tagaytay.
Chinito eyes, matangos ilong, cute chin, his hair matches his face. Sa totoo lang, hindi naman sya panget. May itsura sya. I mean.. Sige na nga. Gwapo. Gwapo sya. Wait.. Am I checking him out?
Sakto napatingin sya sa side ko. Bigla ako napaiwas ng tingin. Tek! Pulang pula siguro ko ngayon.
"Why?" tanong nya.
"Why what?" balik tanong ko nang hindi tumitingin sa kanya.
"Why are you blushing?"
"I'm not."
"Yes you are."
"I.AM.NOT."
"I caught you staring at me. Am I that handsome?"
Lalo kong namula. Oo, inadmit ko kaninang gwapo nga sya. Pero, hindi ko yun aaminin sa kanya. NEVER!
"HAHAHA. It's good to see you blushing like that."
"Pwede ba. Hindi ako nagba-blush. Natural color ko to."
"Sabi mo e." sabi nya tsaka sya naggrin. Argh!
Mahaba haba din ang naging byahe namen kaya gabi na kame nakarating dun. Tinawagan ko si ate to inform her na baka next day na ko makauwi kase nasa Tagaytay kami pero mukhang hindi naman sya nagulat. Parang alam nya talagang sa malayo kame pupunta. Weird.
Sinalubong kame ng isang babae. Sa tantya ko ka age ko lang sya. Well, maganda sya. Makinis. Matangkad. She looks decent. Mukang may pinagaralan.
Lumapit sya kay Ace at niyakap ito. Er. Awkward.
Nakasandal lang ako sa may kotse ng tawagin ako ni Ace para ipakilala sa kanya. Parang medyo nagulat sya nang makita ako.
"Mitch, I want you to meet Selena. Selena, this is Mitch Monette Assuncion, my childhood friend." nagsmile sya at inoffer ang kamay saken. I accepted it.
"Hi. Nice to meet you." then she smiles
"Same here." sabi ko. She seems nice naman.
"C'mon, i prepared dinner." sabi nung Mitch.
**
"Tapos diba, lagi tayong tumatakas nun. Kase ayaw tayo paglaruin ng parents naten." sabi nung Mitch. Tapos nagtawanan silang dalawa.
Kumakain kame ngayon. Well, parang ako lang. Kase busy sila sa pagrereminisce nila. So sinama nya ko dito para lang iparinig saken yung memories nila? What a date. Oh! Hindi nga pala to date. Tss.
"Ikaw Selena, gano na kayo katagal magkakilala ni Ace?" baling sakin ni Mitch. Napatingin ako sa kanya.
"Recently lang. Hindi pa kame talaga lubusang magkakilala.."
"Oh, i'm surprised na dinala ka nya agad dito sa favorite place nya." she gave him a teasing smile.
Alin ang favorite place nya? Itong bahay na 'to o sa piling mo? -.-
"She's kinda special, you know." sabi ni Ace kay Mitch.
Ewan ko kung ano yung naramdaman ko nung sabihin nya yun. Flattered? Siguro. Pero nung napatingin ako kay Mitch parang nag iba yung aura nya. Parang naging dark. Base dun sa facial expression nya, parang nairita sya. Pero she manage to smile pa din.
After that awkward conversation, nagpaalam si Ace na aakyat muna sa room na tutulugan nya. Syempre, magkahiwalay kame ng room. Asa sya.
Ako naman, hinatid ni Mitch sa magiging room ko. Pumasok kaming dalawa sa loob saka nya inilock yung pinto. Tiningnan nya ko from head to toe, na parang ineexamine ako.
"I didn't expected na may kasama syang dadating dito. When he texted me yesterday, I thought na sya lang ang pupunta dito para makita 'ko." sabi nya. Nakasandal sya sa pinto tapos naka crossed arms. Ewan ko, pero parang may feeling ako na hindi maganda. Or ako lang yon?
"Ah, sorry ha? Di ko din naman alam na dito kame pupunta."
"Tapatin mo nga ko, girlfriend ka ba nya?"
"Ah hindi, kelan nga lang kame nagkakilala diba? Pano nya ko magiging girlfriend?" sinubukan kong hindi pansinin yung pagtataray nya. Sabi ko na e. Sabi ko na.
"Then why did he bring you here?"
"I don't know. Why don't you ask him?" Ugh! I'm starting to get annoyed.
"One question. Do you like him?"
"Ofcourse not! I barely know him, so how would I like him?"
"Good. Because his already mine. Bata pa lang kame nakatakda na kame para sa isa't isa. Kaya wag ka nang umeksena." sabi nya sabay walk out.
I knew it! Sabi ko na nga ba, fishing sya! Grr. Bagay nga sa kanya yung name nya.
MITCH the BITCH.
Hindi ko na lang pinansin ang mga sinabi nya. Binuksan ko yung back pack ko to find out na wala akong dalang damit. Sh*t. Bat ko nga ba nakalimutang bumili? Ugh!
*knock knock*
"Come in." o diba? Parang nasa sariling bahay lang.
Pumasok si Ace na may dalang medium sized bag. Bag ko yun ah?
"Here."
"Teka.. Panong--"
"Pinahanda 'to kanina ng ate mo kay Ate Menchie."
Ah! Kaya naman pala hindi nagulat si ate nung tinawagan ko sya alam pala nya. E bakit tinatanong pa nya kanina kung san ko gusto pumunta e naka-plan na pala 'to? Labo.
"Thanks." sabi ko na lang.
"No problem. Magpahinga ka na. May pupuntahan pa tayo bukas." then he winks.
Tss. Why does he keep on doing that? Nagpapacute ba sya? Infairness. Effective. :P
After kong magshower, nagpahinga na ko. I knew we'll have a long day tomorrow.
**
Hello hello, Bitches! No cliffhanger. :D
Vote. And. Comment. Yan ang buhay ko.<3
**
MansanasBenteUno<3
BINABASA MO ANG
Who's My Destiny?
Storie d'amoreYou'll never know who's meant for you until your heart speaks for itself. ** ForbiddenApple21xx