WMD4 - Moving forward

133 15 9
                                    

"What are you doing here?"

"Oh hello to you too, sister." sabi nya na tuloy tuloy na pumasok sa kwarto ko.

Meet Stephanie Kaye. My one and only sister.

"Bakit ka nandito, ate?"

"I know that you know why I'm here?" sabi nya tsaka nya ko tiningnan straight sa mata.

"So alam mo na pala.."

"I know everything, Ynna. And I know that your wasting your damn life because of that guy."

"Pwede wag muna ngayon?"

"So kelan? Kelan mo isasaksak dyan sa kokote mo na tapos na ang lahat sa inyo."

"I-I Love him.."

"Right. Mahal mo sya. Pero sa kabila ng pagmamahal mo sa kanya, he dump you. Mom even told you to stay away from that guy but what did you do? Hindi ka nakinig. Now what? Ynna you'll have to face the reality that life is not all about love. It's not all about you and him. If he doesn't want you anymore then let him go. What's the purpose of holding on to someone who's not even coming back? Pinapahirapan mo lang yung sarili mo e. Gumising ka nga."

"P-pero ate hindi ko kaya.. Hindi ko kayang basta kalimutan na lang yung tatlong taong pnagsamahan namin.. Hindi ko kayang.. hindi ko kayang mabuhay ng wala sya."

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Ang sakit. Masakit kase hindi ko kayang tanggapin ang katotohanan.. Na hindi na nya ko mahal.. Na hindi na katulad ng dati ang lahat..

"That's crazy! 17 years kang nabuhay ng wala sya, kaya pano mo nasasabing hindi mo kaya? Look. Yung 3 years na pnapahalagahan mo, itinapon lang nya. BINALEWALA! Kaya tama na yang kalokohan mo."

Ayokong maniwala sa sinasabi ni ate. Gusto kong panghawakan yung konting pag-asa, kahit konti lang, na may natitira pa syang pagmamahal sken.

"Hindi mo kse ko naiintindihan e."

"No Ynna, I am fully aware of your situation. Nakalimutan mo na ba? Pinagdaanan ko dn yan. But not like you nagpaka-mature ako. For him to see how stupid he was for leaving me. Pinakita ko sa kanya kung ano yung dapat nyang panghinayangan." Lumapit sya saken. "Kaya nga mas mataas ito.." sabay turo sa ulo ko.. "kaysa dito.." sabay turo sa leftside ng dibdib ko.. "kase mas alam ng utak kung ano ang tama. Kase ang puso puro emosyon lang yan. Kung magpapadala ka, talo ka. Ynna sundin mo nlang yung snasabi ko kase iyon ang makakabuti sayo, trust me. Wag mong hntaying umuwi pa sila mommy dito para sila ang kumausap sayo. I know that's the last thing you wanted to happen, right?"

Unti-unting naglaho ang pag-asa sa puso ko. Feeling ko lahat ng sakit na naramdaman ko sa loob ng 3 months, lahat yon naramdaman ko ngayon. Ang bigat.

Isa pa, ayoko ding umabot sa point na umuwi pa ang parents ko dahil sa problema ko kase for sure, worst things will happen. Alam ko namang may point si ate e. Kailangan ko na mag-move on. Pero paano ko sisimulan?

-

Dedic Dedic. First to vote this chapter and I'll dedicate this to you. *wink*

xx

WMD4 Done @ 1:35 am, 10-15-14. Happy 10 months my Angel. <3

-FA21xx

Who's My Destiny?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon