CHAPTER 30 : Sorry

74 1 1
                                    

Cyrisse's POV

"Uuuy."-nakakalokong sabi ni Sheena nang makita namin si Jam na nakaabang sa harap ng school namin.

Napangiti ako. Ang cute niya talaga!

Niyugyog ako ng magaling kong mga kaibigan. Ano baaaa. Kinikilig pa ako ee.

Tsaka nakakahiya kay cruusssh. Wahaha. Ang landi ko.

Humakbang ako patungo sa kanya. Close na ata kami. Hihihi.

"Hi.."-nahihiya kong sabi.

Tumawa siya at ginulo ang buhok ko. Eeeeeeeeeeeee, ang bango niya talaga~

Sumimangot ako at inayos ang buhok ko. "Ikaw talaga! Sira na tuloy ang buhok ko"

Pero syempre, kunwari lang lahat ng yun. Kinikilig ako SOBRA.

Sus Jam!!!! Okay lang na magulong magulo ang buhok ko basta ikaw ang gugulo. Emegesh. Lab lyf na itu.

"Maganda parin naman kahit magulo"- sabi niya

Isa nalang. Titili ako. Oh my gossssh. Thank you thank you thank youuuuu!

"Uhm. Bakit ka pala naparito?"-tanong ko. Chos lang.

"Sobra."

Napakunot ang noo ko. "Huh?"

"Sobra kitang namiss."

Napatili ako pero yung pigil lang. Mahirap na. At tsaka nakakahiya kay crush.

Konti nalang. Konti nalang. Ako na talaga ang manliligaw sa kanya. Tae.

"Di mo ba ako namiss?"-tanong niya. Sssshiiizzz. Bat ang gwapo niyaaaaa?

"Namiss kita syempre!"

Namula ako sa sinabi ko. Eh honest na bata ako. Wala kayong magagawa. Pakapalan na ng mukha to.

Tumawa na naman siya. Eeeeeh. Nakakahiya na talaga.

"At dahil namiss natin ang isa't isa, date tayo."

"Date?"

"Oo date."-ngumiti siya at hinila ako papunta sa motorbike niya.

Isinuot niya ang helmet sa ulo ko. Tulala ako habang tumalikod siya at sinuot yung sa kanya.

Date daw??? OHEMGEEEEEEEE.

Hindi na ata matanggal ang ngiti sa labi ko. This is love. Hihihi.

**

'Don't you know that I want to be more than just your friend~'

"Anong gusto mo miss?"-tanong niya.

Nandito kami sa isang tahimik na cafe.

Tanging aircon lang, boses ni Juris at  ilang mga tao sa kabilang table ang tanging ingay dito.

'Holding hands is fine but I've got better things, on my mind'

"Ikaw nalang ang umorder para sakin. Thanks Jam"

Tumayo siya para pumunta doon sa mga pagpipilian.

'You know it can happen if you'll only see me in a different light~'

Napapikit ako para damdamin ang musika. Ang ganda ng boses ni Juris. Bagay ata sa akin ang kanta na to.

'Baby when we finally get together you will see that i was right~'

Ngumiti ako kahit naka pikit ang mga mata ko.

'Say you love me you know that it could be nice~'

A-K-O= ang babaeng sinayang mo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon