Chapter One

3.7K 67 1
                                    


MALAKAS na bumuntong-hininga si Daena bago tuluyang bumangon sa kama. Suko na siya sa pagpipilit sa sariling matulog. She arrived in the Philippines two hours ago. Kasama ng kaibigang si Robin Marquez na isang events producer, dinayo nila sa London ang sikat na international Filipino classical musician at composer na si Tamara na kanya ring pinsan at ang agent nitong si Fiona. Pinag-usapan nila ang magiging concert ni Tamara sa Pilipinas sa unang pagkakataon. Hindi siya makatulog dahil timezone pa ng London ang nasa sistema niya at dahil na rin sa excitement sa magaganap na concert sa kalagitnaan ng taon.
Hindi lingid sa kanya na ilang malalaking events management firm sa bansa ang sumubok na kumausap kay Fiona para i-produce ng concert ni Tamara, pero “No” kaagad ang sagot nito dahil marami pa raw naka-line up na proyekto ang pinsan niya. Nang siya naman ang kumausap kay Tamara dahil nagpatulong si Robin sa kanya ay tinanggihan din siya nito sa pareho pa ring dahilan. Pero ramdam niya na may iba pang dahilan si Tamara kaya tila ayaw na nitong bumalik pa sa Pilipinas. Gayunman ay hindi na siya nagpumilit pa. Hanggang sa isang araw ay nagulat na lamang siya nang bigla siyang tawagan ni Tamara at sinabi nitong pumapayag na itong mag-concert sa Pilipinas kaya kaagad niyang tinawagan si Robin.
Gusto ni Tamara na isa siya sa magpo-produce ng concert, and of course she said yes. Partners sila ni Robin. She had worked in a big events management firm in the country and produced various events in the past but it was the first time that she was going to produce a concert. Although, mas malaki ang magiging shares ng kompanya ni Robin, malaking bahagi pa rin ng savings niya na mula sa ilang taong pagtatrabaho at kita sa mga investments niya sa stock market ang magagalaw.  But she was sure that the concert was going to be a hit. Libo-libong panatiko ng classical music sa Pilipinas partikular na ng musika ni Tamara ang matagal nang umaasam na sa Pilipinas naman ito magtanghal na ngayon ay mangyayari na nga.
Pero ilang taon na ring hindi aktibo sa events industry  si Daena dahil nawili siya sa mabilis at exciting na mundo ng TV production. Sa kasalukuyan ay associate producer siya sa dalawang top-rated shows ng RPS Network na isang malaking TV network sa bansa.
Matapos maisuot ang eye glasses, lumabas ng silid si Daena at nagtungo sa kusina upang magtimpla ng warm milk. Binuksan na rin niya ang food cabinet nang biglang makaramdam ng gutom.  Pero bukod sa ilang lata ng corned beef, liver spread at condiments ay wala na siyang ibang makikita roon na maaring kainin kaagad. Ang refrigerator niya naman ay wala ring laman at naka-unplugged pa dahil halos isang linggo din siyang nag-stay sa London. Nagdesisyon siyang lumabas na lamang. Alas-nueve pa lang ng gabi siguradong bukas pa ang suki niyang bakeshop na matatagpuan sa ibaba ng condominium building na tinitirhan niya.
She put on a new shirt and shorts, gathered her shoulder length hair in a bun, grabbed her keys, cell phone and wallet and left. Hindi na siya nag-abala pang mag-ayos dahil wala naman siyang pagagandahan sa ibaba at bibili lang naman siya ng makakain.
YA Building and condominium where she was living for almost four years was located in one of the busy streets in Ortigas Center. Ipinasa sa kanya ng ex-boyfriend niyang si Fran ang unit na tinitirhan niya matapos niya itong biruin na ibenta na lang iyon sa kanya dahil malapit lang iyon sa workplace niya.  Nagdesisyon kasing tumira na lang sa probinsya nila sa Bicol ang nanay niya nang maging successful ang restaurant na itinayo nito at ng mga kapatid nito. Pinayagaan naman niya ito dahil alam niyang mas magiging masaya ito sa piling ng mga kamag-anak nila kaysa sa kanya na laging ginagabi ng uwi dahil sa trabaho. Fran purchased the unit as an investment at halos hindi rin naman nito iyon nauuwian kaya pumayag ito.
Pagpasok pa lamang sa Frances’ ay tila gusto na niyang pagsisihan kung bakit hindi man lang siya nag-ayos. Ang dami kasing cute yuppies na customers ng bakeshop ng mga oras na iyon na mukhang kalalabas lang ng opisina at nagpapalipas lang ng oras. Although busy siya sa trabaho at hindi masyadong priority ang pagkakaroon ng boyfriend, walang masama kung magpapa-cute siya paminsan-minsan.
Dumiretso na si Daena  sa counter at pumila. Habang nakapila ay patuloy pa rin siya sa pagmamasid sa paligid. Hanggang sa maagaw ng atensyon niya ang isang matangkad na lalaki na abala sa pagtingin sa mga cakes na naka-display sa eskaparate ilang dipa ang layo sa kanya. Maraming customers lalo na ang mga babae ang nakatingin dito kaya rin niya ito napansin. The man was tanned, handsome and tall, and the body of someone who frequently visits the gym. Although naka-sideview ito sa kanya, may stubbles na halos sumakop na sa buong mukha nito, at lagpas batok ang medyo kulot nitong buhok, litaw na litaw pa rin ang nag-uumapaw nitong sex appeal.
Umandar na ang pila kaya mas lalo pang napalapit si Daena sa lalaki. Kapagkuwan ay bigla itong tumingin sa direksiyon niya at huling-huli siya nitong nakatingin dito. Pero imbes na mapahiya at magbawi ng tingin ay hindi niya nagawang alisin ang tingin dito pagkakita sa asul na mga mata nito. She was suddenly remembered a boy in the past because of those eyes. Na normal nang nangyayari sa kanya sa tuwing nakakakita siya ng blue eyed men. Kumunot ang noo nito ngunit nanatili pa ring nakatingin siya rito. There was something familiar about him. Hindi niya lang maisip kaagad kung ano bukod sa mga mata nito.
Pero kaagad ding nagbawi ng tingin ang lalaki nang biglang tumunog ang hawak nitong cell phone.
“Yes, bro?” sabi nito sa American accent nang sagutin nito ang cell phone nito. Naglakad na ito palabas ng shop. May panghihinayang sa dibdib na napasunod na lang siya ng tingin sa lalaki.
“Good evening, what’s your order, Ma’am?” Kaagad na nagbawi siya ng tingin ng marinig ang tinig ng kahera. Humakbang siya palapit at sinabi ang order niya.

Reunited Hearts (Unedited. To be Published under PHR.Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon