PATAPOS na ang production meeting ng Today's People nang makatanggap si Daena ng text mula kay Ethan. Ayon sa text ng kaibigan ay kasalukuyan itong nasa coffee shop na nasa ground floor ng TV network na pinagtatrabahuhan nila. Pinapapunta siya nito roon pagkatapos ng meeting niya dahil may importante raw itong sasabihin sa kanya.
Nag "OK" siya rito kahit may sama pa rin siya ng loob sa lalaki. Pagkatapos nga ng meeting ay kaagad nang nagtungo si Daena sa coffee shop. Ngunit sa bukana pa lang ay gusto na niyang umurong nang makitang may iba pang kasama si Ethan sa table bukod dito, si JD. Nakita kaagad siya ni Ethan at kinawayan kaya napilitan siyang lumapit.
"Thanks for coming," sabi ni Ethan na kaagad tumayo at pinaghila si Daena ng silya. Naupo siya at iniwasang tumingin sa direksyon ni JD.
"Hi, Daena," narinig niyang bati ni JD pero hindi niya ito pinansin.
"That's for you," nanatiling nakatayong sabi ni Ethan. Itinuro nito ang isang take-out coffee na nakapatong sa mesa sa harap niya.
"Thanks. So, ano 'yong sasabihin mo, Ethan?" tanong niya.
"Actually, si JD ang may sasabihin." Tumingin si Ethan kay JD. Kaagad niyang napagtanto na sinet-up siya ni Ethan.
"Maiwan ko na muna kayo." Mabilis na dinampot ni Ethan ang iniinom na iced coffee sa ibabaw ng table at umalis. Bago pa makapag-react si Daena ay nakalayo na si Ethan.
"Don't get mad at Ethan, Daena," sabi ni JD. "Nagpatulong lang ako sa kanya para makausap ka. Baka kasi iwasan mo ako."
Pigil ang inis na tumingin siya kay JD. "Bakit naman kita iiwasan?" pagmamaang-maangan niya.
"Because I know you hate me."
Mabuti alam mo.
"Are you talking about the past? Ang tagal na no'n, Jericho. Halos hindi na nga kita naalala," pagsisinungaling niya.
"Pero ako hindi kita nakalimutan pati na ang naging kasalanan ko sa 'yo."
"Really? Kaya pala hindi mo man lang ako namukhaan noong magkita tayo sa Frances'," pa-sarcastic na sabi niya.
"Because you changed a lot. And my mind was preoccupied with something and my cousin was suddenly called that's why I didn't notice you that night."
Hindi siya kumibo.
"I owe you an apology, Daena. Yes, matagal na 'yon but up to now guilty pa rin ako dahil ako ang dahilan kung bakit bumaba ang mga grades mo at nagkarecord ka sa guidance office. And for clarification, wala kaming naging relasyon ni... I forgot her name. Sumama lang ako sa grupo nila during recess dahil nagpa-tutor sila sa akin. And she was just kissed me when you caught us sa tambayan natin. But before that, I already decided to leave before I totally ruin your life. I thought you better off without me. Kaya hindi na rin ako nagpaliwanag sa nakita mo bago umalis. It would be hard for me to leave kaya hindi ako nagpaalam sa 'yo."
Ilang beses siyang umasam na marinig ang paliwanag ni Jericho. She never ever believed it could actually happen. Nakita niya ang sinseridad sa mga mata nito na nagsasabi ito ng totoo. Tila biglang lumipad sa kung saan ang nabuhay na galit na naramdaman niya nang muli itong makita. "I'm really sorry, Daena," sabi pa nito.
Ilang sandali pa ang lumipas na nakatingin lang siya kay JD. Kapagkuwan ay napabuntong-hininga siya. "All right."
Nanlaki ang mga mata nito sa narinig. "Am I forgiven?" puno ng pag-asang sabi nito.
"Ikaw na rin ang nagsabi, matagal na 'yon. And I'm successful now in my choosen career. What happened before was just part of the past."
Relieved na ngumiti ito. "Thank you, Daena!"
BINABASA MO ANG
Reunited Hearts (Unedited. To be Published under PHR.Completed)
RomanceIpinangako ni Daena sa sarili na sa oras na makatagpo siya ng lalaking katulad ng ex-boyfriend niyang si Fran na almost perfect at mahal siya ay hindi na niya ito pakakawalan.Gagawin niya ang lahat upang hindi ito mawala sa kanya. Nakipaghiwalay...