EXCITED na kumatok si JD sa unit ni Daena para sunduin ito. Today was the day of PBA Annual Rookie Draft at sasamahan siya ng nobya sa venue. Pupunta rin ang mga pinsan niya at asawa ng mga ito pero magkikita-kita na lang sila sa Robinsons Place - Manila kung saan gaganapin ang event. He was so excited and nervous at the same time.
Inaasahan na niya na may team na magda-draft sa kanya. Partikular na ang Energy Lightnings na defending champion sa nakaraang conference. Hindi lingid sa kanya na nag-trade ng mga players ang team para lang makuha ang karapatan sa second overall pick sa taong iyon at mai-draft siya. Ang sister team ng Energy Lighnings ang may hawak ng first overall pick at inaasahan na ng lahat na hindi siya ang ida-draft ng team dahil isang forward ang kailangan ng mga ito. Center ang position niya. Kinausap na rin ng team manager ng Energy Lightnings ang agent niya para sa magiging kontrata niya, and it was a good deal. If ever, he will receive the maximum salary for the rookie.
Pero bukod sa rookie draft ay may iba pa siyang plano sa gabing iyon. Kinapa niya ang maliit na box na nasa secret pocket ng suot niyang dinner jacket. Napangiti siya nang masigurong naroon pa rin iyon. He was going to propose to Daena tonight. Pinadecorate na niya ang isa sa hotel room sa Monteclaro Hotel–Manila na pag-aari ng pamilya niya. Doon niya balak dalhin si Daena pagkatapos ng dinner kasama ng family niya o ng bago niyang teammates sakaling ma-draft siya. Pero kung ano man ang maging resulta ng draft ay tuloy pa rin ang plano niya. O kung sakaling hindi siya palaring makapasok sa PBA ay okay lang sa kanya. Tatanggapin na lang niya ang alok ng isa sa dalawang team sa D-League na kumukuha sa kanya. Pareho rin namang maganda ang offers ng dalawang team. Going back in the ABL or playing in other country was not his option anymore. Mananatili siya sa Manila o kahit saang lugar kung nasaan naroon si Daena. He was intended to spend his lifetime with her.
Ipinagpatuloy ni JD ang pagkatok sa pinto. Ngunit ilang sandali pa ang lumipas ngunit hindi pa rin siya pinagbubuksan ng pinto ng nobya. Nakakunot ang noong inilabas niya ang kanyang cell phone upang tawagan ito. Noon niya nakitang may tatlong missed calls ito sa kanya. Kaagad siyang nag-return call dito. Nakadalawang missed calls muna siya bago nito sinagot ang cell phone nito.
"Hey, where are you?" tanong niya rito.
"At the airport. Sa domestic."
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. "What? Airport? Ano'ng ginagawa mo d'yan?"
"I'm sorry, JD, but I'm on my way to Palawan. Ethan called me up. He needs me."
Natigilan siya at kaagad sumama ang loob sa narinig. "Today is the rookie draft, remember? And I'm your boyfriend, Daena. I need you, too," bahagyang tumaas ang boses na sabi niya.
"It's not what you think, JD. Trabaho ang pupuntahan ko sa Palawan. I'm so sorry. Babawi na lang ako sa 'yo pagbalik ko."
Napatimbagang siya. "Pero ngayon kita kailangan."
Isang nahihirapang buntong-hininga ang pinakawalan nito. "Please, huwag kang magalit. Work related naman 'to."
Hindi siya kumibo. Namagitan sa kanila ang sandaling katahimikan.
"Hey, I have to go. Good luck and I love you!" kapagkuwan ay sabi nito at nawala na sa kabilang linya.
Ipinamulsa na niya ang hawak na cell phone at mabigat ang mga paang umalis na siya sa labas ng unit upang magtungo sa venue ng rookie draft.
"KAYO na talaga? Nagkabalikan na kayo?" Halos hindi makapaniwalang tanong ni Daena habang kaharap sina Ethan at Tamara sa loob ng isang log house sa Jason Paradise.
Magkahawak ang mga kamay na nagkatinginan muna ang mga ito bago halos sabay na tumango.
"Ay!" Hindi niya napigilan ang sariling mapatili. Higit kanino man, siya ang pinakamasaya sa pangyayaring iyon. Hindi nga siya nagkamali na mahal pa rin ng dalawa ang isa't–isa. Magkasunod na niyakap niya ang mga ito. Pagkatapos ay pinagkuwento pa niya kung paano nagkaayos ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Reunited Hearts (Unedited. To be Published under PHR.Completed)
RomanceIpinangako ni Daena sa sarili na sa oras na makatagpo siya ng lalaking katulad ng ex-boyfriend niyang si Fran na almost perfect at mahal siya ay hindi na niya ito pakakawalan.Gagawin niya ang lahat upang hindi ito mawala sa kanya. Nakipaghiwalay...