Chapter Two

1.5K 47 1
                                    

PATUNGO sa video room ng studio five si Daena nang makasalubong niya si Ethan Escobar na host ng Today’s People, isang top-rated late night talk show. Isa sa dalawang show na pinagtatrabahuhan niya ang Today's People. Ang isa pa ay noontime variety show na ipinapalabas tuwing Lunes hanggang Sabado na siyang umuubos ng mas marami niyang oras. Parehong producer si Daena sa dalawang show.
“Hi, Daena," kangiting bati ni Ethan.
“Hi!” nakangiti rin niyang bati. May taping sila ng hapong iyon. Every Saturday night ang airing ng Today’s People at ayon sa survey ng isang TV rating company ay middle-class households ang karamihan sa viewers nila na siya naman talagang target viewers nila magmula ng umere ang show more than three years ago.
“Na-meet mo na ba ang guest natin?” tanong ni Ethan matapos nilang magbeso.
“Hindi pa.” Dahil kababalik lang niya sa trabaho hindi siya aware kung sino-sino ang magiging guests nila sa mga susunod nilang episodes pero batid niya na isang atleta na nagngangalang JD Fortez ang bisita nila. At dahil madalas na nanggagaling siya sa katatapos lang na noontime show sa tuwing may taping sila, bihirang-bihira lang na nagkakaroon siya ng time para makisalamuha sa mga ito dahil sumasabak kaagad siya sa trabaho. Pero kilala na si Daena sa TV production and entertainment industry dahil na rin sa dami ng mga shows na napagtrabahuhan niya bilang production assistant, researcher, writer, editor at ngayon nga ay associate producer.
“Papunta ako dressing room niya ngayon. Halika samahan mo ako,” sabi ni Ethan. Hindi nagawang tumanggi ni Daena nang hawakan siya sa kamay ni Ethan at hilahin patungo sa dressing room ng guest nila.Matalik na kaibigan niya ang binata. Naging magkaklase pa sila nito at ni Fran noong high school kaya komportable na sila sa isa’t-isa
           “Bakit kailangan ko pang sumama?” nagtatakang tanong niya. Nakagawian na ni Ethan ang pag-welcome at sandaling nakikipagkuwentuhan sa mga nagiging guest nila bago sumalang ang mga ito sa camera.
“Basta.”
             Nanatiling hawak ni Ethan ang kamay niya hanggang sa makarating sila sa labas ng isang pinto na may nakasulat na JD Fortez. Naabutan nilang naglalabasan ang ilang empleyado ng istasyon at mga staff and crew ng show na marahil ay nagpa-autograph at nagpa-picture sa bisita nila. Nakangiti ang mga ito at ang iba ay kinikilig pa. 
Daena didn’t know much about JD Fortez except that the guy was a product endorser and model, half-Filipino, half-Italian professional basketball player who grew up in the States. Nabasa niya iyon sa script kanina. Ni hindi pa niya nakita ang picture nito pero base sa pagkakagulo ng mga kababaihan at miyembro ng third sex sa paligid,inaasahan niya na guwapo o hunk ang lalaki.
               On Today’s People, they only invited interesting and controversial individuals from all the sectors in the country or even Hollywood celebrities. Pumasa marahil sa pamantayan ng show nila si JD Fortez kaya ito naimbitahan.
Hinintay muna nilang makalabas ang lahat bago sila pumasok ni Ethan sa loob. Nadatnan nilang nakaupo sa isang arm chair ang isang early thirties na lalaki na naka-long sleeve at hindi maikakailang miyembro ng third sex.
“Hi, Ethan! Hi, Daena!” nakangiting bati ng lalaki na kaagad tumayo nang makita sila.
“Hi, Richie!” bati ni Daena. Nagbeso sila nito at nakipagkamay naman ito kay Ethan. Richie Montes was a talent manager of some famous sports personalities in the country. Matagal na rin niyang kaibigan si Richie dahil naging magka-org sila noon sa UP Diliman at isa siya sa unang nakabisto rito noon na berde ang dugo nito.
“Nasa CR pa si JD,” imporma ni Richie na nahulaan kaagad ang dahilan ng pagpunta nila roon.
“Okay. Hihintayin na lang namin siya,” sabi ni Ethan. Sumandal ito sa edge ng vanity table at itinuon ang atensyon sa hawak na cell phone. Nag-chikahan naman sila ni Richie tungkol sa talent nito.
“Saan mo naman nakilala ang talent mo?” usisia ni Daena.
“Sa Thailand. He was playing for PH Patriots that time in ABL.”
“ABL?”
“ASEAN Basketball League, sister. Men’s professional basketball league ‘yon sa Southeast Asia at Taiwan.”
“I am not familiar. PBA at NBA lang ang alam ko.”
“Ako nga rin noong una, eh. Anyway, when I saw him two years ago, inalok ko kaagad siya na magmodelo because he was so hot and handsome. At first, he refused to my offer. Kinulit ko siya nang kinulit pero ayaw pa rin. Nagbago lang bigla ang desisyon niya noong magkaroon siya ng offer sa isang sports magazine na i-feature siya. He accepted the it. Later on, nakumbinsi ko rin siyang maging product endorser.” 
“I see.” Nang tumunog ang cell phone ni Richie ay sinagot nito iyon at sumenyas na lalabas muna ito ng silid.
“Bakit nagpasama ka pa sa akin dito?” tanong niya kay Ethan nang mapagsolo sila. “Lalabas na ako, baka hanapin ako ni Ma’am Judy,” tukoy niya sa executive producer nila.
“Mamaya na. Sandali lang ito. I just want you to meet JD,” tugon ni Ethan  na nakatutok pa rin ang mga mata sa cell phone.
Napapantastikuhang naupo si Daena sa couch na nasa gilid ng pinto.  Kapagkuwan ay napatingin sila sa direksyon ng comfort room nang makarinig ng mga yabag na papalapit. Ilang sandali pa ay bumungad ang isang matangkad na lalaki na nag-uumapaw sa sex appeal. Kaagad siyang humanga sa kaguwapuhan nito. Umaliwalas ang mukha nito nang makita nito si Ethan na nasa kaliwa nito.
          "Ethan, bro!” masiglang bati ng lalaki at kaagad lumapit kay Ethan. Nag-high five ang mga ito at nagtapikan ng balikat na tila matagal nang magkakilala.
Natigilan siya nang mapagmasdan nang husto ang lalaki. Same body builds and blue eyes. Minus the long hair and the beard. Crew cut na at clean-shaven na ito ngayon pero walang dudang ito rin ang lalaking na-encounter niya sa Frances’ few days ago. Good thing she wore a fashionable clothes this time at nakapag-make up din siya. Kumpara sa usual attire niya na T-shirt at jeans kapag nasa variety show siya.
“Si Daena, bro?” tanong ng lalaki.
Napakunot-noo siya sa narinig. Saka naman inginuso ni Ethan ang direksyon niya. Natitigilang nilapitan siya ng lalaki.
“Ikaw si Daena? Ikaw ‘yong sa Frances’, ‘di ba?” bakas ang pagkamangha sa tinig na sabi nito.
“Yes,” natitigilan ding sambit niya. Again, there was something familiar about the guy habang nakatitig siya sa mukha nito.  
" You don’t recognize him, Daena?” Napatingin siya kay Ethan nang marinig ang tanong nito. Pero kaagad ding nagbalik ang tingin niya kay JD nang makitang nakangisi si Ethan na tila may alam ito na hindi niya alam.
“No. But…” Biglang unti-unting naging pamilyar ito sa kanya. The thick eye brows, the big blue eyes, pointed nose, full lips, and cleft chin. Tanned na ito ngayon at maskulado. Parang humaba lang ang mukha nito at mas tumangkad pero walang dudang ang nakikita niya ngayon ay adult version ng teenage boy na minsan na niyang itinuring na best friend. Kung hindi lang ito balbas sarado noong una niyang makita ay siguradong madali niya itong makikilala.
“He’s Jericho, Daena. Naging classmate natin siya noong third year high school tayo, remember?” Narinig niyang pagkompirma ni Ethan sa hinala niya.
Tumingin siya kay Ethan. Isang nakamamatay na tingin ang ipinukol niya rito. She felt so betrayed dahil hindi man lang siya nito sinabihan na makakaharap niya si Jericho!
“Hi, Daena,” alanganin ang ngiting sabi ni JD.
“I have to go,” sa halip na tugon niya at mabilis na tinungo ang pinto. Narinig pa niya ang pagtawag ng dalawang lalaki pero hindi niya pinansin ang mga ito at tuluyang lumabas ng dressing room. 
          She hated Jericho Denzel Fortez, lalaking unang nagparanas sa kanya ng heartbreak. Ang lalaki ang dahilan kung bakit muntik nang masira ang pag-aaral niya noong high school at kung bakit hindi siya ang naging class valedictorian.

Reunited Hearts (Unedited. To be Published under PHR.Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon