TUMINGIN si Daena sa sinisenyas ni Yanna na isa sa mga production assistants ng noontime show na pinagtatrabahuhan niya. Nang makitang si JD ang sinisenyas nito na kasalukuyang kausap ng isa sa mga host ng show ay ibinalik niya ang tingin kay Yanna at tinanguhan ito.
Kanina pa niya alam na nanonood ng show si JD dahil nakita niya ang pagdating nito. Inakala siguro ni Yanna na siya ang pinuntahan ng lalaki. Katrabaho rin niya si Yanna sa Today's People at ang pagkakaalam nito ay dati niyang nobyo si JD dahil iyon ang pinagkalat ni Ethan.
Ibinalik niya ang tingin sa binabasang script para sa huling segment ng show. Kasalukuyang commercial break at kauumpisa pa lang ng live telecast na tatagal ng dalawa at kalahating oras. Nang masigurong maayos ang script, ibinigay na niya iyon sa isa sa mga staff para mailagay sa prompter. Pagkatapos ay naglakad na si Daena patungo sa backstage. Hindi niya naiwasang mapatingin sa direksyon ni JD na kasalukuyan nang nakaupo sa pinakadulo ng front row sa left side ng audience. Nakatingin din pala ito sa kanya at nagtagpo ang kanilang mga mata. He smiled and she smiled back. Tinanguhan pa niya ito bago tuluyang lumiko sa pasilyo patungo sa backstage.
Mabilis na lumipas ang mga oras at natapos ang show na pabalik-balik si Daena sa backstage, sa mainset at sa video room. She was feeling tired pero hindi pa roon basta natatapos ang trabaho niya. Marami pang gagawin at may meeting pa ang buong production team para pagplanuhan ang mga susunod na mangyayari sa show.
Pabalik na sa backstage si Daena nang marinig niya ang tinig ni JD na humabol sa kanya. "Hi, Daena!" nakangiting sabi nito.
Huminto siya sa paglalakad at humarap dito. "Hi!" tugon niya.
"May interview ako sa kabilang studio kanina at nabanggit sa akin ni Ethan na nagtatrabaho ka rin dito kaya naisipan kong puntahan ka just to say 'Hi'," paliwanag nito.
Nagulat siya sa narinig. Pinuntahan siya nito roon para lang mag- Hi?
"O- okay," amused na sabi niya. "How was the interview then?"
"Okay naman. Sandali lang naman 'yon. Hey, tapos na ang show n'yo, 'di ba? Can I invite you for a coffee?"
Umiling siya. "Not yet. Marami pa kaming gagawin at baka abutin pa kami ng alas-singko ng hapon."
"Ganoon ba? Hmm... how about dinner with me tonight?"
Mabilis na nag-isip siya. Wala siyang lakad sa gabing iyon. At plano na talaga niyang mag-unwind at yayain sina Celeste na lumabas dahil pakiramdam niya ay masyado na siyang na-toxic sa trabaho nitong mga nakalipas na araw.
"Kahit sandali lang tayo," sabi pa ni JD bago pa siya makasagot.
"All right."
Kaagad nagliwanang ang mukha nito. "Can I pick you up at seven?"
"Okay." At sinabi niya rito ang unit number ng tinitirhan niyang condo. Alam na nito kung saang condo siya nakatira. Mabilis na naglabas ng cell phone si JD at hiningi rin ang number niya. Pagkatapos noon ay nagpaalam at umalis na ito.
Minutes later, nasa conference room na si Daena nang lapitan siya ni Yanna. Nilapag nito sa harapan niya ang isang takeout coffee at sandwich na halatang nagmula sa coffee shop na nasa ground floor ng istasyon.
"Pinabibigay ni JD," sabi nito.
"Talaga?" gulat na bulalas niya.
"Yup. Nagkita kami kanina sa baba kaya pinakiusap niya sa akin 'yan."
"Okay," napapangiting sabi niya. At sinimulan na niyang inumin ang kapeng ibinigay ni JD.
"SA WAKAS naisipan mo ring umuwi rito sa atin," nakangiting salubong ng nanay ni Daena pagbaba ng tricycle.
BINABASA MO ANG
Reunited Hearts (Unedited. To be Published under PHR.Completed)
RomanceIpinangako ni Daena sa sarili na sa oras na makatagpo siya ng lalaking katulad ng ex-boyfriend niyang si Fran na almost perfect at mahal siya ay hindi na niya ito pakakawalan.Gagawin niya ang lahat upang hindi ito mawala sa kanya. Nakipaghiwalay...