SAMPUNG taon pa lang si Daena nang maulila sa ama matapos maaksidente sa construction site na pinagtatrabahuhan nito bilang construction worker kaya ang kanyang ina ang mag-isang nagpalaki sa kanya. Parehong nanggaling sa mahirap na pamilya ang mga magulang ni Daena at hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Bukod doon ay may ashma pa ang ina niya kaya hindi makakuha ng magandang trabaho.
Ang pangaraw-araw nilang gastusing mag-ina ay kinukuha nila sa maliit nilang sari-sari store. Mabuti na lamang at regular nagpapadala ng pinansiyal na tulong si Uncle Pete, nag-iisang kapatid ng kanya ama na nagtatrabaho sa Amerika kaya hindi sila gaanong hirap sa buhay.
Nang mag-high school si Daena, si Uncle Pete niya ang nagpa-aral sa kanya sa isang private school. Ayon sa kuwento ng nanay niya, ang tatay niya ang matiyagang tumustos sa pag-aaral ng Uncle Pete. Kung ano-anong trabaho ang pinasok nito noon upang makapagtapos sa pag-aaral ang kapatid. Kaya nang maulila silang mag-ina ay sila naman ang tinulungan nito ngayon. Kapag school break ay nagbabakasyon siya sa bahay ng pamilya ni Uncle Pete sa Cebu kaya naging malapit sila ng nag-iisang anak nito na si Tamara.
Daena was beauty and brains, and a teacher's pet. Halos lahat ng mga kaklase niya ay kaibigan niya ngunit hindi siya gaanong nakikisalamuha sa mga ito dahil naiilang siya. Rich kid kasi ang lahat ng mga kaklase niya at saksakan ng aarte lalo na ang mga babae. Ang maituturing niyang pinakamalapit na mga kaibigan ay sina Ethan Jason Escobar at Franzen Jason Ocampo. Simple at very down-to-earth kasi ang mga ito kahit pa parehong nagmula sa maimpluwensiyang pamilya. Kasundong-kasundo niya ang dalawa sa pagkain ng street foods sa labas ng school nila. Tulad ni Daena ay hindi rin nawawala sa honor roll ang mga ito. Parehong campus crush ang dalawa pero first year high school pa lang siya ay immuned na siya sa kaguwapuhan ng mga ito.
Until Jericho Denzel Fortez entered the picture. Sa unang pagkakataon ay nagkaroon siya ng crush na hindi artista. Third year high school noon si Daena at kabubukas pa lang ng klase nang mag-transfer ito sa school nila. Nagmula sa Seattle, Washington si Jericho na half Filipino, half Italian. At ayon sa narinig niyang usap-usapan ng mga kaklase nila ay naging sakit ng ulo ito ng mga magulang nito kaya ipinadala ito sa Pilipinas. Kilala kaagad ito nina Ethan at Fran dahil family friend ng mga ito ang pamilya ng uncle ni Jericho. Jericho was come from wealthy family, too. Kay Ethan niya nalaman na pag-aari ng angkan nito ang mga kilalang chains of hotels, resorts, restaurants at bars na nagkalat sa buong Pilipinas at ilang parte ng Washington State sa Amerika.
Ilang araw pa lang si Jericho sa school nila ay naging popular na kaagad ito dahil marami ang na-curious dito. He was tall and very handsome but a silent type of guy. Ilang araw muna ang lumipas bago sila nagkaroon ng conversation nito. Ginawa kasi ng teacher nila na alphabetical ang sitting arrangement nila, at dahil parehong nagsisimula sa letter F ang mga last names nila ay naging magkatabi sila nito.
"Ang talino mo pala," papuri ni Jericho matapos ang klase nila. Na-perfect kasi niya ang quiz sa math subject nila.
"Hindi naman," naco-conscious na tugon niya rito sabay iwas ng tingin. Una niyang napansin ang asul na mga mata nito na tila malulusaw ka kung titigan mo.Nakatanghod si Jericho sa kanya. At amoy na amoy ang kabanguhan nito.
"Huwag kang maniwala d'yan, genius talaga 'yan," singit ni Ethan na nakaupo sa kaliwa niya.
"Oy, Daena. Highest ka na naman, manlibre ka ngayon," sabi naman ni Franzen habang lumalapit sa kanila dala ang bag nito. Naglalabasan na rin ang mga classmates nila para mag-recess.
"Ayoko nga. Kayo ang mayaman, eh," tanggi ni Daena. Tumayo na siya para magtungo sa canteen.
"My treat. Basta ba sasabay sa ating mag-recess si Daena," nakangiting sabi ni Jericho.
Nagulat siya sa narinig. Pero bago pa siya makasagot ay nauna nang magsalita si Franzen. "Sasama 'yan." Mabilis na naagaw nito sa kanya ang bag niya at nagpatiuna nang lumabas ng classroom.
Wala nang nagawa si Daena kundi sumama sa mga ito. Wala namang dahilan para tumanggi siya. Pagdating sa canteen, hinayaan nila ni Ethan na mag-order sina Jericho at Franzen para sa kanila.
"Sabi ni Fran mahilig ka raw sa Italian food kaya spaghetti ang binili ko para sa 'yo," sabi ni Jericho nang isilbi nito sa harapan niya ang isang plato ng spaghetti at garlic bread.
"Thanks," tipid ang ngiting tugon niya. Nagsimula na silang kumain. Hinayaan niyang mag-usap ang tatlong lalaki dahil hindi naman niya kilala ang mga taong pinag-uusapan ng mga ito.
Pagkatapos nilang kumain, dahil mahaba pa ang oras ng break time nila isinama pa si Daena nina Ethan sa volleyball gym para manood ng practice game ng ate ni Fran na si Denise na varsity player ng school nila.
Nadatnan nila na nakaupo sa isa sa mga bleacher si Bernard Jason Narvantez na isa sa mga dating heartthrob ng school at kabarkada nina Ethan at Fran.Noong nakaraang taon pa grumaduate si Bernard pero madalas pa rin itong pumupunta sa school nila para manood ng mga game ni Denise na matalik nitong kaibigan.
Iyon ang unang pagkakataon na nakaharap ni Daena si Bernard nang malapitan. Marami sa mga kaklase niya ang may crush dito. Siguradong maraming mga kaklase niya ang maiingit sa kanya kapag nalaman iyon. Pero hindi siya kabilang doon dahil may pagka-badboy at babaero kasi ito.
Hindi gaanong nagulat si Daena nang malamang pinsan ni Jericho si Bernard sa mother side, at nakatira ang mga ito sa iisang bahay. Malaki kasi ang resemblance ng dalawang lalaki at pareho ring asul ang kulay ng mga mata.
Kasalukuyan nang naglalaro sa court ang mga player nang dumating sila. Nang nakaupo na, nahati ang atensyon ni Daena sa mga naglalaro at kay Jericho. Panay kasi ang tanong nito sa kanya.
"Anong sports mo, Daena?" Nakaupo siya sa dulo ng bleacher at nasa kanan niya ito katabi ang tatlong lalaki.
"Wala,eh. Hindi ako athletic kaya ang baba ng grades ko sa P.E," aniya.
"Pareho tayo. But I run. Bumilis akong tumakbo dahil kailangan 'yon para hindi kami maabutan ng mga kaibigan ko sa Seattle ng mga gang na kaaway namin."
Napatingin siya rito. "Talaga? So, totoong ipinadala ka rito ng parents mo dahil sakit ka nila ng ulo?"
Tumabingiang ngiti ni Jericho. "Parang ganoon na nga. But believe me, mabait ako. Nabarkada lang."
Nagkibit-balikat siya. "Sinabi mo, eh. Pero kung sa Amerika ka lumaki, bakit ang galing mong magtagalog?" tanong pa niya.
"Tagalog pa rin naman kung mag-usap kami roon. Ang dami rin namang Pinoy sa Seattle. At saka bata pa lang ako, every year umuuwi kami rito sa Philippines ng family ko para magbakasyon."
"So ang daddy mo ang Italian?"
"Yes. Pero half Italian lang siya. Filipino rin ang lola ko sa father side. Nakilala ni Mommy si Daddy noong bumisita siya sa Italy. Tapos n'on sinundan siya ni Daddy sa Seattle at niligawan. Sa Seattle na rin sila nag-settle down," pagkukuwento nito.
Iyon ang simula ng pagkakaibigan nila ni Jericho. Nakasanayan na ni Daena na tuwing recess ay kasabay niyang kumain sa canteen ang tatlong lalaki. Pero mas madalas ay sila lang ni Jericho dahil parehong may extra-curicular activities sina Ethan at Fran. May mga kaklase rin at taga-ibang section ang nagyaya kay Jericho na sumabay mag-recess sa mga ito. Pero lagi itong tumatanggi at sa kanya pa rin sumasabay. Tuloy ay naging tampuhan sila ng tukso ng mga kaklase nila.
Jericho was not the usual Amboy that conceited. Mabait ito, matalino at masarap kausap. Tila kay hirap paniwalaan na naging sakit ng ulo ito ng parents nito kaya pinadala sa Pilipinas. Lagi silang nag-uusap ni Jericho ng kahit na anong topic lalo na kapag walang teacher. Enjoy na enjoy siya sa kuwento nito tungkol sa Seattle at sa iba pang mga lugar na napuntahan na nito. Naikuwento na rin niya rito ang halos buong buhay niya. Ang problema ay kahit may teacher na ay nag-uusap pa rin sila, nagbubulungan at nagtatawanan. Nahirapan tuloy siyang mag-concentrate sa lectures ng mga teacher nila. Dahil doon ay bumagsak siya sa unang pagkakataon sa long quiz nila. Sinisi naman ni Jericho ang sarili sa nangyari. Ang taas ng score nito sa test at sa buong klase nila ay siya lang ang bumagsak.
"It's my fault. Kung hindi kita laging kinukulit hindi ka sana bumagsak."
"No, it's okay. Kasalanan ko rin naman, eh. Hindi ako nakapag-review. Babawi na lang ako sa susunod," kunwari ay bale-walang sabi niya. Grade conscious siya dahil gusto niyang ma-impress ang Uncle Pete niya.
"Kasi nga kinukulit kita habang nagre-review. Let me treat you para mawala ang guilt na nararamdaman ko. Malapit na rin naman ang birthday mo, 'di ba?"
"Paano mo nalaman na malapit na ang birthday ko?"
Inginuso nito ang birthday's corner sa tabi ng bulletin board. Nakasulat doon ang lahat ng petsa ng kaarawan ng buong klase.
"Friday bukas, mag-mall tayo after ng class. Magpaalam ka na rin sa nanay," sabi nito.
Dahil na-depressed talaga siya at alam naman niyang kukulitin pa rin siya ni Jericho kahit tumanggi pa siya, pumayag na lang siya kaagad.
BINABASA MO ANG
Reunited Hearts (Unedited. To be Published under PHR.Completed)
RomanceIpinangako ni Daena sa sarili na sa oras na makatagpo siya ng lalaking katulad ng ex-boyfriend niyang si Fran na almost perfect at mahal siya ay hindi na niya ito pakakawalan.Gagawin niya ang lahat upang hindi ito mawala sa kanya. Nakipaghiwalay...