Chapter Eleven

1.5K 44 6
                                    

"NA-EXPERIENCE mo rin pala ang na-experience ng school librarian nang mahuli niya tayo dati," biro ni JD matapos niyang ikuwento rito ang puno't dulo ng hindi nila pagkakaunawaan ni Ethan. Batid niyang kayang magtago ni JD ng sikreto kaya walang pagdadalawang isip na sinabi niya rito ang natuklasan niya.

Kasalukuyan silang kumakain ng hapunan sa kusina nito. JD was occupying his cousin's unit just one floor above where she was living since yesterday. It was Sunday, tinulungan niya itong ire-decorate ang unit at pagkatapos ay magkatulong silang nagluto ng hapunan nila.

Naramdaman niya ang pag-iinit ng mukha niya nang maalala ang nangyari noon. "Heh!" Inirapan niya ito.

Sumeryoso si JD matapos uminom ng tubig. "Do you want me to talk to Ethan and convince him that you're telling the truth?" tanong nito.

"Huwag na baka pati kayo ay mag-away. Nasabi ko na kay Ethan ang dapat niyang malaman. Wala na akong magagawa kung ayaw niyang maniwala."

"I can't believe na magagawa 'yon ni Lance kay Ethan. They were like brothers," napapailing na sabi ni JD.

Nagkibit-balikat si Daena.

"Anyway, nagkaayos na ba sina Ethan at Tamara bago siya umalis?" curious na tanong ni JD.

Hindi niya maiwasang mapangiti sa tanong nito. May pagka-tsismoso rin ito kung minsan.

"Hindi nga, eh. I planned to set them up para makapag-usap sila pero kinulang na nang oras dahil bumalik na si Tammy sa London. I hope God would give them a chance to meet again and reconcile. They deserve a second chance."

Sumang-ayon si JD. Namagitan ang sandaling katahimikan.

"JD, can I ask you something?" kapagkuwan ay sabi niya.

"Ano 'yon?"

"For those years na magkahiwalay tayo kahit minsan ba ay naisip mo rin ako? Please be honest."

Ngumiti ito. "Lagi kitang naiisip, Daena. Hindi ba obvious na lagi kitang tinatawagan?"

"I meant noong umalis ka noong high school pa tayo."

"Yes," mabilis na tugon nito. "Hindi lang kita basta naiisip. In fact, during college kapag nagbabakasyon ako rito lagi kitang tinatanong kina Ethan at Fran kung may balita sila sa 'yo. I'm so curious on what happened to you. Pero magmula raw nang grumaduate kayo ng high school ay nawalan na kayo ng contacts sa isa't-isa."

"That's true."

"Until one day, I bumped to our former classmate in Seattle at ang sabi n'ya nag-aaral ka raw sa New York and you were okay."

"Sinong classmate 'yon?"

"I can't remember her name and even her face."

"Six months lang naman ako sa New York. Nag-aral ako ng crash course sa TV production n'on."

Tumango si JD. "Nang nalaman ko na okay ka naman pala, huminto na ako sa kakatanong tungkol sa 'yo. I just hoped that one day our paths will cross so I could apologize to you."

"I see," tumatango-tangong sabi niya.

Anyong may sasabihin ito ngunit hindi natuloy nang biglang may mag-doorbell. "I'm not expecting anybody," sabi ni JD bago tumayo at nagtungo sa front door.

Ang pinsan nitong si Bernard at ang asawa nitong si Denise ang dumating. May dalang pagkain at DVD player ang mga ito na siyang kulang sa unit ni JD. Lumarawan ang pagkagulat sa mukha ng mag-asawa nang makita si Daena.

"Guys, kilala n'yo na si Daena but I'd like to say she's already my girlfriend," may pagmamalaki sa tinig na sabi ni JD.

Lihim na napangiti siya. So it's official, boyfriend na talaga niya si JD. Ang sarap pala sa pakiramdam na marinig iyon mismo sa binata.

Reunited Hearts (Unedited. To be Published under PHR.Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon