Chapter Nine

1.2K 36 0
                                    


"GOOD LUCK with the interview, Tammy.You'll be great," nakangiting sabi ni Daena nang mapagsolo sila ni Tamara sa dressing room matapos maglabasan ng ilang empleyado ng TV network at mga staff at crew na humingi ng autograph at nagpapicture sa pinsan niya.

Dumating na sa bansa si Tamara para sa concert nito at masuwerteng pinaunlakan nitong mag-guest sa Today's People.

"Thanks, Daena," tugon ni Tamara.

"Have you seen him already? Sumilip na ba siya rito?" tanong niya rito. Batid ni Tamara na si Ethan ang tinutukoy niya.

"No. Hindi pa, pero mas mabuti siguro kung sa studio na lang kami magkikita."

"I'm sure pupunta 'yon dito. Baka may ginagawa pa siya sa dressing room n'ya." Sandali siyang tumigil sa pagsasalita at tinitigan ang pinsan. "Are you okay with this interview, right?" maingat na tanong niya.

Sandaling natigilan si Tamara bago tumango. "It's fine, Daena."

Nakahinga siya nang maluwag sa narinig. Halos sampung taon din silang nawalan ng komunikasyon ni Tamara. Good thing at nagkaroon ito ng Twitter account. Nag-tweet siya rito more than a year ago at nag-reply naman ito. Later that day ay nag-video call sila sa Skype. Magmula noon ay hindi na naputol ang komunikasyon nila. Kaswal na nilang napag-usapan si Ethan at dati nilang mga kaklase. Gayunman, marami pang pangyayari sa buhay ni Tamara ang hindi nito naikukuwento sa kanya. May pakiramdam siya na maaaring tulad ni Ethan ay hindi pa rin talaga nakakapag-move on si Tamara kahit pa engaged na ito kay Johannes Chapman na isang American bestselling sci–fi writer.

"Anyway, I gotta go. I'll see you later sa studio na lang, ha?" aniya.

Tumango si Tamara. They hugged before she left the room.

Ngunit walang nangyaring interview dahil nag-walk out si Tamara matapos nitong sampalin si Ethan nang puntahan ito ng binata sa dressing room nito.

"HI! Kumain ka na?" Napangiti si Daena nang marinig ang tanong ni JD nang tanggapin niya ang tawag nito. Years had gone by but JD was still sweet and thoughtful.

Dahil sa dalas ng pagkikita nila at sa pagti-text at pagtawag nito sa kanya nitong mga nakaraang linggo ay hindi maiwasang muling mahulog ang loob niya sa binata. She was falling in love much deeply with him this time. Bahala na kung muli siyang masaktan nito.

"Yup. Ikaw?" tanong naman niya.

"Kakain pa lang. Kasama ko si Troy, kakagaling lang namin sa practice game ng team niya," tugon ni JD. Nitong mga nakalipas na araw kung wala rin lang shoot ang binata ay nakiki-practice ito sa Energy Lightnings, ang team ni Troy sa PBA at iba pang mga college team sa UAAP at PBA Development League o D-League. Ilang charity ball game na rin ang pinaunlakan nito.

"Okay, pero dapat kumain ka muna bago mo ako tinawagan."

"I just wanna hear your voice first. Puntahan kita sa workplace mo mamaya after namin dito, ha?"

"Okay." Tamang-tama may kailangan siyang sabihin kay JD na ilang araw na niyang kinahihiyaang sabihin. Bukas na ang concert ni Tamara pero hindi pa rin niya nasasabi rito na ito ang gusto niyang maging escort.

TILA gustong mapaatras ni Daena nang makita ang nagkalat na reporters sa labas ng coffee shop pagbaba niya sa ground floor. Mabilis na kumalat ang nangyaring pananampal ni Tamara kay Ethan ilang oras pa lang ang nakalilipas. At dahil kapwa walang gustong magsalita sa kampo ng dalawa ay siya ang kinukulit ng mga reporters para hingan ng pahayag.

Reunited Hearts (Unedited. To be Published under PHR.Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon