Chapter Seven

6.7K 127 4
                                    

Chapter 7

Eimee's POV

Nagpapahinga lang si lola sa kwarto nya ng biglang nag-ring ang cellphone ko. Si ate Yssa? Ano kayang problema nya? Si kuya Aldred kaya ulit?

Sinagot ko ang tawag at;

"Hello ate? Good morning!", bungad ko sa kaniya. Ang aga pa, alas sais y media pa lamang.

"Hi Eimee, I'm on my way.", tila pagod na pagod ngunit pinipilit niyang maging masigla ang boses sa kabilang linya. Bakit?

"Saan ka ate?", pang-uusisa ko sa kaniya.

"Bibisita sa inyo. Surprise!", sa pagkakataong iyon ay tunay ng masaya ang tono ng boses ni ate Yssa.

Mabuti naman.

"Talaga po?!"

"Yeah. I'll be there after an hour. Just wait."

"Okay po. Matutuwa po si lola. Ingat ate."

"Alright. Thanks. Bye Eimee."

"Bye ate."

Yes! Makikita ko na ulit si ate Yssa!

Sa maikling panahon mula ng magkatagpo ang landas namin ay naging close na talaga agad kami sa isa't isa.

Na-meet na nya si lola at pamilya na talaga ang turingan namin sa bawat isa.

Ayaw kong mawala sa akin ang tiwala ng kahit sino kaya nagpapakatotoo ako sa lahat ng nakikilala ko. At isa na si ate Yssa sa iilang karapat-dapat na itrato ng mabuti at tama.

Makalipas nga ang ilang oras ay narinig ko na ang pagtunog ng doorbell.

Agad kong binuksan ang pinto at.. Whaa! na-miss ko sya ng sobra!

"Ate!"

"Li'l sis!"

Sinalubong nya ako ng yakap, napakahigpit na yakap. Na para bang doon sya humuhugot ng lakas.

Hays. Ang bait nya talaga. Ayon kasi sa kaniya ay wala syang kapatid kaya ganito nya ako ituring.

Tapos iyong lolo't lola nya daw ay hindi na din nya naabutan kaya mas minamahal nya ang lola ko-- este lola daw namin.

Tumuloy na si ate Yssa sa loob at naupo sa mahabang sofa. Bahay pa din naman nya 'to kaya ayos lang. Kahit pa nga ang mismong titulo ng lupa at bahay na ito ay naka-pangalan na sa akin.

Wala namang lahat ng ito kung wala siya.

"Dami mo palang gamit ate. Sana ay nasundo kita. May problema ka po?"

"Hmm.. Kwento ko sayo mamaya.", nakapikit ang mata at nakasalampak sa upuan na sabi niya. Halata ngang pagod sya.

"Okay.", ayaw ko naman syang istorbohin kaya pumunta na muna ako sa kusina.

Ipinagtimpla ko na muna sya ng pineapple juice at ipinag-handa ng paborito niyang yema cake.

Bago pa man ako matapos sa ginagawa ko ay sumunod na pala sa akin si ate Yssa. Tumabi ito sa akin at bahagyang sumandal sa kitchen counter.

"Eimee?"

"Po?"

Agad ko syang nilingon ng nakangiti pero agad din iyong napawi nang makita ko kung gaano kaseryoso ang reaksyon nya.

"I'm pregnant.", tiningnan nya ako matapos nyang magpakawala ng buntong hininga.

"Po?!"

Halata sa mukha ko ang pagkagulat. Sino ba namang hindi di 'ba?

His Father Is My Best friend (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon