Chapter Thirty-four

2.9K 61 0
                                    

Chapter 34


Aldred's POV

I'm on my way to Assy's room when my phone rings. Natawag pala si panget so I answer it hurriedly.

"Why panget?" I asked upon answering the call.

"Nasa O.R. na si Assyrel. I'm nervous." She said obviously bothered.

"Don't worry. Pabalik na ako dyan."

"Okay, I'll wait." She then ended the call.

Mas binilisan ko pa ang paglalakad ng may mabangga ako. An old woman.

"Sorry ho." Hinging paumanhin ko sa kaniya.

"Ayos lang. Kasalanan ko naman hijo." Sagot nito tsaka ako nginitian ng bahagya.

"Tulungan ko na po kayo." Alok ko sabay tulong sa pagdampot ng mga kanina ay hawak nya.

Nagkalat na kasi sa sahig iyong mga dala nya na kung anu-anong papeles.

Mukhang mahirap si manang dahil halata naman sa kasuotan nya at bakas din sa mukha nya ang katandaan.

"Salamat, hijo. Oh, sya tumuloy ka na sa lakad mo at nagmamadali ka yata." Sabi ulit ni manang.
Bigla ay naalala ko naman ang dahilan kung bakit nagmamadali ako na sya ring dahilan kaya ko sya nabangga.

"Hindi ho. Saan ho ba kayo 'la? Samahan ko na po kayo sa pupuntahan nyo."

"Ay hindi na kailangan hijo, ayos lang ak--"

Naputol ang sasabihin ni lola ng may lumapit sa kanyang nurse.

"Kayo po ang guardian ng pasyente sa room no. 55 di po ba?" Sabi nito tsaka tinitigan ang mukha ng ginang.

"Ay oo, ineng. Bakit?" Kinakabahan na sabi ni lola.
I'm just silently watching them.

"Kailangan na ho ng agarang operasyon ng pasyente, lola. Kung hindi ho ay tuluyan ng lalala ang kondisyon nya. Sumama na ho muna kayo sa akin." Paliwanag ng nurse.

Sa narinig ay biglang lumungkot ang hitsura ni manang at halatang nawalan sya ng pag-asa.

"Ahm, excuse me? Magkano ho ba ang kailangan sa operasyon? Ano po bang nangyari?" Walang pag-aatubili na tanong ko sa nurse.

"Nagka-roon po kasi ng madaming bato sa apdo ang anak ni lola na sa lalong madaling panahon ay kailangan nang matanggal. Approximately nasa 18,000 pesos po ang gagastusin para roon." Sagot naman nito sa tanong ko.

Biglang tumingin sa akin si lola dahil hinawakan ko ang kamay nya.

"Ito po. Binibigay ko na 'to sayo 'la. Gamitin nyo para maisagawa ang operasyon." Then I gently put cash on her hand.

I don't know but I have this urging feeling to help her. I'm not getting pity of her, being concern is the appropriate term.

Biglang umiyak si manang dahil sa ginawa ko tsaka nya ako niyakap nang mahigpit.

"Maraming salamat, hijo. Salamat. Salamat talaga. Dahil sa kabutihan ng puso mo maooperahan na ang anak ko." Lumuluhang sabi nya.

I just nod at her then she finally let go of me.

"Ooperahan din po ang anak ko ngayon, ang pinagkaiba lang ho ay ang estado natin sa buhay. Sige ho, una na ako ha?" Paalam ko kay lola.

"Ay oo, sige. Maraming salamat ulit hijo."

At umalis na nga ako kasi sigurado akong nagtataka na si Yssa kung bakit wala pa rin ako.

Siguro iniisip ng nakakita do'n sa akin kanina na ang bobo ko para magtiwala agad sa isang estranghero pero, masama na bang tumulong?

His Father Is My Best friend (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon