Chapter 11
Eimee's POV
Hindi naman boring sa bahay pero naisipan ko na lang ding mamasyal. Hays. Sayang naman ang ganda ng view kung hindi ko makikita. Kahit matagal na kaming nakatira ni lola dito, hindi ko pa din nae-explore ang buong lugar.
Kahit nga ang subdivision namin ay hindi din. Hanggang sa pinakamalapit na convenience store lang ako dito din sa loob. Haha.
Magpapaalam sana ako kay ate kaso tulog pala sya kaya kay lola na lang ako nagsabi. Pumayag naman ito basta hwag lang daw akong lalayo at magpapa-gabi.
Eh? Wala naman akong alam na pasyalan dito. Paano?
Nawawalan ng gana akong naupo sa isang bench dito sa park sa loob din ng subdivision namin, saan ako gagala? Argh!
Baka maligaw lang ako!
"Hi, miss. Si Eimee ka di 'ba?"
Biglang tanong sa akin nang lalaki na sa palagay ko ay kasing edad ko lang. Mukha naman syang matino. Nakasuot sya ng school uniform siguro nya tapos may dala din syang attache case.
Mga anim na talampakan ang taas nya at napaka-neat looking. Moreno sya at matangos ang ilong, pati pilik-mata ko ay nahihiya sa kaniya. Gwapo talaga, syet!
No no no! Tigil Eimee! Bakit ba kinikilatis mo 'yan? Mamaya'y maglaway ka pa!
Nakakahiya!
"Oo. Sino ka ba?"
Friendly naman ako. Besides, gwapo talaga si kuya. Teka? Paano nya kaya nalaman ang pangalan ko?
"I'm Emmanuel. Fourth year college student dyan sa malapit na university."
Ngumiti na lang ako. Hays. Na-miss ko tuloy ang school life. High school lang kasi natapos ko. May financial problem nga kami di 'ba bago pa namin makilala si ate.
"Bago ka lang dito di 'ba?"
Ang dami nyang tanong ha. Close ba kami? Pero parang ang dami na nyang alam sa akin? Hmm.
Oh no! Baka stalker ko 'to?
Ay, hindi. Ilusyonada yata ako. Erase. Erase.
"Oo. Ilang taon ka na ba?"
It's my time to ask him. Mukha kasing kaedad ko lang talaga sya.
"I'm twenty one. Nagtataka ka kung bakit nag-aaral pa din ako?"
Ay, three years pala age gap namin. Hindi lang halata. Fresh na fresh kasi si Fafa!
Argh! Ang haliparot na! Self, behave!
Tumango na lang ako. Confuse lang eh. Dapat graduate na sya kung twenty one na sya.
"I took medicine course. That's why. Haha. Tagal pa 'no?"
Hmm. Ten years yata ang ganoong course di 'ba? Hindi kaya sya nabo-bored?
"Hindi naman boring eh."
Woah. Medyo creepy na sya ha? Mind reader? Halah!
"Haha. Pabulong bulong ka kasi. Pwede mo naman akong tanungin eh. Okay?"
Ayy, kaya pala. Ang bobo ko! Pahiya!
"Hmm. Sige. Hi, Emmanuel."
Tapos kaunting kwentuhan lang at umalis na din agad sya. Okay? Ano iyon?
Makapag-gala na nga lang sa labas ng subd. Kakasawa din dito eh.
Lakad dito. Pasyal dyan. Kapagod! Naupo lang ako saglit sa upuan labas ng convenience store habang bitbit ang binili kong foot long sandwich ng..
BINABASA MO ANG
His Father Is My Best friend (complete)
RomantikIf you get pregnant at the most unexpected time and by the most unexpected person, will you consider abortion or would you rather run away? I'm Yssa and this is my story. ©2015 All Rights Reserved Ranked: #1 - baby #1 - escape #1 - letting-go #1...